LAD 9 - Keeping my Star

1.7K 38 14
                                    

[KATHRYN'S POV]

Isang buong linggo na ngayon na hindi kami nag-uusap ni DJ. Lagi kami nagsasalisi. Pag-uwi ko siya naman wala pa. Pag-gising ko tulog siya. Sinasadya ba niya? Twing nagkikita naman kami sa hallway ng bahay may kausap siya sa cellphone niya. Minsan nga iniisip ko na baka sinasadya niya yun. Ganon na lang ba ang galit niya sa akin? Di pa ba sapat yung ginawa niya nong last night namin na mag-usap?

"Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.. Pero siguro.. Baka.. Palagay ko.. Hinndi ko talaga alam eh.. Mahal na nga siguro kita.."

Lagi yan nag-e-echo sa utak ko. May sarili  na yatang recorder at nagpi-playback parati ang sinabi niya nong gabing yun. Somehow I felt joy in my heart, but then agaib I always remind myself na nong sinabi niya yun maraming 'siguro'.. Hindi niya alam. Palagay niya lang. Baka nagui-guilty siya. Baka naawa lang siya sa aki nong mga oras na yun.

Huminga ako ng malalim at kinuha ko yung gamit ko sa study table ko. Inayos ko na ang bag ko. Tinignan ko si DJ na mahimbing na natutulog.

'Kailan ba tayo mag-uusap ng matino??'

As if naman sasagot siya. Tulog nga diba?

Inayos ko ang kumot niya at ang unan. Nakaside-view siya sa akin. Kaharap niya ang bedside table niya. Napatitig ako saglit. Bigla kong naalala. Mula nong ikinasal kami hindi kami nag-uusap ng matino. Naghaharotan lang kami. Nagtatanong siya tungkol sa akin, pero napaghahalataan ko na lagi niyang iniiba ang usapan pag ako ang nagtatanong tungkol sa kanya. Kasal kami pero hindi ko kilala sino ang totoong DJ.

May takot na namumuo sa loob ko, pero ayokong palalain yun. Kasal kami. Panghabang buhay ito. 

Kahit  na sinabihan ako ni Sam na layuan si DJ dahil delikado at nakakasama siya sa akin. Nagdadalawang isip ako. 

Hindi ako sigurado kung mahal niya ako. Siya rin. Yet I'm willing to give him everything. Hindi ko siya gaanong kakilala pero mahal ko siya. Tinatanong nga ni Sam kung anong  nakain ko't nagpakasal ako sa di ko kakilala. Parehas lang naman kami eh. Minahal din niya ako noon kahit di pa kami magkakilala.

*tok.tok.tok*

Agad akong pumunta sa may pintuan ng makarinig ako ng katok. Si Manang..

"Nandiyan na po si Sir Khalil." pagpapahayag niya.

Tumango ako. "Sige. Paghintayin mo muna sandali."

Pagtalikod niya agad ko na sinara ang pinto at kinuha ang bag at iba ko pang gamit. Nalingonan ko naman si DJ. Tulog pa rin siya. San kaya siya galing kagabi? Nagpapakapagod na naman siya sa trabaho niya.

Kinuha ko ang post-it note ko at Sumulat ako. 

Nilagay ko yun sa Celpphone niya para makita niya agad.

Ayaw niya gumawa ng first move para magkabati kami. Siguro ako na lang. Ako aman talaga nauna na gumawa ng kalokohan. 

Hinaplos ko yung buhok niya.. Napangiti na lang ako sa katangahan ko. Ito siguro talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Nagpapakatanga.

"Morning Babe. I Love you. Magrest ka ha?" bulong ko kahit hindi niya ako naririnig and i kissed him on his Lips.

++++++++++++++++

[DJ'S POV]

One Week na kami na hindi nag-uusap ni Kath. Hindi sa sinasadya ko pero sa ginawa ko sa kanya nong huli kami na mag-usap wala akong lakas ng loob para magsorry sa kanya. Ayaw rin makisama ng Ego ko dahil nasasaktan daw siya.

Life After DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon