"Hindi mo sya pwedeng kunin sakin Elaine." Madiin na sabi sakanya ng nakakatandang kapatid.
"Kailangan syang patayin kaya ibigay mo na sakin yan bago ka pa madamay at pareho ko kayong mapatay." Madiin din nyang sabi na pilit kinukuha sakin ang sanggol. Pero bago pa nya magawa dumating na yung bunso pa naming kapatid.
"Ano na naman ba Elaine ha? Bakit ba gustong gusto mong kunin at patayin yang anak ni Elya!?" Matinis na sigaw nya kay Elaine at agad na humarang sa pagitan namin.
"Umalis ka na Elya ako ng bahala sakanya. Ingatan mo yang pamangkin ko." Sabi nya sakin habang nakangiti pa napangiti nalang rin ako dahil sa pagtatanggol nya sakin, samin ng anak ko.
"Salamat Ella." Sabi ko at agad na tumakbo papalayo.
Takbo lang ako ng takbo habang nag iisip kung saan ko pwedeng dalhin tong anak ko. Habang tumatakbo may nakita akong dalaga kasama ang kanyang anak nilapitan ko naman ito.
"Pwede ba makahingi ng pabor sayo?" Sabi ko habang humihingal pa dahil sa pagod. Nakita ko naman syang nagulat dahil sa pagkausap ko sakanya. "Sige na pumayag ka na kailangan ko lang talaga ang tulong mo." Pakikiusap ko pa sakanya.
"Ano ba ang maitutulong ko sainyo mahal na prinsesa?" Magalang na sabi nito sakin at yumuko pa para ipakita ang respeto sa akin.
"Pwede mo bang alagaan ang anak ko doon kayo manirahan sa mundo ng mga tao? Pangako lahat ng hilingin mo ay gagawin o ibibigay ko sayo para lang sa kapakanan ng aking anak." Pagmamakaawa ko para malayo ang aking anak sa kapahamakan.
"Masusunod po mahal na prinsesa." Sabi nya at nagpasalamat ako sakanya.
"At pwede bang ikaw nalang muna ang maging ina nya at ibabalik mo sya sakin pag sapit ng kanyang edad na 16." Sabi ko at agad naman syang um-oo dun. Agad ko na silang pinatungo sa lalagusan. Binuksan ko na ang portal at sinabinf mag iingat sila. Pero bago sila makapunta sa kabilang mundo ay nilagay ko sa buhok ng aking anak ang maliit na salangkay na yun ang ipinamana ko sakanya.
"Salamat sa lahat Aleah sa susunod na pagkikita natin." Sabi ko at agad tumakbo pabalik sa kinaroroonan ng aking mga kapatid.
Pero bago ako tulayang makaalis lumingon muna ako at nakita kong papasok na sila sa portal.
Sa muling pagkikita natin anak.
YOU ARE READING
HIDDEN FOREST
FantasyBabaeng walang alam sa kanyang pagkatao ang alam lang ay normal na tao at masaya sa kanyang buhay. Ngunit sa di inaasahan bigla nalang nag bago ang takdo ng buhay niya. Hindi na niya alam ang gagawin at hindi niya din alam kung bakit siya naroon da...