Chapter 4: Unexpected Tour. .

13 0 0
                                    

JORDAiNE's POV

3 araw nalang at birthday na ni Alex.

Napapayag na din namin si Alexandre na sumama samin sa E.K.

Tinawagan ako kanina ni Carl.

Pinsan ni Bryce at kasama sa bahay.

Sinugod daw kanina sa ospital si Bryce pero ok ok naman na daw kaya lalabas na mamayang hapon o gabi.

Nasabihan ko na din pala siya, 2 weeks before palang bout sa birthday ni Alex.

At syempre pumayag siya.

Pero nakakaramdam ako ng kaba at pagkadismaya din ng bahagya.

Para kasing nakakakutob ako.

Ewan ko aa.

Co-insident lang ba lagi na sa tuwing may usapan kaming magkikita kami palagi siyang sinusumpong at madaming aliby???

Inintay ko hanggang hating-gabi ang text o tawag niya sakin pero wala.

Kaya naisipan kong itext si Alex.

Pero buo naman sa isip ko na kahit hindi makasama si Bryce (knock on the wood) ee sasama pa din ako.

Birthday ng bestfriend ko ii.

Magtatampo yun at isa pa, LIBRE!

HAHAHAHAHA!!!

TO: Alex

Alex? Hindi pa din nagpaparamdam si Bryce. :(

*BEEP*

Ang bilis nagreply ng loka.

Aba gising pa din???

FR: Alex

Tawagan ko.

TO: Alex

Salamat Alex ;)

Maya-maya. .

15 minutes na yata ang nakakalipas.

FR: Alex

Jordy? Ayaw talaga sagutin. Kanina ko pa nitatawagan ii. Puntahan at hanapin nalang natin ang bahay nila bukas. Meme na us Jordy. Para freshii ka bukas :) Goodmornight Jordy. mUa!

TO: Alex

Hala! Ok lang sayong puntahan natin si Bryce?

Hindi na nagreply ang loka.

Siguro nakatulog na nga.

1am na.

Hais talaga.

Naiinis akong nag-aalala kay Bryce.

KINABUKASAN. . .

Medyo tanghali na kong nagising.

At nagising lang ako dahil ang ingay sa baba.

Tumayo na ko at niligpit ang pinaghigaan ko.

"Ow! Jordy mahal na prinsesa! Himala't gising ka na! Hahahahaha!"

Ang aga naman nitong si Alex at nakapang-alis pa talaga.

Dito lang samin pupunta ii.

Hahahahaha!

"Hai naku! Pano anong oras na kaninang madaling araw gising pa yan. Cellphone ng cellphone ee."

Si Ate.

Close kasi si Alex sa family ko at ganun din ako sa family ni Alex.

"Hoi bruha! Maghilamos ka na at kumain na tayo ng lunch at maligo ka na. May lakad tayo, remember pader????"

STORYLiNE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon