🔐Chapter 9: Sorry Is Not Enough

3 0 0
                                    

Astrid Leigh's POV

"Leigh. Thankyou for all the love the time the joy that you gave to me. I don't know what to do now. It is really hard for me to do this. Pero alam kong ito ang makakabuti.. Sorry leigh.. pero sa palagay ko.. Hindi na kita mahal.." malumanay na sabi nito at hindi nakatingin sa mata ko. Nakatingin lang siya sa labas at bakas sa muka niya ang lungkot. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa.

"Hindi mo na kailangang tumakas sa gabi para makipagkita saken. Haha I am sure maninibago ka sa gabi kapag hindi muna ako nakikita. Mamimiss kita ng sobra. Hindi ko alam kung anong dahilan ba ang pwede kong ibigay sayo.. I don't know what to do now Leigh.. I just want you to know na .. sa palagay ko hindi na tayo magtatagal kaya ako nalang tatapos ng lahat lahat lahat ng nasa atin." napakaseryoso niya ng sinasabi niya yung mga salitang yun. Na parang wala lang para sa kanya yung mga sinasabi niya. Tinignan ko lang at siya at pinilit ko ang sarili kong hindi umiyak.

"Mamimiss ko ang barkada.. Si Macky na alaskador.. Si Payton na tahimik pero may kalokohan din palang naiisip.. Si Gian na palaban.. Si Olie na masungit pero mabait.. at ikaw na tahimik pero mapagmahal.. Sorry leigh.. Pero I am very thankful na naging parte ka ng buhay ko.. okay lang na kalimutan moko.. kalimutan niyo ako.. Dahil yun talaga ang gusto ko.. Maging masaya ka para sa akin. Maging masaya ka para sa barkada. Stop being cold.. tigilan muna din ang pagpapanggap na malakas ka pero deep inside.. wasak na wasak kana.. Sorry kung wala ng lalaking magpapatawa at maglalambing sayo oras-oras. Sorry leigh.." malungkot na sabi nito at unti-unting tumulo ang mga luhang madaming alaala namin. Bago pa ako maiyak pinilit ko ng makapagsalita bago pa ako magsisi.

"Kaya ba this past few days.. weeks... lagi mo akong sinasamahan. Masaya kana ba? Na pinasaya mo ako panandalian tapos iiwan lang din pala.. sabihin mo sakin Brielle!! Anong dahilan mo??!" galit na singhal ko sa kanya. Hindi ko na kayang ikontrol ang sarili ko dahil napupuno ako ng galit. Ganun nalang ba yun kadali para sa kanya?! The f*ck with him?!

"Sorry Leigh.. Sorry.." umiiyak na sabi nito saka yinakap. Tinanggal ko lang ang pagkakayap niya at hinarap siya.

"Sorry is not enough.. Brielle.. sirang sira na ako." umiiyak na bulong ko..

"Kung ayaw mo sabihin ang dahilan. Umalis kana! Umalis kanaaaa!" umiiyak na bulyaw ko sa kanya. Umiiyak din siya pero agad niya yung pinunasan at ngumiti sa akin.

"Salamat sa lahat lahat leigh.. I love you so much.." nakangiting sabi niya saka unti-unti naglakad papalayo sa akin. Agad naman akong napaupo at humagulhol.

Brielle's POV

Hindi ko kayang nakikitang ganun siya kalungkot. Hindi ko kayang nakita siyang nasasaktan. Pero kailangan kong gawin to Leigh.. Kailangan ako ng kapatid ko.. Kailangan ako ni Caleb.. mas mahalaga sa akin ang kapatid ko Leigh.. kailangan niya ako.. Sana mapatawad mo ako hanggang sa pwede na tayong muli.

Umiiyak akong bumaba sa bahay nila Leigh. Nagulat pang nakatingin sa akin ang mga maids nila.

"Oh bry--- wait why are you crying darling?!" nag-aalalang tanong sa akin ni Tita.

"Tita. I am sorry.." umiiyak na sabi ko sa Mommy ni Leigh saka ito yinakap at lumabas agad ako ng bahay nila.

"Hey bro!" lumingon ako kay Ashton saka siya nginitian ng pilit at sumakay agad sa sasakyan ko.

*Kriiiiiiiiiiiiing!!!*

"H-hello bry? Nasan kana? We have to go now." malungkot na sabi ni Mommy.

"Coming." maikling sabi ko at pinatay na ang tawag. 'Sorry Leigh, I have my reasons. Ayoko lang na pahirapan ka.'




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No To LovelifeWhere stories live. Discover now