"good evening"
DAD?!
"hello to you too"
MOM?!
"and good evening to you rj. bakit may problema ba?" her mom asked
PO? aahhh w-wala po... ahhmm bakit po kayo nagpunta dito? i-i mean napadalaw po kayo?
"ahhh bakit? bawal na ba naming dalawin ang panganay namin? daddy di mo naman sinabi sa akin na bawal na pala tayong magpunta dito" medyo nagtatampong boses ng mommy ni rj
ma hi-hindi naman po yun... ahhmm kas—
rj? sino yu— sumilip ang dalaga para tingnan kung sino ang dumating na bisita
tita? tito?
mabilis na tumungo ang dalaga sa mga bisita
"hay naku mabuti pa itong si maine excited kaming makita" sabay yakap ng mommy ni rj sa dalaga
medyo na out of place naman ng konti ang binata.
teka lang may na-miss ba siya?
pasok po tita bumaling naman si maine sa daddy ni rj para magmano hello po tito
"hi hija. kumusta ka naman dito? naka-adjust na ba?"
uhm ok naman po. wala naman pong problema. upo po muna kayo
teka lang sino ba yung dumating? mga magulang ko di ba? bakit parang.... napakamot ng ulo si rj
patuloy naman sa munting kamustahan at chikahan ang tatlo
"baka naman hindi ka kumakain ng maayos ha. sabihin mo lang kung hindi ka inaalagaan nitong si rj" matalim pang tumingin ang mommy ni rj sa binata
naku tita ang taba ko na nga po. spoiled po ako kay rj tanggol naman ni maine kay rj
"dinalhan pala kita nung bio-oil pag gabi i-apply mo sa face mo para ma-moisturize. lalo na at madalas kang napupuyat" sabay abot ng mommy ni rj ng paperbag kay maine na tinanggap naman ng dalaga
ay thank you po tita. nag-abala pa po kayo. dito na po kayo kumain ni tito nagluto po ako ng caldereta
huh? ano ba wait lang ano ba ang nangyayari. nagtataka pa rin ang binata
"naku hija salamat pero kumain na kami ng tita mo. dumaan lang kami kasi nga may ibibigay daw siya sayo" tanggi ng daddy ni rj
"tsaka sabi ni riza ibigay ko daw sayo ito. yung capos daw sa guitar mo"
hala nag-abala pa si riza. pakisabi po thank you. ite-text ko na rin po siya
that's it! mahal ko si maine pero gusto ko lang malaman kung part pa ba ako pamilyang kinagisnan ko
ahm mom, dad, teka lang po—
"o rj andyan ka pala" biro ng mommy nya
maaa!!!!
BINABASA MO ANG
photgraph revisited
Fanfictionwhen the past haunts you... will you move on? or will you let go? disclaimer: ?? scenes and excerpts of what happened before and after the original prompt 'photograph' in diminutives
