•••
Taehyung's POV
Maaga pa lang nakabangon na ako, siguro dahil sanay na rin akong gumigising ng maaga dahil kailangan ko pang magluto ng pagkain para sa kapatid kong bwisit.
Pero ngayon wala siya sa kwarto niya. Gulat ako nang makitang walang siya doon pagbukas ko ng pinto.
Gulat nga ako eh. Nagising ng mas maaga pa sa akin. Medyo impossible.
Nag-iwan ang loko ng letter sa akin doon sa kusina.
-------
Kuya Taehyung
May pinuntahan lang ako. Kain ka na diyan.
-hyunjin
------
Pinuntahan nanaman siguro yung best friend niya. Nako, pa-bestfriend bestfriend pa. Mamaya mabalitaan ko nililigawan na niya yun.
Dahil ako lang rin naman mag-isa dito at tinatamad na ako magluto, napag-isipan kong dumiretso nalang sa McDo para doon nalang kumain ng breakfast.
Walking Distance lang naman ang Mcdo dito sa amin, pero mas madali kung sumakay ka ng tricycle. Kaso umaga naman at wala pa masyadong mga sasakyan kaya napag-isipan ko nalang na maglakad. Excercise na rin.
Noong bata kami ni Hyunjin mahilig kaming maglakad-lakad dito. Dati kasi maganda pa at wala pa masyadong sasakyan na dumadaan dito at payapa tuwing umaga.
Limang taon ang tanda ko sa kanya pero parang magkasing-edad lang rin kami minsan. Pero siyempre bilang nakakatanda, ako dapat ang mas marunong sa mga bagay.
Kilala niya rin si Jisoo. Actually, kapit-bahay namin si Jisoo dati pero pansamantala lang. Wala kasing matirhan na bahay sila Jisoo dati kaya nakitira sila sa Tito niya na kapitbahay namin.
Naalala ko pa noon, takot na takot siyang sumakay ng bike. Daig pa nga siya ni Hyunjin kahit mas matanda rin siya sa lalaking yun. Pero napilit ko siya kaya naman nagpabili rin siya ng bike at palagi kaming nagba-bike nung bata kami.
Nakakamiss.
"Oh, Taehyung andito ka nanaman." Bungad ni Rose nang ako na ang sumunod sa pila sa Cashier.
Si Rose na nagtatrabaho dito sa Mcdo ng ilang taon na rin. Dito nga rin kami nagkakilala eh.
----
Inabot na ako ng gabi sa daan at gutom na gutom na ako kaya bago ako umuwi ay pumunta muna ako dito sa Mcdo para kumain.
Walang tao doon. Guard lang at tsaka isang cashier na nakatambay lang doon sa loob. 2am na rin kasi ng madaling araw. Pero siguro yung iba, bilang wala namang tao ay nagpapahinga na muna sa Employee's Room.
Pagtingin ko sa kanya, agad akong naawa dahil mukha syang pagod na pagod.
At ang mas kinagulat ko, bakit parang kaedad ko lang siya. Parang seventeen years old lang din siya, bakit siya nagtatrabaho dito, diba dapat nag-aaral siya?
BINABASA MO ANG
Almost A Love Affair
Hayran KurguIn order to release your hand right now, I gotta let you know that I need to let you go.