Chapter 6

39 4 1
                                    


AC's POV

Monday.

Makalipas ang apat na linggo o isang buwan mula ng magsimula ang klase, ngayon lang ako papasok.

Who cares? Tsk.

"Baby.." Napatingin ako sa pinto.

For sure, pipilitin na naman ako ni Mom o Dad na pumasok.

Well, hindi naman na kailangan dahil nakagayak na ko.

"Hi Mom!" Sabi ko ng buksan ko ang pinto.

"What's with the.. outfit?"

Napatingin ako sa suot ko.

Nakauniform naman ako. Yun nga lang, nakabukas ang blouse ko at may doble akong tshirt na may nakaprint na 'back off'
Yung skirt ko, ganon pa rin naman ang sukat, mas umikli lang sya pero hindi naman sobrang ikli. May takong din ang boots na suot ko.

"What's wrong Mom?"

"Ahh. Nothing but you look fiercer." Hindi naman mukhang disappointed si mom, pero mukha syang nag-aalala.

"Mom. I'm cool with it, okay? Don't worry" Sabi ko at nginitian sya.

"Papasok ka na?"

"Yes. Masyado ng matagal ang 1 month, baka di na ko tanggapin ng mga prof pag pinalagpas ko pa dun ang absences ko."

"Okay. Let's get downstairs? Tamang tama at naghihintay na ang Daddy at kapatid mo."

Nagpakulay din pala ako ng buhok, mas pinaitiman ko at pinalagyan ng highlights na red.

Pinagupitan ko rin ang buhok ko, di masyadong maikli pero hindi na sya aabot sa balikat ko.

Other than that, wala naman na masyadong nagbago.

(a/n: for better imagination, kung napanood nyo na ang school 2017, yung babae na gangster dun ang pinaggayahan ko ng look ni ac hehe :))

"Ate, ano yang ayos mo?" Like mom, pinuna din ni Ace ang ayos ko.

Nginitian ko lang sya at sumakay na sa sasakyan.

Naramdaman ko naman ang pagsunod nya at pag-upo sa shotgun seat. Si Mom at Dad ay nakita ko pang nag-usap bago tuluyang pumasok sa kotse si Dad.

Sa byahe, nananatili kaming tahimik tatlo

Walang gustong umimik

And this is an awkward silence.

"Dad.." Tawag ko sa kanya.

"Yes baby?"

"Are you okay?"

Natigilan sya saglit.

"I should be the one asking that, are you okay?"

"Of course dad." Sagot ko agad.

Tiningnan nya pa ko ng isang beses pero di nagsalita.

Maya maya, si Ace ang nagsalita.

"Ate, okay ka lang ba? Yung totoo?"

"Ace! Of course I am."

"Okay ka na? Then wala na sayo kung sakaling makita mo yung ex mo?" Kumunot ang noo ko.

Alam ko naman na ang tinutukoy ni Ace pero the thing is, mula ng maghiwalay kami ni Lucky, di nya na binanggit pa yung pangalan ni Lucky.

Parang may masamang mangyayari pag binanggit nya yung pangalan non.

Breaking the Promise (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon