Chapter 4

33 1 0
                                    

Ac's POV

Hindi ko pa rin maintindihan ang iniaasta ni Ace mula kanina sa mall hanggang ngayon.

Nung bigla nya na lang akong hinila at inayang umuwi. Parang may nakita sya na hindi kanais nais tsk tsk.

Tapos kanina naman, bigla bigla syang nagiging sweet. Tsk tsk.

Minabuti ko na lang na wag na muna syang kausapin tungkol don dahil baka may problema sya.

Pagpasok ko sa kwarto, agad kong inopen ang laptop ko at nagonline.

Nagpaalam kasi sakin si Lucky na may kailangan silang asikasuhin sa Canada, sasabihin ko sana na sasama ko pero too late dahil nasa airport na pala sila nung time na tumawag sya sakin,

syempre nagtampo ako pero inintindi ko sya kasi emergency daw.

At ngayon, magtatampo na naman ako dahil Kanina pa sya di nagtetext sakin.

Lucky Ancheta wants to video call with you...

Napangiti ako ng makita ang pangalan nya sa screen.

Agad kong pinindot ang accept button.

"Hi beb!" Masaya kong bati. Okay, iiwasan ko na muna magtampo dahil tumawag naman sya.

"Ac..." Natigilan ako ng marinig ang boses nya na parang seryoso.

"Beb? May problema ka ba?"

"Ah, w-wala, wala, babalik na kami bukas sa Pinas, usap tayo. See you."

Call ended...

Magsasalita pa sana ako pero mabilis syang nawala.

Wala lang naman yon diba? Hindi naman sya galit sakin diba?

Ewan ko pero kinakabahan ako. Lalo na ng sabihin nya na mag-usap kami.

Pakiramdam ko, meron syang importanteng sasabihin.

"Anak?" Napatingin ako kay Mommy na nasa pinto.

"Mom, andyan na pala kayo. Kamusta business trip?"

"Ayos lang. Ikaw? Kamusta ka?"

"Okay lang Mom, excited na pumasok. Hehe"

"Good. Bumaba ka na maya maya para makakain na tayo, may dala akong dumplings."

"Really? Yay! Sige mom."

"Baby, you know that Dad, Ace and I loves you so much right?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya pero tumango ako at ngumiti.

"I do Mom. And I love you too."

"Then always remember that we're always here for you, no matter what. Basta ang kailangan mo lang, maging matatag."

"What are you talking about Mom?"

"Nah, namiss ko lang magpaalala sayo." Napangiti ako sa sinabi nya at niyakap sya.

"Mom, I'm always that your palaban baby girl."

"Very good. Sige na, baka magkaiyakan pa tayo rito, I'll prepare our lunch." sabi nya at bineso ako.

Paglabas nya sa kwarto ko, sinilip ko yung veranda ko na nasa tapat ng veranda ng kwarto ni Lucky.

I miss him so much.

Lucky's POV

"Are you ready?"

"Yes"

"Then let's go, kanina pa naghihintay yung sasakyan"

Sinundan ko sya palabas ng bahay. Andito kami sa Cavite ngayon.

Breaking the Promise (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon