LAD 7 - Badtrip

1.7K 26 11
                                    

[KATHRYN'S POV]

Mula pa kanina ng umalis kami sa hospital wala sa mood si DJ. Ewan ko nga kug bakit. Akala ko kasi nakarecover na siya sa sinabi ni ate Roanna sa kanya. Kaso hindi pa pala. Wala naman akong ibang maisip na dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. 

Hindi ko tuloy masabi sa kanya na may lakad ako mamaya at di na lang ako magpapasundo. Kung bakit ba kasi salubong ang kilay niya ngayon.

Pero infairness ang gwapo niya pa rin kahit galit siya. Hindi nawawala ang pagiging cute niya kahit inis siya.

"AAAAAAAAAAAAAAAHH!" napasigaw ak bigla.

"Sorry Kath. Sorry.." tinignan niya ako ng puno ng pag-aalala. "Okay ka lang? Yung gago kasi eh..  biglang lumiko."

"Okay lang.." sinalubong ko ang mga mata niya pero umiwas siya. "Ikaw? Okay ka lang?"

Tumango lang siya.

Ang bilis niya naman  na magpalit ng moodswings kanina lang nong papunta kami sa hospital okay pa siya ngayon. Hindi ko na ma-spelling. Lagi naman talaga siyang ganito eh, kaso malala lang ngayon. Hindi siya nagsasalita. Hindi rin naman ako makapag-open ng kahit anong topic at baka ikagalit niya.

Bumuntong hininga na lang ako sa frustration ko. Konting tiis na lang nasa gate na kami ng school namin. Nakikita ko na ang building namin.

"Susunduin kita mamaya ha? Bibisitahin natin uli si Ate." sabi niya na hindi ako nililingon.

"Anong oras?"

"mga 6. Dismissal mo na naman yun diba?" tinapakan niya yun brake saka huimnto ang sasakyan. Inabot ko naman ang libro ko sa likod ng sasakyan.

"Pwede mga 8 mo na lang ako sunduin?"

"HA??" bigla na napalingon siya sa'kin. Mas nakikita ko kung gaano siya ka badtrip ngayon. Nagsasalubong ang kilay niya. Nakakuyom ang isang palad niya. 

"K-kasi may Project kami.. Hindi pa kasi natatapos.." pagsisinungaling ko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggan paa. At matagal niya na tinitigan ang mata ko. Parang binabasa ang kung ano man ang iniisip ko. Pero dapat hindi ako mahuli ngayon. Matagal ko ng di nakikita si Sam. Ni di niya alam na kasal na ako. Di niya alam sa'n na ako napunta. Halos wala na kaming contact sa isa't isa dahil pinalitan ni DJ ang sim ko. At parang security kung makabantay siya sa akin.

"O-okay lang ba?" 

Hindi siya umimik. Nakatingin pa rin siya sa akin.

"DJ, G-galit ka ba sa akin??"

He blinked. Pero hindi pa rin natatakpan ang kung anumang galit meron siya ngayon. He even fake a smile to convince me. Kahit na hindi ko alam ang background niya alam ko naman kailan siya galit at kung kailan hindi.

"Okay. 8 sharp. Dapat andito ka na sa labas." Oh! How Bossy!

"Thanks." sabi ko an parang awkward. 

I unbuckledmy seatbelt and unlock the door ng ni lock niya uli. Ano na naman bang problema nitong abnormal na 'to?? Tinignan ko siya ng masama. Narinig ko naman na inunlock niya na. Nong i-oopen ko na sana i heard a click. Na-lock na naman. Nakikipaglaro ba ito? Akala ko ba badtrip siya?

Mga ilang minuto din kami na ganon. Nong nainis na talaga ako.. Bigla ko siyang sinigawan.

"DJ!! ANO BA?!?!?!"

Life After DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon