LAD 1 - One Wish

2.8K 38 7
                                    

"DJ.." mahinang tawag niya sa'kin, pero nakatuon ang mga mata niya sa bintana.

"Hmm?"

Tinignan niya ako, kahit na nanghihina nakuha pa niya na ngmiti sa'kin. Kahit  na pilit lang yun masaya na ako. Kontento na ako.

Ang putla na niya, dahil sa pagkakakulong niya sa kwartong ito. Hindi na ganon ka pink ang mga pisngi niya. Hindi tulad dati nong wala pa siyang sakit.

Iniisip ko pa nga lang na mawawala na siya sa akin parang hindi ko na kaya. Ang daya naman. Wala pa ngang isang taon na magkasama kami kukunin na naman uli siya sa akin. Hindi ko pa nga siya nakikilala ng lubusan eh. Five months pa nga lang kami na magkasama. Madalas pa nga hindi kasi andito siya ako naman may inaasikaso.

Extension naman. Konti lang.

Kahit ilang taon lang.

Susulitin ko talaga iyong natitirang araw kasama siya.

"Malapit na no?" tanong niya.

"ang alin?"

"M-malapit na a-akong M-maw-wala.." Iniwas naman niya iyong tingin niya sa akin.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan diyan. Makakakita din tayo ng Donor mo. Makakalabas ka dito. Magkakasama tayo ulit. Pupuntahan natin iyong mga lugar na gustong mong puntahan. Saan ba? Baguio? Star City? Boracay? Cebu? Basta.. Gagaling ka. Pangako." Huminga naman ako ng malalim. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin. Tutulo na ang luha ko. "Basta stay put ka lang dito. Huwag mong iisipin iyong mga ganong bagay. Ang gawin mo lang.. Magpalakas ka, Magpahinga at i-prepare mo ang sarili mo para sa operation mo."

Hinawakan ko ang kamay niya. Ang lamig niya. Siguro dahil sa Aircondition.

Ang payat na niya masyado. Pakiramdam ko yakapin ko lang ito mag-be-break na ang mga buto niya.

"Ang dami naman non". reklamo niya.

Nginitian niya ako. Ganon na lang din ang ginawa ko.

Andito nga pala ako sa Hospital ngayon. Binabantayan siya. Dati ayoko rito eh. Needles, Meds, injection, doctor.. Pero ngayon napapasok niya ako dahil sa kanya. Isa talaga siya sa mga babae na hinahangaan ko. Kasi napapagawa niya sa akin ang mga bagay na hindi ko kayang gawin.

"I Love You." Ramdam kong hinawakan niya ako sa pisngi. Ginagap ko ang kamay niya at hinawakan din.

"I Love You too."

"Talaga?" Kahit na nanghihina siya makikita mo pa rin kung kailan siya totoong masaya at nagpepeke. Tulad ngayon..  I can see it in her eyes that she's really happy when I said I Love You Too.

Tumango naman ako. Pakiramdam ko pag may sasabihin pa ako. Tutulo na ang nang-gigilid kong luha.

"If you love me.. Then.. Do me a Favor.."

"ANYTHING! NAME IT!! I'LL DO AND GIVE EVERYTHING YOU WANT." sabi ko na may hand gestures pa.

"L-let go of m-me... T-the Surgery.. I-I wanna S-see y-you Happy. I W-wanna s-see you Get M-Married."

THE HECK??!?!?

At nakuha pa talaga niya na ngumiti ng nakakaloko.

************************

"ANO??!" halos mabingi naman ako sa sabay-sabay nila na reaction sa sinabi ko.

"MagpapaSAKAL ka? este.. papaKASAL?" Tumawa naman siya ng malakas at hawak pa ang tiyan niya. Kaasar ito ah!

"Babatokan kita Khalil pag di ka tumigil diyan." Banta ko.

"Seryoso Pare? Ikaw??" Isa pa itong si Enrique eh. Inirapan ko nga.

"Saan ka naman maghahanap ng Magpapakasal na Walang ligawan, Walang suyuan, Walang ka-effort-effort at derecho agad sa Simbahan??" -Albie

"At eto pa! Leader pa ng Gang!" sabi ni DM na tinuro-turo pa ako.

"At Sino naman ang may sabi na AKO ang maghahanap?" sabi ko sabay kuha ng bagong magazine sa harap ko at si Anne Curtis ang Cover.

"What do you Mean?" nagtinginan naman silang lahat sa akin. Ayan! Mang-asar pa kayo.

"Sabihin na lang natin na kakalimutan ko ang mga atraso niyo. Basta hanapan niyo ako ng Bride. The sooner the better."

"ANO?!?!?" sabay na naman sila.

Nasa office nga pala kami ni Boss. Sa head Quarters ng Blue Shark. Pangalan ng gang namin. Supposed to be hindi pwede itong ginagawa namin na dito nagtitipon, pero dahil malakas ako kay boss napapayag ko siya. 5 years na kami miyembro sa grupong to. Sila Actually, ako since inampon ako ni Boss. 

Oh, where's my Manners? 

Ako nga  pala si Daniel John Ford Padilla. DJ for short. 20 years old. Sabi nila Bad Boy, Basagulero, malupit sa chicks,Chickboy. Sabi lang naman nila yun. Para sakin malayo yan sa totoong ako. Ni wala nga akong girlfriend eh. Wala nga akong Bride. Kung di ko lang talaga mahal iyong may gusto na magpakasal ako di ko talaga itoo gagawin. Wala pa akong plano na magpatali..

At sa kung sino pa. Mamaya niyan may sabit.

"Pare, sira ka na ba? Pagnalaman ito ni boss tiyak patay tayo pare-pareho. Yari tayo diyan tol." si  DM.

"Alam niyo, alam na niya ito. At laking pasalamat ko lang at naiintindihan niya ako." nag-de kwatro naman ako at tinignan ko silang lahat. "Ano? Tutulongan niyo ba ako? O sa labas na lang natin pag-usapan ito? Tyempo naman na mainit ang ulo ko."

Walang nagsalita.

Walang sumagot.

Walang gumalaw.

(.___.)

( '____')

Napako na yata ang panigin nila sa kisame at mga sapatos. Akala siguro nila nagbibiro ako sa huling sinabi ko eh.

Ganon na ba talaga kahirap maghanap ng bride?

"DJ, Mahirap pa sa Equation na sinolve ko kanina ang problema mo eh." May sa Manghuhula ba itong babaeng ito at sinagot iyong tanong ko sa utak ko kanina?

"Talaga Julia?" Ewan ko ano iyong mukha ko, basta napasiksik sa likod ni Enrique si Julia ng wala sa oras.  Tinignan ko uli silang lahat, tapos si Julia. Parang may maganda akong naiisip.

"Enrique." tawag ko at agad naman na tumingin siya sa akin. "Total hindi mo naman ako tutulongan. Si Julia na lang.. Ano Julia? Will you Marry me? Ayy hindi. Mali pala. MARRY ME AND BE MY WIFE."

Nakatingin lang sila sakin at nalaglag na yata ang mga panga dahil di na nila nakuhang isara pa ang mga bibig nila.

"Ha??" 0___o yung mukha ni Julia. "Masyado ka yatang sinuswerte Padilla. Sige. Kung di ka nila tutulongan akong tutulong sa'yo.."

"Hahanapan kita ng Bride."

OW. THAT'S MY GIRL. :))

__________________

A/N:

GUYS MAIKLI LANG TO. TATAPUSIN KO AGAD THIS WEEK :)

Please vote and comment po!

Life After DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon