"huy maine" humahangos na na tawag ni bella sa kaibiganuuyy bella... balita?
"hay naku girl buti na lang naabutan kita. di ba naghahanap ka ng room na malapit dito sa campus?
bigla naman nagliwanag ang mukha ng dalaga
may nakita ka ba?
"ayun na nga girl... hoohhh... teka hinihingal ako. wait"
mamaya na yang hingal mo. ano na?
"ang gaspang din talaga ng ugali mo eh noh! ganda lang meron ka! anyway, yun na nga. nakausap ko si mark yung kaklase ko sa college algebra, yung friend nya naghahanap ng housemate sa condo"
friend naman para naman di mo alam na maliit lang ang budget ko. hindi ko afford yan mga share condo peg na yan
biglang bumagsak ang mukha ng dalaga. itinuloy na lamang nya ang pagtipa sa gitara. nahihirapan naman talaga siya sa balikang pagbiyahe araw-araw galing bulacan. minsan kasi pag nakakakuha siya ng gig sa banda madaling-araw na natatapos. kadalasan nagpapaumaga na lamang siya sa bar kaysa umuwi ng delikadong oras.
"wow! makanguso ka naman agad. sa tingin mo ba sasabihin ko sayo kung di pasok sa budget mo ang offer?"
biglang nagliwanag ang mukha ng dalaga.
dali na bella. excited na ko ulit.
"asus bi-polar lang? pilitin mo muna ako nawala na yung adrenaline rush ko eh" biro ni bella
bes dali pinipilit na kita
"ay para namang napilitan lang. wag na nga" tumalikod pa ito kay maine
oyy! tigil mo yang kaartehan mo hindi bagay! dali na! malapit na ang prelims oh!
"sige na nga magpapapilit na ko. 2500 yung share sarili mo yung room kasama na yung kuryente at tubig. ang location paglabas mo ng east gate natin, yung unang residential condo. oh di ba winner!"
nagmamadali ang dalaga na nagligpit ng kanyang mga gamit
"teka— teka huy! anyare? san punta?" nagtatakang tanong ni bella
girl ikaw na may sabi winner na ang peg na yun! so gora na para makipag-negotiate
"ay talaga ba? iiwan mo na lang ako bigla?"
bes sa ngayon mas mahalaga ang bahay na malilipatan ko kesa sa pagkakaibigan natin sabay halik nito sa kaibigan labyu bes
tumayo na ito at patakbong tinungo ang direksyon ng east gate.
"gaga! hindi mo pa kinuha yung uniti info!" sigaw nito sa kaibigan sabay wagayway sa isang kapirasong papel
nagmamadali namang hinablot ito ni maine sa kamay ng kaibigan
thanks bella. i owe you one.
agad na kumaripas ng takbo ang dalaga habang nagpapasalamat sa kaibigan
"hindi mo ba man lang tatanungin kung sino yung may-ari?"
ha? ano?
"sabi ko di mo tatanungin sino yung ka-flatshare mo?!" pasigaw na tanong ni bella
bes di kita marinig. text kita! thanks again
"sabi ko nga. oh well, hindi ko na kasalanan kung may gulat factor mamaya pag nakita mo ang makakasama mo" sabay ngiti ni bella sa sarili at text sa kaklaseng si mark
to: mark (col.algebra)
mission accomplished😏
^^^^^
BINABASA MO ANG
photgraph revisited
Fanfictionwhen the past haunts you... will you move on? or will you let go? disclaimer: ?? scenes and excerpts of what happened before and after the original prompt 'photograph' in diminutives