You'll be in my Heart

685 11 16
                                    

May mga taong kayhirap kalimutan kahit gaano kapa nila nasaktan. Kahit paulit ulit nilang gawin ito isa lang ang sinasabi ng puso mo. Siya padin ang mahal mo. Siya parin ang tinitibok nito. Pangalan parin niya ang sinasambit nito. Sa buhay pag-ibig mararanasan natin ang maging masaya, malungkot, masaktan, pagtaksilan, pagsinungalingan, umiyak at ang maging TANGA.

Oo, Kapag tayo ay nagmahal na. Nagiging tanga tayo, Walang nagmamahal na hindi kailanman ay naging tanga. Alam natin na mali ang ginagawa niya, nakakasakit na siya, maraming mali sakanya ngunit sa kabila ng lahat MAHAL pa din natin ang taong gumagawa nito. Yung kapag mahal na mahal mo, isang sorry lang yan, konting lambing, isang Iloveyou lang. Okay na ulit, Mahal mo e.

Kahit ilang buwan at taon ang lumipas kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo ito makakalimutan. Love remains.

Sa kwentong pag-ibig na ito masasaksihan natin ang lahat ng mga dinanas ng ating bida sa kanyang First boyfriend. No official break sila, ON and OFF.

Minsan okay sila, minsan Hindi.

Masakit masaktan. Mahirap magmahal ng taong di ka kayang pahalagahan ng tama.

Minsan, kaiangan natin gawin ang isang dahil kinakailangan lang. labag man to sa ating damdamin. Ngunit ito ang mas nakakabuti.

"Mahal kita kahit ilang beses mo akong saktan"

--- September Ashley

Chapter1.

Pumunta ako sa isang computer shop sa lugar namin. E Isa palang naman ang alam kong shop dito. No choice kung hindi doon. Di ko pa kasi afford ang PC. Bago bago palang ako sa facebook nun. Petshop pa nga linalaro ko. Moimoi pa pangalan ng pet ko. Basta yun. Haha. Maraming naglalarong lalaki, Halos dota o kaya naman grandchase ang linalaro. Alam naman natin na maingay ang mga lalaki kapag naglalaro. Nakakairita, Nakakaistorbo, nakakabingi, Nakakainis. Alam mu yun yung hndi ka makapagconcentrate sa ginagawa mo. IHh.

Hanggang isang araw may isang lalaking pumupukaw ng atensyon ko. Ang ingay niya kaso, parang di siya familiar sakin. First time ko ata nakita to e. Pero yung mga kasama niya e Familiar naman kaya naisip ko na ah baka bagong lipat lang sila dito. Pero hindi rin ako sure kasi di naman ako gaanong lumabas. Lalabas lang ako pag kailangan or may activity sa church.

Haha. Kwento ako ng kwento di pa pala ako nagpapakilala.

Ako nga pala si Semptember Ashley. "Ashley" ang tawag ng mga kaibigan ko. Mapayat ako matangkad, di naman ako maputi di rin maitim. Sakto lang. Haha. Di naman kagandahan, matalino daw pero para sakin sakto lang naman. Masipag mag aral pero tamad sa gawaing bahay. nag alaga sakin ang aking lola. 3rd year Highschool na ako sa Girls academy.No boyfriend since birth. Takot po kasi akong magpaligaw at magmahal.

Naging madalas ako don sa shop na yun. Pati mga kaibigan ko. Cguro pag weekend ganon. Ayon, lagi kong nakikita yung lalaking yun. Di ko pa nga siya kilala nun e. Hanggang one day aba, himala! Wala yung lalaking yun. Haha. Namiss ko ba siya? Ayt. Ano to crush ko siya? Bigla ko nalang namimiss ang ingay niya. Hanggang sa pag higa ko sa kama. Bago ako matulog, iniisip ko siya. Ayiie. What's the meaning of this?

Siya nga pala si Jan Mickael. Jan nalang ang tawag natin sakanya. Yun naman ang naririnig kong tawag nila e. Matangkad siya ng konti sakin. Ok lang ang katawan. Mejo maputi. Red lips. May itchura din. 2nd year highschool sa Star Highschool. Yep. May kaya sila. Pang mayaman ang school na iyon.. Mas bata sakin. Child abuse naba to? Haha. Hndi naman siguro. Age doesn't matter naman e.

Habang nasa shop pa din.

"Jan, Lapitan mona oh. Pakipot kapa. Lalapit ka din"

Naririnig kong sabi ng kaibigan niya.

You'll be in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon