KABANATA 2

2.4K 31 4
                                    

Kabanata 2

pretend

Binuksan ko ang bintana at agad na sumalubong sa akin ang sinag ng araw. Napatingin agad ako sa court pero tahimik at walang naglalaro. Nagkibit balikat lang ako at ginawa na lahat ng morning routines ko. Wala akong inaaksayang panahon dahil gusto ko habang nandito ako ay makabisado ko ang buong isla.

"What the hell, Chastine? Naurong na naman ang punta niyo dito?" Nilalagay ko na ang mga kailangan ko dahil mag susurfing muna ako bago libutin ang ibang mga resorts dito.

Napapairap lang ako dahil sa mga excuses nila.

"You know, Kuya Travis! He wants to chase her beloved Beatrice before anything else!" Frustrated din ito dahil gustong gusto na din nyang magpunta dito but she has no choice.

"Tell Travis, I will kill him." Kinuha ko ang phone ko sa kama at ngumisi sa pinsan kong kanina pa lukot ang mukha. Umirap lang ito sa'kin.

"Nope, girl. I'm gonna do it for you." We both laughed and said our goodbyes. Agad akong bumaba at naririnig ko agad ang ingay sa kusina. Nang may marinig ako na pamilyar na boses ay agad akong tumakbo patungo doon.

I saw Leonardo and Cithiano sitting at the table with Manang Rosa. They are all laughing at nagulat ng nakita nila ako.

Lumaki bigla ang ngiti ko at agad silang niyakap.

"Thalia!" Pareho nilang sigaw. Tumawa kaming tatlo matapos ng mga batian at kamustahan. Iniwan muna kami ni Manang Rosa sa hapag kainan.

"I missed you both!" My excitement is very evident. The three of us are like brothers and sister. They treated me as their princess. Ilang taon din bago kami nagkita dahil pareho silang nagpasya na umuwi dito sa Pilipinas galing North Carolina at pamahalaan ang mga negosyo na naririto sa Blanca Paradiso.

"We missed you, too!" Tugon sa akin ni Citi.

Inakbayan naman ako ni Leo at ginulo ang buhok ko. They asked me what happened and why I chose to go here when I have a perfect life in North Carolina. I just shrugged at them and tried to avoid their questions. I actually have no idea how will I tell them about my most unfortunate situation.

"I remembered the time when we're forcing you to come with us but you just turned us down! Tapos ngayon ay kita mo naman, nandito ka na." Humalakhak si Leo.

"And your reason was about that boy, ano ulit ang pangalan ng lampa na 'yon? Harvey?" Pareho kaming nag irapan ni Citi because of my first heartbreak when I was in High school.

"I told you, you will get dumped by that bastard. Hindi mo kasi sinunod ang payo ng henyo, Thalia." Pagmamayabang pa nito dahil sa hula na iiwan lang ako ni Harvey.

"Anong henyo ka diyan, Cithiano? Hindi ka pa tuli noon and yet, you're saying that?" Singhal ni Leo. Humalaklak ako at sinakal lang si Leo gamit ang braso nito. Ang kukulit pa din nila!

"I got bored so..." Tumawa na lang ako at tumayo na. Tapos na din kaming kumaing tatlo. They're now telling me the plans about the resort and the fish port they're handling. They're also planning to buy some portion of the land on the mountain to start a plantation.

I'm just smiling at them dahil hindi ko akalain na sobra silang magseseryoso dito. Back when we're in North Carolina, the three of us were always partying, both of them were playboys and being serious is not their game. Well, everything has change even my life.

"Nagkita na pala kayo ni Ismael?" Leo asked me. Umirap lang ako.

"Yung mayabang niyong kaibigan?" Tumawa ang dalawa na tila alam na nila ang ugali ng kaibigan.

SWING LIFE AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon