Kabanata 1
Ismael Uriel Mercedes
Nasa tapat na ako ng rest house and it's still the same. It is Spanish inspired rest house; the walls are colored creme white with a touch of brown because of the window. May duyan na kulay puti din ang nandoon sa gilid, nakasabit ito sa coconut tree. Tahimik ang buong bahay at kung hindi lang ako namataan ng housekeeper ay aakalain kong walang tao ngayon doon.
"Manang!" Maligaya kong bati sa halos ilang taon ng nagttrabaho sa'min na si Manang Rosa. Walang pagbabago ang mukha bukod sa iilanh puting buhok.
"Oh, nandiyan ka na pala Thalia!" Agad na bungad sa akin ni Manang Rosa. Kinuha nya agad sa'kin ang mga bagahe at dire diretso na kami sa loob ng bahay.
"Opo, Manang. Sila Cithiano ho ba?" Pagtatanong ko tungkol sa pinsan ko bago umupo sa kahoy na upuan.
"Nako! Bukas pa ang dating dahil may inaasikaso sa palaisdaan." Tumango tango ako at iginala na lang ang paningin sa buong bahay.
Ganoon pa din naman ang ayos kahit may mga pagbabago dahil sa renovation. Kahoy pa din ang halos lahat ng gamit at ang mga litrato ng grandparents ko ay nakadisplay sa buong sala kasama ang family pictures namin. May mga nadagdag na furnitures at ang engrandeng hagdan ay halos walang pagbabago, makintab at nadagdagang lang ng carpet ang baitang ng hagdan.
My father is a native here and I grew up in states kaya mabibilang lang sa daliri ang pagbisita ko dito and still, naaamaze pa din ako sa ganda ng buong isla.
"Kumain ka na ba, Hija?" Tanong niya pagkalabas ng kusina. Ngumiti ako at tumango lang.
"Opo, Manang."
"Magpapabili sana ako kay Uriel kaso hindi ko mahanap ang isang 'yon!" Mukhang iritado na si Manang pero nagawa niya pa din akong ngitian.
"Hanapin ko lang ang batang 'yon ha? At ng mapakilala kita." Agad din naman itong umalis at nagpasya ako na libutin ang buong bahay.
Inuna ko ang kwarto ko para ilagay ang mga bagahe. Mukhang inayos na nila ang kwarto dahil halata mong bago ang unan at kumot. May kulay puting twalya, shampoo at sabon na nakalagay sa study table.
Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang bintana. Ang makikita mo agad ay ang likod ng rest house kaya naman may nakita akong naglalaro ng basketball. Pinatayuan kasi ni papa dahil sa mga pinsan kong lalake.
I watched the man as he plays alone. Likod lang ang kita ko at alam ko na hindi ito si Citi o si Leo dahil hindi naman ganito ang mga pangangatawan ng mga 'yon. Kumunot ang noo ko dahil inaalala ko kung sino 'yon o isa ba ito sa trabahador ng rest house.
Nang napagtanto ko na si Ismael iyon ay nagdedebatehan ang utak ko kung isasarado ko na ba ang bintana o panoorin pa siya?
Every time he positioned himself to shoot the ball, his biceps flexed and every movement he makes screams confidence. Ang bawat galaw ay tila gamay na gamay nito. Is he a varsity player?
Napatagal ata ang titig ko kaya noong napansin ko na nakatitig na ito sa akin ay muntikan pa kong matumba sa kinatatayuan ko.
Sumipol ito at sumilay ang isang ngiting hindi ko maintindihan. Tinaasan ko siya ng kilay para matabunan ang pagkapahiya ko ng naabutan niya akong nanonood sa kaniya.
"Tumutulo laway mo, Miss!" Sigaw nito na nagpamula sa mukha ko.
Inirapan ko na lang at agad sinarado ang bintana.
Kapal ha!
"'Kala mo naman gwapo!" I hissed. Well... gwapo siya pero ang yabang!
I should apologize pero naiinis ako. Maybe, later!
BINABASA MO ANG
SWING LIFE AWAY
RomanceLife is really unpredictable, you have no idea when will you die until you're in front of the doctor, telling you what type of cancer you have to beat out like you're just talking about business matter while you're crying non-stop because you though...