"Bakit Ka Umasa?"
By: Marcelo Santos IIIKasalanan ba ang mahulog sa taong hindi ka naman kayang saluhin?
Kasalanan mo ba na ang tanging gusto lang ay pahalagahan at mahalin.Kung tatanungin ba natin ang isa't-isa
Sino nga ba ang tunay na may sala?Ang umasa sa pag-ibig na walang kasiguraduhan.
O ang tulad mong nagbigay pag-asa sa pag-iibigan?Mali nga ba ang umasa?
Mali ba ang mahalin ka?Kasalanan ba ang umasa sa tayo.
Sa pagkakataong pwedeng maging ikaw at ako.Tanga bang matuturing ang tulad ko?
Tangang nahulog sa mga ngiti mo...Tangang nahumaling sa mga titig mo...
Tangang umaasang mapapasa iyo.Bakit ako umasa?
kasi alam ko mahal kita...Kahit masakit...
Kahit parang wala...
Kahit mukha na akong tanga.