Kabanata 1
Stay
Abala ang mga tao sa pag aayos para sa birthday celebration ni Lola Mariana mamayang gabi. Narinig kong madaming bisita ang dadalo mamaya, karamihan ay mga kasosyo nila sa negosyo at mga kasamahan sa politika.
Alas syeta y medya pa lang pero tirik na tirik na si haring araw. Masakit man ang sikat nun na humahalik sa aking balat ay hindi ko ininda. Isa pa, I loved being tanned. Hindi ko kailanman naisip na magpaputi.
Naglakad ako palayo sa mga manggagawang abala sa kanilang trabaho. Nagpunta ako sa kabilang dalampasigan at ganon na lang ang aking ngiti ng makitang low tide ang tubig sa dagat.
Para kong inaanyayahan ng tubig sa karagatan. Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng mapahinto ako dahil narinig kong may tumawag sa'kin.
"Maria!"
Dahan dahan akong pumihit paharap, nagkasalubong ang mga mata namin ni Rigel. Seryoso ang kanyang anyo habang nakamasid sa'kin. Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa pagtataka.
"Yes? May kailangan ka?" Ayokong mag isip ng kung anu ano kung bakit sya nandito.
Gusto kong palakpakan ang sarili ng magawa kong magtanong ng hindi nabubulol. Matagal kaming nagtitigan.
When I can't hear any word from him ay tinalikuran ko sya at nagmartsa na palusong sa dagat. Pagyakap ng malamig na tubig sa paa ko ay mas lalo akong naengganyo na maglakad pa sa mas malalim na parte.Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ng maisipan kong hubarin ang suot kong bestida. Mabuti na lamang at suot ko ang underwear na collection ni Madam Sunny.
Nanatiling nakatayo si Rigel kung saan ko sya iniwan kanina. Lalong kumunot ang gitla sa kanyang noo habang matalim ang tingin na ginagawad sa'kin.
"Pahawak naman oh, please?" nakangiting pakiusap ko sa kanya.Lalong lumawak ang ngiti ko ng kunin nya sa kamay ko ang bestida ko. Pero unti unti ding napawi ang aking ngiti ng hilahin nya ako palapit sa kanya. Hindi ko iyon inaasahan kaya bahagyang dumikit ang katawan ko sa matigas nyang dibdib.
"Wear something decent dress, Maria." Seryoso at madiin ang bawat salita nya.
Sasagot sana ako pero hindi ko na naisatinig ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang mainit nyang palad na dumampi sa balat ko ng isinuot nya sa'kin ang dress ko.
"Hindi ba mukhang disente ang suot ko Mayor?" patay malisya kong tanong kahit na ramdam ko ang epekto sa katawan ko ng pagkakalapit naming dalawa. Ayokong makahalata nya iyon kaya tinulak ko sya at mabilis akong lumayo sa kanya.
Lalong kumunot ang noo nya at nagsalubong itim at makapal nyang kilay. Nanatiling madilim ang kanyang mukha habang nanatili ang tingin sa'king katawan. Kapagkuwa'y ilang beses syang umiling na madalas nyang gawin noon kapag hindi nya gusto ang ginagawa ko.
He was about to say something when his phone rings. Pinanood syang kunin ang cellphone sa kanyang bulsa. Tinignan nya iyon saka binalik ang tingin sakin. Huminga sya ng malalim saka ako tinalikuran bago sinagot ang tumatawag.
Ilang hakbang lang ang layo namin sa isa't isa. May gumuhit na sakit sa dibdib ko ng marinig kong binanggit nya ang pangalan ni Gresha. Talagang sila ang nagkatuluyan huh.
She's the reason why Rigel can't love me. Dahil mas mahal nya iyon. Dahil mas bagay sila. Dahil nasa kanya ang mga katangian na gusto ni Rigel na hindi nya makita sa'kin.
I smiled bitterly while looking at Rigel's back. His mascular and broad shoulder flexed when he moved a bit. His plain white-collar shirt hugging his body same with his khaki short.
BINABASA MO ANG
Tamed: Maria Concepcion
Ficção Geral"In my life, I have been so blessed. Although, I wonder, is this my love story? Or is it theirs?"