Chapter 2

15 2 0
                                    

Anong nangyayari?

Nong nag start na ang program ay may sumasayaw agad sa gitna. Pero hindi slow dance ang sayaw ngayon parang disco. Mamaya pa kasi yung sayawan na may partner na slow dance.

Pinagmamasdan lang ko lang ang mga nagsasayaw, dahil si Ally at Kareem ay nandoon na at nakikipagsayaw kasama ang mga kaklase namin. Di nako sumama kasi di naman ako marunong sumayaw talaga.

"Okay, so let us proceed now. Go back to your respective tables students, because it's already 7 pm we should eat now. Ayoko naman na magutom ang mga magulang niyo at syempre kayo ding mga estudyante sa paaralang ito. So, waiters serve the foods please.

Naexcite ako kasi kakain na. Gosh, kanina pako nagugutom. Nang sinerve na ng waiter yung pagkain sa table namin agad ko itong nilantakan. Di ko na inisip ko may tumitingin ba sakin o wala. Wala akong pakialam sakanila basta makakain ako.

"Ano ba yan Freiya parang di ka pinakain ng isang buwan ah." Sabi ni Ally na kumakain na rin ng dahan dahan. Natawa lang kami ni Kareem sa sinabi niya.

"Pabebe mo naman kumain Ally parang di ka ganyan kung kumain ah. Mas malala ka pa nga kay Freiya eh." Natatawang sabi ni Kareem at ginatungan ko naman yun hanggang sa sinamaan na kami ng tingin ni Ally.

Pag tapos kumain ng mga tao ay agad naman na silang nagsayaw sa dance floor ng slow dance na with their partner.

Kami naman di parin nailis sa upuan namin. Nandito na din sina Andrei at ang mga kaibigan niya. Nagyaya na sila kanina pa pero dahil busog na busog pa kami ay sinabi naming mamaya na at patunawin muna namin ang nakain namin.

"Ano, okay na ba kayo? Pwede na tayong sumayaw doon?" Tanong ulit ni Rence kay Ally.

"Ahh yeah, siguro it's okay na. Pwede na diba Kareem? Frei?" Tanong ni Ally samin. Dahil kanina pa yan gustong umalis kaso dahil ayaw namin, ayaw din niya.

"Ahh oo pwede na." Sabi sabay tayo. Nag lahad ng kamay si Andrei sakin. Tinanggap ko naman yun atsaka pumunta na kami sa gitna. "Uhm, sorry if maapakan ko yung paa mo ha? I don't know how to dance kasi talaga." Nahihiyang sambit ko at napakamot nalang sa batok ko.

Tumawa siya at sumagot, " It's fine, actually di din ako marunong eh. Gusto ko lang sumayaw kasi ikaw naman yung partner ko." Natawa na naman siya ang cute niya talaga. Namula ako sa sinabi niya at ngumiti nalang.

Sumayaw lang kami doon ng slow dance sumasabay sa beat ng kanta na slow motion din. Nakahawak ako sa balikat ni Andrei at siya naman ay nakahawak sa bewang ko. Para tuloy kaming couple, o sadyang ganyan lang talaga ang naiisip ko? Ayt.

Nag uusap kami ni Drei habang nasayaw. Masaya naman siyang kasama at palaging nakangiti di din na uubosan ng kwento palagi.

Wala din siyang hiya, i mean hindi yung walang hiya na makapal yung mukha. Yung ano lang di siya nahihiya na sabihin sakin lahat ng mga epic na nangyari sakanya ganun.

Habang tumatawa kami ay biglang may kumalabit sakin. Tumingin ako sa kumalabit ng nakangiti. Agad napawi ang ngiti ko ng nakitang hindi si Klare o Ally to. Akala ko kasi sila pero hindi, si mama ito at nag aalala ang kanyang mukha.

Tinanong ko siya kung bakit pero di niya ko pinansin.

"Andrei sorry kailangan na umalis ni Freiya." Utas niya at agad na akong hinila paalis. Tinanong ko ulit siya kung bakit aalis agad eh hindi pa naman tapos yung program.

"Pag sinabi kong umalis na tayo ay aalis na tayo agad Freiya." Tumaas ang kanyang boses na para bang takot siya sa mangyayari.

"Ma bakit po? Bakit ako lang? Asan si kuya Thunder? Di pa po ako nakapagpaalam kila Ally." Sabi ko pa.

Hinarap niya ako na may halo halong emosyon. Inis, takot at alala.

"Anak kailangan na nating umalis itext mo na sila. Si Thunder ay nasa sasakyan na at naghihintay saatin. Bilisan mo na." Yun lang at hinila na niya ako patakbo.

Ramdam ko ang pag lakas ng hangin. Hindi ito normal hangin. Parang magkakabuhawi pa ata dito.

Napapamura na si mama habang tumatakbo kami palabas ng school. Nagtataka ako kung bakit ganyan ang inaakto niya. Di naman siya ganito eh.

Pumasok agad kami sa sasakyan pag dating sa parking lot. Agad iyon pinaandar ni kuya at umalis agad doon.

"Ma ano po bang- Ahhhhhhh" napasigaw ako ng muntik na kaming mabangga sa isang malaking bato. Wait bato? Anong ginagawa ng malaking bato dito sa gitna ng highway?

"Ma? Ano yan, ma natatakot na ako what's happening?" Nanginginig ako habang sinasabi ko yan.

Di siya sumagot. Binuksan ko ang bintana para nakita ito ng mabuti pero pagbukas ko agad na sumalubong saakin ang napakalakas na hangin. Mas malakas ito kumpara sa kaninang hangin na malakas na.

Agad kong sinarado ang bintana at tumingin kay mama na ang sama ng tingin saakin.

"Wag na wag mong bubuksan ang bintana ng sasakyan Freiya. Wag kang lalabas. Thunder umalis na tayo dito dun nalang tayo sa kabila dumaan. Bilisan mo." Naghihestrical na sigaw ni mama kaya agad din namang niliko ni kuya ang sasakyan para umalis na.

Mabilis ang pag dadrive ni kuya at agad kaming nakarating sa bahay. Nagmamadaling bumaba si mama at tsaka hinigit agad ako palabas.

"Anak, please wag na wag mong bubuksan ang bintana mo ngayong gabie ha?" Sabi ni mama. Kaya tumango nalang ako. "Pumasok kana sa kwarto mo at magpahinga." Dagdag pa nito at mahinahon na ang kanyang boses ngayon, hinalikan niya ako sa noo. Nag kiss din ako sakanya sa pisnge at agad na naglakad papasok sa bahay.

Lumingon ako at nag uusap sila ni kuya ng seryoso. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at di na binuksan ang bintana. Usually kasi binubuksan ko ito para fresh air kaso sabi ni mama wag daw ngayon at tsaka ayaw ko din dahil sa hangin kanina.

Kitang kita ko pa sa bintana ang na sobrang lakas pa din ng hangin halata ito dahil sa mga dahong nagliliparan.

Agad akong natulog dahil pagod ako sa party sa school kahit naupo at nasayaw lang ako kanina.

Pag ka gising ko ay agad akong nagulantang sa nakita ko sa kwarto.

"Mama! San tayo pupunta?! Ma ano po bang nangyayari?" Sigaw ko agad nang makababa sa hagdan at nandoon ang mga gamit namin.

HIDDEN FORESTWhere stories live. Discover now