Jennie's POV
Sa hindi ko malamang dahilan, isinuot ko ang jacket ko at lumabas kahit alam kong malamig.
Walang tao ngayon sa bahay dahil ang mga magulang ko ay may pinuntahan, at siguro aabutin sila ng dalawa o tatlong araw.
Marunong naman ako kapag ako lang mag-isa dito. Actually mas gusto ko nga yun, tahimik. Ako masusunod.
Bumabakas yung footprints ko sa snow na natatapakan ko. Ang tahimik din kasi konti lang yung mga sasakyan at tao dito sa labas.
Winter ang favorite season ko. Bukod kasi sa ang peaceful, marami akong naging memories dito sa season na 'to.
Good, and bad.
"Jennie Kim," pagtawag niya sa akin gamit yung cute na boses na parang pambata.
Pagkaharap ko sa kanya, kinuha niya ang kamay ko at may inilagay siya doon.
Pagtingin ko, nakita kong isa itong kwintas.
Kwintas na may snowflake.
"Ang ganda." Napa-bulong ako sa sarili ko.
Inayos niya yung buhok ko at isinuot yung magandang necklace sa akin. Napatingin ako sa pendant na naka-kabit doon at hindi mapigilang mapangiti.
"Mahal kita, Jennie Kim." Sabi niya sa akin.
Naupo kami dito sa bench. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang ipinipikit ang mga mata ko.
"Mahal din kita, Jimin." I whispered.
I bit my lip.
Bakit ko ba naalala yun?
Eh bakit naman hindi, eh nandito ako sa mismong lugar kung saan nangyari yun eh. Ganitong-ganito rin yung panahon.
Ituturing ko yun na isa sa mga Good Memories na nabuo ko dito sa lugar na 'to.
Katunayan, maraming good memories ang nabuo ko dito. Yun nga lang, yung kagandahan nun, nasira ng isang bad memory.
This is where it all started, but unfortunately this is also where it all ended.
"Jimin, yung necklace ko nawawala." Sabi ko habang hinahanap yung necklace ko dito sa kalapit ng bench na 'to. Dito kasi kami huling pumunta bago ko ma-realize na nawawala yun.
"Huwag mo nang hanapin." Sambit ni Jimin.
Napatingin naman ako sa kanya. Huwag kong hanapin? Aba nasisiraan ba siya? Hindi pwede yon.
"Hindi, andito lang yun alam ko. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko yun nahahanap." Sabi ko at nagpatuloy sa paghahanap nung necklace kahit unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.
Pansin ko naman na nakatayo lang siya doon at mukhang walang balak tumulong. Ano bang problema niya? Kung sa kanya wala lang yung necklace na yun pwes sakin hindi. Mahalaga yun sakin.
"Jimin naman, huwag ka namang tumayo lang diyan. Mas maganda rin siguro kung magtulungan tayo sa paghahanap." Inis na sabi ko.
"Ito ba hinahanap mo?" Tanong ni Jimin at pinakita niya yung Necklace na may Snowflake pendant na kanina ko pa hinahanap.
All this time nasa kanya lang yon?
Agad ko itong kinuha sa kanya.
"Hawak-hawak mo lang pala diyan edi sana binigay mo agad para hindi ako nagpakahirap sa kakahanap dito diba?" Naiirita kong sabi sa kanya. Kainis siya ha, kanina pa siya ganyan. Ano ba talagang problema niya?
BINABASA MO ANG
Almost A Love Affair
أدب الهواةIn order to release your hand right now, I gotta let you know that I need to let you go.