Simula

37 1 0
                                    

Simula

"Maricon, hindi ka ba talaga sasama sa'min ngayon?" Umiling ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tinanong ni Tanya tungkol sa pag alis nila mamaya.

I'm supposed to be with them. It's a party for us, a victory party rather.. Treat samin ni Manager Sunny for the success of her event tonight.

She launched her new summer dresses, bikinis, swimming trunks and her other summer collection for this month and I am one of her model. I am so grateful that she choose me.

"Gustong gusto kong sumama pero kailangan ko talaga munang umuwi sa'min. Next time na lang Tanya." Lumapit ako sa kanya para yakapin sya.

Tanya is a very good friend of mine. Nang dahil sa kanya kaya napasok ako sa ganitong industriya. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya. She help me in any ways she can do. Sya ang nagpakilala sakin kay Manager Sunny.

"Ayan ah, ang daya mo. Nang dahil sa'yo kaya naging success ang event ni Madam tapos wala ka mamaya."

Nahimigan ko ang panghihinayang nya. I really want to be with them tonight but I can't miss my grandmother's birthday. Kagabi ay binantaan na nya ako na kapag hindi pa uli ako nakadalo sa ikawalumpu't dalawang kaarawan nya ay hinding hindi na uli ako makakabalik sa Maynila.

Natakot ako sa banta nya. I know very well that she can do it. Once she said, she will do it. Kaya labag man sa lubog ko ay muli akong babalik sa Calatagan para sa kanyang kaarawan. It's supposed to be my fifth year missing her big celebration in Batangas.

Habang nagpapaalam ako sa iba ko pang mga kasamahan ay naririnig ko ang ringtone ng cellphone ko. I take a look and I read Malia's name on the screen. She has six missed calls. Nang tumunog iyon ay sinagot ko na.

"Yes,.. paalis na ko." Naglalakad na ako palabas. Napapahinto ako sa tuwing may nakakasalubong akong kakilala para bumati.

"Oo, uuwi ako. Alam nating pareho kung anong mangyayari kapag hindi ako umuwi ngayon."

Itinaas ko ang kamay ko ng makita ko sila Sandria. They are my colleagues nung mga panahong nagsisimula pa lang ako sa pagmomodelo.

Paglabas ko sa building ay muntik na kong mapamura ng may puting Mobilio na huminto sa harap ko. Bumaba ang window sa driver side and I saw my cousin Malia. Pinatay ko na ang phone ko at saka pumasok sa passenger side.

"Kelan ka pa nasa Manila? Bakit ngayon mo lang ako tinawagan?" tanong ko habang sinusuot ang seat belt.

Malia look at me at binalik ang tingin sa kalsada. Hindi nya sinasagot ang tanong ko. Sinundan ko ng tingin ang ginawa nya. She connected her phone on the car's stereo and play a music.

"Kanina lang ako nagpunta dito. Natagalan lang ako sa kadeal ko."

"Okay."

Inadjust ko ang upuan para makahiga ako kahit papano. Ngayon ko biglang naramdaman lahat ng pagod at puyat noong rehearsal namin. But it's okay.

"Okay ka lang?" Naramdaman ko ang pares ng mga mata ni Malia sa'kin. Nilingon ko sya saka ngumiti.

I nodded. Hindi ko napigilan ang humikab ng unti unting manuot sa balat ko ang lamig ng aircon. Dumukwang ako sa likuran at kinuha ang kulay itim na scarf na nakatali sa duffel bag ko.

"How's Mariela?"

Nakita ko ang paghigpit ng mga kamay ni Malia sa manibela. Dumilim ang mukha nya habang diretso ang tingin sa kalsada.

"She tried to do it again!" she said in a low voice.

"What?!" Napabangon ako. Hindi ko na nagawang replyan si Tanya dahil sa binalita ni Malia.

Tamed: Maria ConcepcionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon