pakisabi na lang

2.1K 260 112
                                        


maine is a musician by heart. kaya tuwing kumakanta siya laging may emosyon at galing sa puso. it always transpires what she really feels. even her song choices.

and in every song, she let her heart sing for her kaya ramdam ng mga nakakarinig ang kanta nya.

kaya siguro ng abutan ni rj ang dalaga na nakapikit at tumitipa ng gitara napapikit din ito.

at dahil nadala din ang ating dalaga sa pagkanta hindi nya napansin ang paglapit ng isang binata.

🎶 pakisabi na lang na mahal ko siya
di na baleng may mahal siyang iba
pakisabi wag siyang mag-alala
di ako umaasa
alam kong ito'y malabo
di ko na mababago
ganun pa man
pakisabi na lang 🎶

narinig ko naman

nagulat ang dalaga at napamulat ng marinig ang tinig ng binata.

uhhmm... r—rj... ahm...

napatingin ito sa paligid at tila hinahanap ang kaibigan. na hindi nya sigurado kung kaibigan pa nga ba nya.

wala kasing nakaka-alam na dito siya nagpa-practice kumanta liban kay bella. kaya alam nya na hindi aksidente ang pagsulpot ng binatang may biloy sa kaliwang pisngi na kanina pa nya iniiwasan.

wag mo ng hanapin si bella.

uhhmmmm

sorry na

huh? ahmm... bakit ka naman nagso-sorry

ngumiti lang si rj. nagbaba naman ng tingin si maine.

sorry kasi hindi ko nasabi sayo

ok lang. no harm done. kalimutan na natin yun

hinawakan ni maine ang gitara at nagpatay malisya

teka lang kasi. para ka naman kasing may lakad. pwede bang daanin natin to sa geometry?

huh?

proving

kinuha ni rj ang gitara at nilapag sa upuan. para walang sagabal sa paliwanagan

mahina ako sa math

architecture ka wag mo akong lokohin

ruler at t-square ang gamit namin

napakamot ng batol ang binata. oo nga naman. haaay ang galing talagang magrason ng future girlfriend ko.

ok sige ako na lang

eh wal—

idinampi ni rj ang hintuturo sa labi ni maine para wag muna itong pagsalitain.

maine... ako muna... please? pwede ba? mahinahong pakiusap ni rj

tumango naman ang dalaga. napahinga naman ng maluwag ang binata.

wala akong mahal na iba. sagot yun sa kinanta mo kanina.

ng hindi magprotesta ang dalaga nagpatuloy si rj

pero mamahalin pa kita.

nanlaki naman ang mata ng dalaga pero hindi siya nakapagsalita dahil nakaharang pa rin ang hintuturo ng binata sa labi nya.

ops! wait lang. yung narinig mo kanina. hindi ko yun ide-deny kasi mahal ko talaga ang baby ko

dito na sapilitang inalis ng dalaga ang daliri ng binata at napakunot ng noo sabay tumayo para umalis

photgraph revisitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon