Chapter 1

20 2 0
                                    

"Ready ka na ba Freiya?" Tanong ni Mama sakin. Paglingon ko nakita ko sya sa pintuan nakasandal at nakangiting nakatingin sakin.

"Opo mama! Tara na baka ma late pa tayo eh." Sabi ko at patakbong pumunta sakanya at agad syang hinatak pababa.

"Excited na excited ah. Wag ka ngang takbo ng takbo anak.Mapapawisan ka pa." Natatawang sabi nya sakin. Natawa nalang rin ako dahil sa pagiging isip bata nya.

Pagdating namin sa labas nakita ko na si kuya Thunder dun naghihintay samin. Napangiti nalang ako dahil sa itsura nya.

"Ang tagal nyo naman ma. Tara na nga malelate na tayo eh." Masungit na sabi nya. Sabay kaming natawa ni mama dahil sa naging reaksyon nya.

"Kuya ang sungit mo naman. Relax ka lang 30 minutes pa naman bago mag umpisa." Sabi ko and I smiled to him. But his expression didn't change. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang pisnge nya para ngumiti.

"Ano ba yan Frei pumasok ka na nga sa sasakyan." Sabi nya at agad pumasok sa driver's seat ako naman natatawang pumasok sa likod dahil sa passenger seat uupo si mama.

Madali lang naman kaming nakarating dito sa school. Anong meron dito? This is just a family day but we have no father. Tinanong ko once si mama kung nasan yung tatay namin pero ang sabi nya lang ay wala na sya. May iba na syang pamilya pero kahit na ganon parang kompleto pa rin kami.

"Hey Freiya dito oh! Nireserve na namin kayo ng upuan." Lumapit kami dun at agad naman kaming naupo.

"Hi tita Rain." Nakangiting sabi ni Ally kay Mama.

"Hello Ally. Kamusta na kayo? Bat di na kayo pumupunta sa bahay?" Balik na bati ni mama at tinanong na din nya ang mga ito.

"Busy lang po kami tita. Hayaan mo tita pupunta din ulit kami doon pag may time na kami." Nakangiting wika ni Kareem.

Ngumiti lang si Mama sakanila at di na sumagot. Mga ilang minuto ay nagstart na din ang program. Lahat ng atensyon ay nasa harapan dahil nagsasalita yung principal namin.

Ayaw kasi ng Principal na may nakikitang walang nakikinig sakanya kaya lahat ngayon ay nasakanya ang atensyon.

"Because this is a ball you should have a partner later okay? All student should be on the center. Dapat walang maiiwan sa upuan nila okay? Except sa mga parents nyo ofcourse! Okay now lets start this party everyone please enjoy the party. Once again good evening students,faculties,and parents thats all." The Principal said at nagpalakpakan ang mga tao.

"Panu ba yan? Kelangan natin maghanap ng makakapartner natin ngayon Freiya, Allyson?" Sabi samin ni Kareem. Yeah tinatamad ako maghanap bahala na sila maghanap jan.

"Kayo nalang tinatamad ako maglakad at maghanap." Sabi ko sakanila at tumingin sa paligid. Ang ganda pala ng Venue nyayon. Mint green at Pink yung motif.

Si mama kasi kausap yung parents nila Kareem at Ally kaya kaming tatlo lang naman dito yung nag-uusap usap.

"Ay ano ba yan. Tara na kasi Freiya diba dapat lahat pupunta sa gitna at dapat may partner? Kaya tara na maghanap na tayo." Pagpupumilit din sakin ni Ally. Putek! Ang kulit ng lahi ng dalawang toh! Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Mama.

"Sige na anak. Maghanap na kayo dun samahan mo na sila. Dapat pogi yung ma hanap mo ah?" Sabi nya kaya napatawa naman sila. Wuaahhh bat ba kasi wala dito si kuya eh! Kasi naman nandoon sya sa table ng mga kaibigan nya.

Tumingin ako sa gawi nila kuya at nakita kong kasama na nya yung girlfriend nya. Hayss ang ganda talaga ni ate Mika. Hinihila na ako nila Kareem at Ally para tumayo pero nagpapabigat ako dahil ayoko ng kasi sumama!

"Uhm. Excuse me?" Biglang may dumating na lalaki. Ay shet si crush toh bat ba kasi ganon sya pa talaga yung nandito. Nahiya tuloy ako. Tumayo ako dahil nakakahiya yung position namin. Bwisit naman oh! Ngayon nya pa nakita yung scene na yun.

"Dadaan ka ba? Sige na go. Oh ayan." Sagot ni Ally kaya siniko ko sya. Napakapilosopo nakakahiya tuloy. Tumawa lang si Andrei sa sinabi ni Ally wuaahh ang cute nya talaga tumawa.

"Di ako dadaan gusto ko lang sana yayain si Freiya maging partner mamaya, kung okay lang sayo Freiya?" Tanong nya sakin.

"Ano? Bakit ako? "Tanong ko dahil di kapanipaniwala na ako ang inaaya nya.

"Ahm is that a no? Sayang ngayon pa ako natanggihan." Tanong nya alam kong may binulong sya pero di ko narinig. Bulong nga kasi diba? Pero may bulong talagang naririnig yun yung mga chismosa sa paligid.

"Ah ano kasi-" Di ko pa natatapos magsalita ay nagsalita na si Ally. Andaldal putek!

"Hindi ka nya tinanggihan nagtataka lang sya bakit sya. At isa pa oo yung sagot nya kaya pwede ka ng umalis dahil sasamahan nya pa kaming maghanap ng mga partner namin. Byeee." Wika nito at aalis na din sana ng magsalita ulit si Andrei.

"Ahh nga pala sila daw gusto nilang makapartner kayo." Turo nito sa likod nya. Hinila nya yung dalawa at pinakita ito kila Ally ate Kareem.

"Pwede ba kitang maging partner Allyson?" Tanong nito kay Ally at yung impakta naman ay kinilig. Malandi! "And by the way I'm Terrence Agustin. Rence nalang." Dugtong nito at nilahad yung kamay nito kay Ally agad naman itong tinanggap ng impakta at nagpakilala din sya.

"Sure you can be my partner later. I'm Allyson Jane Lison." Sobrang lapad ng ngiti nito na parang mapupunit na yung bibig.

"Hi Kareem I'm Dustin Laxus Sy. Can I be your partner later?" Tanong nito kay Kareem. Ngumiti si Kareem sakanya ng pagkatamis tamis. Buti nalang at di katulad ni Ally toh.

"Yeah sure. I'm Elise Kareem Hallion by the way. Thank you din pala at di na namin kailangan pang mag adjust para maghanap ng makapartner namin." Sabi nito kay Dustin.

"Your welcome." At tumawa lang sya.

"Tara na kailangan na natin bumalik. Tama na ang paglalandi Rence." Sabi ni Andrei at hinigit si Terrence palayo kay Ally. Naupo na ako ulit sa upuan ko kanina. Wala dito sila Mama dahil may sari-sarilinh upuan ang mga parents kaya kami nalang ang naiwan dito.

"Sayang di pa nga kami nakakapag usap ng matagal ni Rence eh! Ang KJ naman kasi ng partner mo Frei." Pagmamaktol ni Ally. Sabay namin binatukan ni Kareem si Ally.

"Malandi!" Sabay din na sigaw namin sakanya. Napatawa nalang kami at sya naman napasimangot nalang.

HIDDEN FORESTWhere stories live. Discover now