Hindi ko alam kung nagrereach out ba sila sa mga fans nila at binabasa ang mga comments regarding their books. Siguro oo yung mga POSITIVE at hindi yung mga NEGATIVE kasi kung pati ang negative ang binabasa nila we should be seeing changes and improvements on their published books.
Kadalasan ang cover ng isang libro ang nagiging dahilan natin upang bilihin ang isang libro. We get attracted by it. Aminin natin, magaganda nga rin ang mga covers ng psicom
ngunit, datapwat, subalit
dahil sa attraction sa ganda ng cover hindi na nagdadalawang isip pa ang mga mamimili na basahin pa yung synopsis agad bili na sila dahil nga sa ganda ng cover.
I will site one example of this
Your Place Or Mine habang bumibili ako sa isang bookstore a girl went to the counter and asked na ipapalit yung libro na yun dahil sa content nito not suitable for her age. Hindi pa man niya ito nababasa, itong kuya niya patagong binasa ito at without knowing na ganun pala yung content sinumbong siya ng kuya niya bakit raw siya nagbabasa ng ganun Chapter 1 palang ganun na how much more when you go deeper of the story paliwanag nung bata nagmakaawa ito na hindi siya papauwiin hangga't hindi niya naisosoli ang libro naawa naman ako doon sa bata dahil hindi pinalitan sa kadahilanang nabuksan na ito at nauklat na ang mga pahina naawa talaga ako kaya naman binili ko yung libro.
Nang iuwi ko yung libro tinignan ko kung may nakasulat bang age limit pero wala synopsis lang dapat kasi hindi lang synopsis ang nakalagay pati age limit rin or with mature content sa harapan. Sabi nga ng iba, Your place or mine nga ang title dapat alam mo na ibig sabihin nito pero paano yung mga hindi ganun magisip? Yung mga innocente at walang kaalam-alam kaya hindi naintindihan? Yung mga diretso bili ang ginagawa dahil sa nagagandahan sila sa cover?
Yung book 2 nito ang ganda nanaman ng cover mas maganda pa sa book one I wonder if mas lalong maattract ang mga teens or younger dito.
Ang problema kasi sa psicom walang mga babala.
Sa covers din, Napansin kong may special treatment ring nagaganap. Yung mga fan magnet at very popular authors gets those beautiful covers while yung hindi gaano aba kung sinu-sinong illustrator ang pinagbibigyan nila ng job to do the cover of that story. Nung book 1 si ito tapos nung book 2 si ito naman na ang nag illustrate.
Nahihilo din ako minsan sa mga covers nila kung wala lang nakalagay na logo mapapagkamalan ko na mula sa ibang publisher yung mga ibang librong iyon
Kung kukuha sila ng mga illustrator huwag papalit-palit. Kung lima (for example) ang illustrators, yung limang illustrators lang nila ang dapat magillustrate, hindi na dapat sila kumuha ng iba dahil meron naman na silang illustrators bakit pa sila kukuha ng iba? Nabasa ko nga sa isa nilang illustrator Hard Working Illustrator ang description niya sa kanyang sarili. O may hardworking illustrator sila tapos meron pang isa na katuwang niya sa pagillustrate kung hindi niya kaya. Bakit pala sila kumukuha ng iba? Buti naman sana kung yung illustrator na yun not for one time only pero hindi e, yung iba pang one time lang talaga.
and isa pa sa mga napapansin ko yung outside ang pinagtutuunan lamang nila ng pansin. Hindi nila pinapansin yung quality ng libro nila pati na rin yung content napabayaan.
Some things I noticed not only dominant to one but to many of their books
*Nagkabali-balitad yung ibang mga pages yung iba blanko, yung iba may tupi yung iba yung printing hindi maayos
*Yung glue na ipinangdikit minsan nagkalat pa sa ibang pages at lumulobo pa yung ibang mga pages yung iba masyado nadikit papaloob yung iba masyado naidikit paharap or simply, HINDI PANTAY ANG PAGKAKADIKIT.
*Hindi mo maipapahiram ang libro mo sa iba sa kadahilanang baka matanggal yung pages dahil sa pagkakabind ng libro
Straightforward lang,
Yung Diary Ng Panget ang daming grammar and spelling errors. Yung chapter one palang appartment na agad ang gumalantang sa akin. Inisip ko nalang noon since first published book nila ito mula sa wattpad maybe its just in the beginning. Pero kung ganitong book ang mabibili mo mawawalan ka talaga ng ganang bumili. Kahit anong ikinaganda ng kwento kung yung quality naman ng pagkapublish nito nakakawalang gana aba sayang.
Kaya naman umabot nilang buwan bago ako sumubok muling bumili ng isang libro na sa tingin ko ay wala namang adult content hoping for progress regarding the quality of their books and content.
Pagkabili ko palang ng libro nila first page palang ang gulo na tignan hindi naidikit properly Yung pagdikit ng mga pages lumolobo yung mga pahina tapos walang pinagkaiba kumpara sa dati marami paring errors.
Seriously? The authors even thank the editor for this? I thought editors are there to bring out the best of your story by editing the errors to ensure readers' satisfaction? Pero bakit sa psicom hindi ganun? Tsaka another is yung emoticons my, hindi ba nila maipaliwanag kung anong emotion ang >___< kaya iniiwan nalang nilang ganun?
Next ko nalang irereview ang iba pa. At kung may idadagdag pa ako sa susunod na rin.
STAY TUNED.

BINABASA MO ANG
Philippines' Wattpad Stories Publishers Review
De TodoI ENCOURAGE EVERYONE TO NEVER BE AFRAID TO VOICE OUT! This is opinionated. If you cannot appreciate opinions of other people then don't read