Chapter 7: Bakit nga ba hindi???

11 0 0
                                    

JORDAiNE’s POV

 

Tapos na ang 3rd year, 1st semester namin.

Kaya naman mas lalo akong nagkakaoras na isipin si Bryce.

Maloloka na yata ako.

Shemay!

Wala pa man din akong kasama dito sa bahay.

Maitext nga si Alex.

Hinanap ko ang cellphone ko pero. . .

“Jordy???”

Nasa pintuan na agad si Alex at nakapasok na sa bahay.

“Ow? Anong nangyari sayo??”

Takang tanong ko.

Kasi ba naman malungkot ang gaga at parang maiiyak na ewan.

“May internet connection ba kayo?”

“Oo meron pa.”

Takang sagot ko.

Maya-maya ay bigla niyang binuksan ang laptop at nag-open ng FB niya.

Pinakita niya sakin ang wall ni Alexandre.

At!!!

SHOCKS!!!

Napatingin naman ako kay Alex na ngayon ay naiyak na.

“My ghad!!! Kelan pa yan???”

Gulat na tanong ko.

“Last week pa. After naming magkachat nung ginagawa ko ung last assignment na ipapasa natin kay Dean.”

“Gosh! Nagulat ako.”

“Siya ung gelay na sabi ko mukhang anak-mayaman talaga. Chicks ow.”

Malungkot na sabi ni Alex.

“Hays. Tama ka, Alex. Pero may iba-iba naman tayong ganda ee.”

Umiyak lang si Alex habang ako tinitingnan ko yung mga pictures ni Alexandre at nung bago niyang girlfriend.

Ok naman nga yung babae.

Maganda siya, maporma at halata mo ngang anak-mayaman.

Mamaya ng mahimasmasan si Alex ay may ipinakita siya sakin sa FB.

“Ow? Sino naman yan?”

Takang tanong ko na naman.

“Inirereto sakin ni Yeng at ng boyfriend niya, si MJ. Bestfriend daw yan ni MJ ee. Hays.”

“Interesado ka na ngayon?”

Parang nag-isip naman siya sa tanong ko.

“Parang gusto kong subukan. Cute din naman daw siya. May banda. Baka siya na maging daan para matupad natin ni Danie ang pangarap nating magkabanda.”

Seryoso na nga ang gaga.

Hays.

Hindi ko naman masisisi si Alex ee.

Mabuti pa siya.

“Ow? Bakit ikaw pa yata tong binagsakan ng langit at lupa?”

Takang tanong niya sakin.

“Hmm. Buti ka pa kasi ee. May mapagbabalingan ka na ng sugatan mong heart.”

Malungkot na sabi ko.

“Mas mahirap at masakit, Jordy.”

Nakakunot-noong tanong k okay Alex.

“Kasi, ang sakit lang isipin na kailangan ko pang umabot sa ganitong paraan para lang makalimot. Ang hirap kasi, pipilitin ko yung sarili ko, ee.”

Napabuntong-hininga ako.

“Pero diba, 4th year highschool pa tayo nirereto sayo un? Na-meet mo na siya dati diba?”

“Mmm. Yup. Ayan nga yung itsura niya. Tatlong beses ko lang yata nakasama yan. Isa lang yung planado dun.”

Pagpapaliwanag niya.

Bumuntong-hininga kaming pareho.

“Ikaw ba Jordy? If ever may ireto sayo? Go, go ka ba?”

Napaisip ako sa tanong ni Alex.

Ako rin ba handa na sa mga ganung paraan?

DAPAT na ba din akong humanap ng iba?

Napabuntong-hininga na naman ako.

“Alam mo, siguro it’s about time na para naman isipin ko na ang sarili ko at wag ng saktan ang damdamin ko. Masyado ko ng nailalaan ang oras at panahon ko kay Alexandre na kahit kelan naman ay hinding-hindi ako makikita.”

Napatingin ako sa bestfriend ko.

Hais Alexandre ka!

Napakaswerte mo na sana sa bestfriend ko.

“Ikaw, Jordy?”

Napakunot naman ang noo ko.

“Mm? Anong ako?”

“Iintayin mo pa din si Kuya Bryce?”

Napatawa naman ako ng pilit.

“Ow? Bakit ka naman natawa dyan? Para kang baliw.”

“Kasi parang dati-rati lang ikaw tong nagpupush sakin kay Bryce. Ikaw pa nga tong numero unong tagapagtanggol nun ii. Tapos ngayon naman ikaw tong. . . “

“Hindi kita ninenega, Jordy. Tinatanong lang kita. Kasi sakin sa sarili ko, hindi pa naman ako desidido sa namumuong hakbang sa isip ko ee.”

Napaisip na naman ako.

Jusko naman!

Mas masakit pa yata to sa ulo ee kesa sa mga pinapasagutan sa school.

Atleast un, may sure at tamang sagot.

Dito ba?

Ano ba ang dapat?

Napabuntong-hininga na naman ako.

“Ok. Hindi mo na ko kelangan sagutin Jordy.”

Tumingin ako sa kanya at bumuntong-hininga.

“I’ll give myself a break, too, Alex.”

Siya naman ang napatingin sakin.

“We must give ourselves a break. And besides, deserve naman nating maexperience ang naeexperience ng mga teenagers na kagaya natin. Kung darating naman sila, darating sila. At kung sila ang nakatakda para satin, Jesus will know what way it will be. Trust Him.”

Ngumiti naman si Alex sakin.

Tama naman diba?

Masyado na kaming nalulugmok.

Masyado kaming naasa sa fairy tail na itinatakda namin na silang dalawa ang Prince Charming namin.

Kaya bakit hindi subukan?

Wala namang mawawala.

J

STORYLiNE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon