Chapter 8

31 2 3
                                    


Ac's POV

Iniwan ko na yung anim sa caf, pero di totoong may klase na ko. Ayoko pa lang talagang pag-usapan yung sa amin.

🎶I don't want another pretty face..
I don't want just anyone to hold..
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul..🎶

Napahinto ako ng makarinig ako ng boses..

Napakalumanay ng boses na yon at damang dama mo ang emosyon ng kumakanta.

🎶You're the one I wanna chase
You're the one I wanna hold
I won't let another minute go to waste
I want you and your beautiful soul
Your beautiful soul..yeah🎶

Geez. Nakakainlove yung boses nya.. Ugh! Seriously AC?! di ka pa nadala??

Napailing ako sa naisip ko at nagpunta na lang sa library.

Dito, tahimik, dito.. walang gugulo sakin—

"Hi Andree!" Napapikit ako.

"What do you want again?!" Impit kong sigaw sa kanya

"Whoah.. relax ka lang." Sabi nya habang nakataas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Ano bang kailangan mo Bailey?!"

"Wow. It's your first time to call me by my name, huh"

I mentally rolled my eyes.

"Kung wala ka ng sasabihin, makakaalis ka na" I said coldly.

"Excuse me? I don't wanna be rude ha pero this is library, wala kang karapatan na piliin kung sinong uupo sa tapat mo."

Luminga linga ako, and gotcha..

"Yes, wala akong karapatang mamili kung sino ang uupo sa tapat ko, but I have the right to choose where to sit..and that is away from you" Mataray kong sagot tsaka tumayo at umupo sa nakita kong bakanteng upuan sa tapat ng natutulog na lalake.

Now this is what you call heaven! Away from annoying people.

"Haha, buti nga, wala na syang mauupuan dito. Alangan paalisin nya tong si kuyang natutulog diba? Serves you right! Wag mo na kasi kong guluhin girl, di mo ko kaya—" Natigilan ako sa pagkausap sa sarili ko ng magsalita bigla yung katapat kong lalake.

"Mag-iingay ka ba o magbabasa?" And to my surprise, it's Kenneth San Jose.

Aghh. Of course, Bailey Sok is here so probably, Kenneth San Jose is here.

Kelan ba ko tatantanan ng magjowa na to?!

"Jowa? Anong jowa?" Oopps. Napalakas yung nasa isip ko. I shook my head.

"Nevermind" Sagot ko sa kanya at di na sya pinansin.

Dudukdok na sana ko sa table ng sipain nya yung upuan ko.

"What the hell?"

he just smirked.

"Problema mo?" Tanong ko.

"Madami, gusto mo bigyan kita?" Pfft.. Muntik na kong matawa dahil sa sinabi nya.

I mean, dahil sa accent nya. Halatang trying hard magtagalog.

oh please AC, ganyan ka din noong bagong salta ka rito sa Pinas.

"No need, i already have ahm, hundreds." Nakangiwing tugon ko.

"Hmm, I see. That's why you're always like that." Kumunot ang noo ko.

"Anong like that?"

"Ah parang laging pasan ang mundo. Sa tuwing makikita kita, it's either nakasimangot or nakapoker face ka"

Breaking the Promise (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon