ODA PARA KAY TATAY
![]()
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image. Malayo man ang ating agwat,
Mga alay mo'y hindi masusukat,
Nais ko lamang ihingi ng tawad,
Pagtanggap na hindi ko mailahad.Minsang nagunita, panahong ako'y bata
Sa isang litratong aking nakita,
Sa'yong kandungan ako'y nakahiga,
Nadama ko ang dating himbing na paga.Malayo man ang ating agwat,
Mga alay mo'y hindi masusukat
Nais ko lamang ihingi ng tawad
Pagtanggap kong hindi mailahad.At tuwing aking kaarawan,
Ito'y iyong pinaghahandaan,
Ni minsa'y hindi ko naisumbat,
Aking matinding pasasalamat.Ngunit dumating ang araw na,
Kinalimutan kita bilang ama,
Itinakwil mo ako bilang anak,
Sa aking alaala'y ito'y tumatak.Malayo man ang ating agwat,
Mga alay mo'y hindi masusukat
Nais ko lamang ihingi ng tawad
Pagtanggap kong hindi mailahad.Marahil hindi mo naintindihan,
Ang nais kong iyo'y pakinggan,
Ika'y bumalik sa aming piling,
Maging buo tayo'y tanging hiling.Malayo man ang ating agwat,
Mga alay mo'y hindi masusukat
Nais ko lamang ihingi ng tawad
Pagtanggap kong hindi mailahad.Minsan nagunita, no'ng ako'y bata,
Pagmamahal ngayo'y nailahad, nagunita.
![](https://img.wattpad.com/cover/52602774-288-k545744.jpg)