stir intruducing

59 4 1
                                    

"ano ba yan! Paano ako makakauwi nito?!" Nag aalalang wika Janiel.

Malakas na ulan ang sumalubong sa kanya sa harap ng kanilang campus. Naghihintay sya ngayon ng masasakyan.

Maliit nalang ang mga studyante at halos naghihintay ng sarilimg sundo. Siya Lang siguro ang naghihintay ng masasakyan. Halos kalahaging oras na syang naghihintay at sobrang nilalamig na sya.

Makulimlim na rin ang paligid at malakas na agos ng ulan ang maririnig.

Walang emosyon at pagod na hitsura ang mahahawig mo Kay janeil.

Minutong lumipas...

Wala sa sariling mag-isang nakaupo si Janiel sa sulok ng waiting shed at naghihintay ng magandang oras at pag hinto ng ulan.

"Ano ba naman to? Ang lamig!" Nanginginig na ika nito. Kinapa nya ang kanyang telepono sa kanyang bag.  Ilang minuto nya rin itong ginamit ng mapansin nitong wala ng ibang tao. Kinabahan siya ngunit pinairal pa Rin nito ang kanyang tapang.

Nilinga Nito ang paligid at seryosong tumingin sa daanan. Sa malakas na agos ng ulan isang binata ang tumungo sa waiting shed kung saan naroon Rin si janiel.

Dala dala nito ang itim na payong at dawalang aklat. Ibinaba nito ang kanyang payong at sabay na napatingin ang dalawa sa Isat isa. Umupo ang lalaki isang metro ang pagitan Kay Janiel.

Tinignan ni Janiel ang kabuuan nito. Nakawierd salamin, medyo kulot at may kahabaang buhok, katamtamang kulay at malinis ang kabuuan. Napatingin ang binata sa kanya.

"Magandang Gabi" wika ng binata

"Magandang Gabi Rin sa iyo" nakangiting sagot ni Janiel.

Tumango ang binata at tinignan rin ang kabuuan ni Janiel. Nanlaki ang mata ni janiel ng magkatinginan sila at Waring kinabahan Rin ito.

Nang binaba ni Janiel ang kanyang tingin napansin nito ang lumang aklat na dala ng binata. Tinignan nya ito ng maigi. Napansin nya ang nakasulat sa tagiliran ng aklat.

'ang pag ikot at h---'

Hangang Doon Lang ang nabasa ni Janiel dahil natakpan ng binata ang karugtong. Iniwan ni Janiel ang Nakita at tumingin sa daan.

"Masaya ka ba?" Biglang tanong ng binata. Napatingin naman si Janiel sa kanya.

"Ahh-o-o naman. B-bakit?" Gulat at kabadong sagot ni Janiel. Ngumisi ang binata sa kanya.

"Bakit ka kinabahan?" Natatawang usal ng binata. "Hindi mo pa nga oras kinakabahan kana" usal nito at napatungong napaisip si Janiel. Tumayo ang lalaki, dinala at binuksan ang payong. "Malalaman mo Rin..." Ang huling usal ng binata sabay Alis.

Napaisip si Janiel at nagtaka sa Sinabi ng binata. "Ano bang sinasabi nun?" Usal nito at tumingala sa itaas nang mahagilap nito ang isang bagay. Binalik nito ang tingin at Nakita ang pirasong papel. Pinulot ni Janiel ang pirasong ito at tinignan ang kabuuan.

Luma at halos punit punit na ang papel. Naalala nya ang binata kanina na may dalang lumang aklat. "Mukhang sa kanya to.." usal ni Janiel habang binubuksan ang pirasong papel. May nakasulat dito na nag lalahad nang:

"Pag-ibig sa kasalukuyan iibahin ng nakaraan. Ito'y iyong matatagpuan sa pag-ibig na tatatak sa kasaysayan"

Ang katagang nakasaad sa papel.
"Ano naman kayaang ibigsabihin nito?"

=end of stir introducing=

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

stirring love and timeWhere stories live. Discover now