Chapter 8

1K 21 29
                                    


Clarence P.O.V

Tumingin kame ni ella sa paligid at may nakita akong nakajacket sya at nakamaskara.

Nakasuot sa ulo nya ang hoodie ng jacket at yung maskara nya ay parang sa Jabbawockeez at nanindig ang balahibo ko nang nag Okey sign sya saken.

Hahabulin ko sana ngunit bigla nalang itong tumakbo sa mapunong lugar at naglaho sa dilim.

"Huy!"

"Shit!" sigaw ko matapos akong gulatin ni ella.

Humagalpak naman sya ng tawa tinakpan na nya ng dalawang kamay nya ang bibig sa sobrang tawa, ako naman natingin lang ng masama sa kanya.

"Ano ba! Tumahimik ka nga!" Sigaw ko sakanya pero nagpipigil pa din sya ng tawa.

"Biro lang! Tara na nga" Aya nya saken sabay lagay ng kamay sa bewang ko.

Lumingon pa ako sa pinanggalingan nung misteryosong nakamaskara kanina pero wala na talaga sya.

"Ella wag kang aalis sa tabi ko ha?" Nakangiti kong sabi kay ella habang papunta na kameng room namen.

"Oo naman hehe, Dun ka ulet tulog samen Clarence text mo nalang mommy at daddy mo" Sagot nya.

"Sige tatawagan ko sila mamaya,Okay?" Ani ko.

Pumasok na kame ng room binati lang namen si sir mark at umupo na kame sa upuan namen.

Buong klase lutang ang isip ko tungkol sa nakita ko kanina dahil kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

Batid kong may iniisip din si ella pero alam ko di nya nakita ang misteryosong nakamaskara kanina dahil masaya pa sya at yun ang ipinagtaka ko.

Lumipas ang klase at Lunch ng ordinaryo lang ang nangyayari.

"Sir dadalawin nyo po ba si Anna mamaya?" Tanong ni Ella kay sir mark dahil pauwi na kame.

"Oo pakisabi sa kanya dadalaw ako, Sige na umuwi na kayong dalawa at delikado na sa Labas, Mag-iingat kayo ha" Sabi ni sir mark habang nililigpit ang gamit nya sa table.

"Sige po Sir mark" Sabay pa kame ni ella ng sabi.

Habang naglalakad kame papunta sa bahay nila ella ang tahimik nya kaya nailang ako.

"Ella may problema ba?" Tanong ko.

"Ha? Ah Wala wala" Nakangiting sabi nya pero alam kong peke lang ang kanyang pagngiti.

"Bilisan natin maglakad" sabi ko dahil may nararamdaman akong nakatingin saamen ni ella.

"Clarence" Pagtawag nya saken.

"Umm?" Sagot ko.

"Clarence doon nalang tayo kumain sa karinderya dun" Napalingon ako kay ella at tumingin ng nagtataka.

"Sa Bahay na tayo kum-" Di ko pa natatapos ang sasabihin ko nagsalita na sya.

"Please" Magkahawak pa ang dalawa nyang kamay at naka-puppy eyes habang sinasabe nya yun.

"Sige na nga" Wala na akong nagawa kundi sumunod.

Di na sya nagsalita pa at naglakad papuntang karinderya, parang may mali eh, parang may problema sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inferno UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon