Fifteen

1K 38 4
                                    

Saskia's

"Do you still want anything?"

Tanong sa akin ni Grey. Nandito kami ngayon sa isang cafe malapit sa school dahil katatapos lang ng midterm exams namin. I'm taking up Electrical Engineering while Grey is taking up Business Administration. Ewan ko ba rito kung bakit business ad ang kinuha eh ang galing sa math. Kapag may hindi ako ma-gets na lesson, siya yung nagtuturo sa akin.

Umiling ako sa tanong ni Grey, hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan. Nginitian ko naman siya at ganun din siya sa akin.

"Kailan mo kaya ako sasagutin, Saskia?"

Seryosong tanong ni Grey habang hawak pa rin yung kamay ko. Nangalumbaba ako gamit yung isang kamay na di niya hawak at nginitian siya bago ko sagutin yung tanong niya.

"I told you not to ask. We'll get there, Grey."

Sabi ko naman sa kanya na ikinakamot niya lang ng ulo.

"May pag-asa ka at alam mo yan. I won't keep you around if you do not have any."

Seryosong sabi ko sa kanya kaya nginitan niya uli ako. Gustong-gusto ko yung ngiting yun at alam kong para sa akin lang yung ngiti niya.

"Hey there, love birds!"

Sabay kaming napalingon ni Grey sa pinanggalingan ng boses.

"Glad to see you here, kanina pa kayo?"

Nakangiting tanong ni Kaia habang nakangiti na labas yung pantay-pantay niyang mga ipin. Ang ganda niya talaga kaya di na nakapagtataka kung halos lahat ng tao rito sa cafe ay nakatingin sa kanya.

"M-Medyo."

Nahihiyang sagot ni Grey dahil nakatingin lang ako kay Kaia at napansing nasa likod niya si Blanche na nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Grey.

"Do you still want anything else, guys? My treat!"

Masayang sabi ni Kaia habang pinaghihila ng upuan si Blanche, ang gentle woman naman nito.

"N-No, t-thanks. We're good."

Finally, nakasagot ako sa tanong niya.

"Okay. Sit here, sweety and I'll order. Is there anything that you like aside from blueberry cheesecake?"

Tanong ni Kaia kay Blanche pero umiling lang ang huli.

"Okay, stay there and I'll order."

Sagot ni Kaia pero hinalikan niya muna sa pisngi si Blanche bago siya lumapit sa counter.

"Kayo ba?"

Diretsong tanong ni Grey kay Blanche kaya napatingin ako sa kanya at nagtama yung mga mata namin. Hindi ako nagbawi ng tingin pero iniiwas niya yung tingin niya sakin.

"No."

Isang sagot na tanong ni Blanche sabay tingin kay Kaia na may kasamang dalawang teenager na nagpapa-picture at nakilala yata kahit na naka-bandana at yellow lens sunglasses siya.

"But I can tell that she likes you, swerte mo."

Nakangiti pa ring sabi ni Grey kaya sa kanya ko tumingin at napangiti rin ako.

Kibit balikat lang yung sinagot ni Blanche sa tanong ni Grey.

"Bagay pa naman kayo, sayang lang kung di rin siya sayo mapupunta."

Sabi ni Grey at inakbayan ako. Dumako naman yung tingin ni Blanche sa braso ni Grey na naka-akbay sakin at ano yung nakita ko sa mga mata niya?

"Sorry cherub if it took me so long. Two girls asked for a picture with me. Akalain mo yun nakilala pa ko?"

Natatawa niyang sabi pero napansin niyang nakatingin si Blanche sa pagkaka-akbay sa akin ni Grey.

Hinwakan ni Kaia ang mukha ni Blanche at iniharap sa kanya. Bibigyan niya ng mumunting halik ang tungki ng ilong nito bago inayos yung in-order niya.

"A slice of blueberry cheesecake for my ray of sunshine."

Nakangiting sabi ni Kaia kay Blanche at tsaka pa lang dumako ang tingin niya kay Kaia.

"Smile for the camera, cherub!"

Masiglang sabi ni Kaia kay Blanche pero napasimangot naman ang huli.

"Saan mo na naman ipo-post yan? Mamaya naka-wacky o kaya ang pangit ko dyan. Nakakahiya."

Sabi ni Blanche bago sumubo ng cheesecake.

"Nope, you're cute! My friends were asking who you are and I told them that you're my super special friend."

Biglang hinalikan ni Blanche sa pisngi si Kaia na ikinagulat nilang pareho pero ngumiti lang ng pagka-laki-laki si Kaia.

"Ang sweet niyo naman."

Nakangiting sabi ni Grey na ikinatawa ni Kaia.

"Pero mas sweet kung magiging kayo ng dalawa."

Straightforward na sabi ni Grey kaya natawa na naman si Kaia at napatingin yung ibang customers sa kanya pero hindi niya ito pinansin.

Inakbayan niya si Blanche at hinalikan sa pisngi.

"You're actually right but this girl beside me is playing hard to get. Too bad coz I'll still get this pa-hard to get girl."

Masayang sabi ni Kaia pero hindi ito pinansin ni Blanche. Nakakatuwa silang pagmasdan sa totoo lang.

"A-anong bang ayaw mo kay Kaia, B?"

Napatingin silang lahat sa akin nung nagsalita ako. Tinignan niya ako sa mata at sasagot na sana siya when my phone rang, it's Saige. Sasagutin ko na sana pero biglang namatay yung tawag, nag-miss call lang pala. Maya-maya ay may dumating na text galing sa kanya.

Saige:
Get your ass here, the list of the graduating students are finally out!

Sabi niya kaya napatayo ako at inaya nang umalis si Grey.

"Mauna na kami, Blanche and Kaia. See you around."

Nakangiting paalam ni Grey at lumabas na kami.

"Alam mo Saskia, parang may gusto si Blanche."

Biglang sabi ni Grey sa akin. Di na ko nagulat kung napansin niya yun at mas lalong di na ko magugulat kung mapansin din ni Kaia.

"How did you say so?"

Tanong ko pabalik sa kanya. Naglalakad lang kami pabalik ng school dahil walking distance lang naman yung cafe sa school.

"The way she looks at you is the way I look at you."

Sabi niya at pinagsalikop yung kamay naming dalawa.

"Hindi lang ako makapaniwala na yung magandang tulad niya eh may gusto sa magandang tulad mo."

Seryosong sabi ni Grey habang diretso ang tingin sa nilalakaran. Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

Hanggang sa tahimik na kaming makarating sa school ay hindi na ulit kami nag-usap. Hinatid niya muna ako sa tapat ng building namin bago pumunta sa building nila pero hinalikan niya muna ako sa noo bago umalis.

"Malapit na, Grey. Just do not give up on me, yet."

Sabi ko bago tumalikod at dire-diretsong pumasok sa building.

I'm sure that I like Grey but I know that I'm just infatuated with Blanche Navarro.

🌼🌸🌼

I'll try to update every week because I know what it is like to wait for an update.

Thank you all for reading! Have a good week ahead 😉

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon