Kabanata 2
Boyfriend
"H-ha?" literal na napatanga ko sa sinabi nya.
Siguro kung nasa ibang sitwasyon kaming dalawa ay iisipin kong gusto nya kong makasama kaya gusto nya kong manatili dito. Pero alam kong imposible iyon.
Marahil ay nautusan sya ni Daddy na sundan ako dito upang masiguro na hindi ako aalis ngayon.
"Alam mo ang dami mong sinasabi. Pupuntahn ko lang 'yung mga kaibigan ko sa labas dahil ayaw silang papasukin ng mga guwardiya."
Binawi ko ang kamay na hawak pa din nya. Nagmamadali ko syang tinalikuran at lakad takbong nagtungo sa gate para harapin ang mga kaibigan ko.
Hindi pa ako tuluyang nalalapit ay narirrinig ko na ang pakikipagtalo ni Tanya sa mga guwardya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo kuyang pogi na mga kaibigan kami ni Maricon," iritadong sabi nya.
"Pasensya na po talaga pero hindi po namin kayo pwedeng papasukin hangga't hindi namin nakukumpirmak ay Ma'am Connie na kakilala nya kayo."
"Kuya naman... napakahigpit mo naman." pinanood ko si Tanya humarap kay Emerson. "Tawagan mo nga yang girlfriend mo!"
Natawa ko sa inutos nya kay Emerson kaya nagpakita na ako. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanila ng biglang sumulpot si Rigel sa gilid ko.
"Akala ko ba kaibigan mo yung pupuntahan mo, ka-ibigan pala." pagkasabi nya nun ay mabilis nya akong tinalikuran. Sinundan ko sya ng tingin habang malalaki ang bawat hakbang pabalik sa loob.
"Maricon!" excited na lumapit sa'kin si Tanya ng makita.
"Ma'am, kanina pa sila dito mga kaibigan nyo daw po sila mula Maynila," sabi ni Kuya Fred.
Tumango lang ako. Nagkamot sya ng ulo at nahihiyang humingi ng pasensya sa mga kaibigan ko. Igniya ko sila ni Emerson papasok sa loob.
"Grabe Connie, ang higpit pala dito sa inyo. At ikaw bruha ka, ang taray mo ah instant celebrity ka pala dito sa lugar nyo. Kilalang kilala ang pamilya nyo."
Manghang mangha si Tanya habang ginagala ang mata sa kabuuan ng lugar. Nang pupunta sya sa kabilang direksyon ay hinila ko sya para igiya sa harap ng dagat.
"Pasensya ka na Connie kanina ka pa ko kinukulit ni Tanya na magpunta dito," hinging paumanhin ni Emerson.
Naabutan namin nagsasalita na si Lola sa harap. May sinet-up na upuan doon at doon sya nakaupo.
"Ay bongga! Kabog ang Lola mo," anas ni Tanya.
Nahuli kong siniko sya ni Emerson. Inaya ko sila sa table namin nila Daddy para mapakilala ko sila.
"Dad!" Sabay silang lumingon ni Tito Rigor sa gawi namin.
"I want you to meet my friends, Tanya and Emerson."
Pinakilala ko din sila sa mga pinsan ko at sa iba pa naming kasama sa table. Nang ipakilala ko si Tanya kay Rigel ay pinandilatan ko sya ng mata ng makita ko ang pagkamangha nya.
"Nice to meet you all po," si Tanya na nakangiti. Magalang na bumati si Emerson kay Daddy.
"Boyfriend mo ba 'yan, Connie?" direktang tanong ni Tito Leandro.
Nahihiyang nagkamot sa batok si Emerson lalo na ng ibuking sya ni Tanya.
"Nanliligaw pa lang po."
Sinaway ko si Tanya pero hindi ko na sila maawat lalo na ng sinakyan nila Daddy ang kanyang sinabi.
"Ganoon ba? Kailangan pala nating mag usap mamaya, hijo."
BINABASA MO ANG
Tamed: Maria Concepcion
Ficção Geral"In my life, I have been so blessed. Although, I wonder, is this my love story? Or is it theirs?"