"mom! Masyadong revealing Ayoko Nyan!" Pagmamaktol ko Kay mom
Ngayong araw Kasi yung Dinner namin Kasama ng pamilya ni Blake. Kaya si mommy Kung ano-ano ang pinapasuot sakin Tapos naglalagay pa ng mga Kolorete sa mukha ko
"Ano ka ba! Wag kang makulit Dyan! Para naman di magbago ang isip ni Blake . Ano ba tong buhok mo anak?!" Sabi ni mama habang binoBlower ang Buhok ko
"Mom?! Kung pagdidiskitahan mo lang ang buhok ko. Mas mabuti pang di na lang ako pumunta"
"Anak! Importante ang araw na to Di ka ba masaya?" Mukha ba akong masaya? Pero ok na nga lang masaya din naman ako sa loob loob ko. Ayii ay Teka? What the hell am I thinking?
"Ok fine mom!"
Nandito na kami sa bahay ni Kina Blake or should I say Mansion. Ang Ganda ng Bahay nila mas Malaki pa sa bahay namin May garden din sila na punong-puno ng mga Bulaklak . Iba't ibang kulay. Dahil sa ganda napahawak ako dto
"Don't You dare touch that! Baka malanta yan!" Tsk? Aasarin na naman ba nya ako? Nakakainis talaga
"Is that how you welcome your visitor?" Pataray Kong Sabi aba! Akala nya ha
"Whatever, First Let me clear Everything to you . Hindi ako pumayag magpakasal Dahil sa gusto ko. Pumayag Lang ako dahil sa mommy ko. I can't let her down , I love her wag ka din mag assume na mamahalin Kita, Let's just pretend na okay tayo After ng Kasal Sabi ni mom sa Baguio daw Tayo magho-Honeymoon Pero Wala tayong gagawin . Understand?"
Hindi ko Alam pero parang nanikip ang dibdib Ko sa sinabi nya
"Ok" Yun Lang ang lumabas sa bibig ko
"and by the way, You looked sexy today Pero Wala pa ring pinagbago ang Mukha mo!"
Ayon nagpipigil ng tawa ang Gago!
"Come On Bby princess!" Napalingon ako sa sumigaw it's mom
Nandito na kami ngayon sa Dining Table, Nasa gitna ako ni mama at ni Blake sa Harapan namin ang mga magulang ni Blake at si ash at kuya biglang tumikhim si tita Jan
"Ehem" pagkasabi nun napatingin lahat sa kanya " so, We've planned na sa simbahan Sila ikasal not a Beach wedding ok?"
"Mom? Sino Naman ba ang nagsabi na sa beach gaganapin ang Kasal?" pagsasagot ni Ashley
"Hindi nga ba? Mostly sa mga kabataan ngayon Gusto sa beach ikasal . Ok Amp! So ija Siguru Naman na nasabi ni Blake sayo Kung saan gaganapin ang Honeymoon right Blake?" napaubo ako sa sinabi ni tita "oh may Problema ba ija?"
"Ah--e... Wa- Wala Naman po . Diba po masyadong maaga?" pagtatanong ko
Kasi Naman wala pang kasalan na nagaganap pero Honeymoon agad ang pinag-uusapan
"Anak . It's better to be early ok?" Sabi ni mama at hinahagod ang likod ko
"Tama si Tita baby" pag sang-ayon ni Blake . Ano daw? Baby? Did he just call me baby Ang sarap sa ears Hahaha.... Umayos ka Cindy! Binigyan ko lang sya ng tipid na ngiti
"Ay Ang sweet nyo Naman dalawa? Mukhang magwowork ang pagmamahaln nyo ah" sabat ni Kuya
"Kuya!?"
"What? I'm just telling the truth lil'sis " kahit kailan talaga kuya "and you!" turo ni kuya Kay Blake "don't you dare hurt her! Ako Lang ang pwede" then he chuckled
Aba't nagngisi pa Ang loko
"Yah . I won't do that" sagot namn ni Blake . Sana lang Blake
Nagsimula na kaming Kumain at Nung natapos na kami ay nagpaalam na si mama Sa kanila at nagbeso-beso pa. Pinag-usapan namin Kung kailan at Kung saan gaganapin ang Kasal Ang Sabi ng papa ni Blake Pagkatapos daw ng Graduation namin, Maghahanda na kami para sa engagement Party Sabi ni Tita gusto nya daw Malaki at elegante ang Kasal namin Ganun din ang gusto ni mama Tumango na lang ako sa Kanila
Ewan ko ba pero Parang naeexcite Ako, Kanina habang nagkwekwentuhan kina Mama Nakaupo lang kami ni Blake sa sofa Busy sya sa Pagty-type sa phone nya Tinitignan ko sya ng maigi Ang gwapo nga talaga ng mapapangasawa ko Bumibilis na namn tuloy ang Tibok ng puso ko
Pero sabi nya di nya ako Mahal Hindi bukal sa kalooban nya ang pagpapakasal sakin sa madaling Salita Napilitan lang sya. Hinaplos ko ang dibdib ko tila sumasakit ito sa mga naalala ko
Posible kayang Mahal ko na si Blake? Posible din kayang magustuhan nya Ako? Hindi na biro itong nararamdaman ko ...
-----------------------------------------------------------------------------
#Oma! May Inlove
Si mama Cindy! Posible din kayang magustuhan sya ni Papa Blake?
YOU ARE READING
FOREVER YOURS (COMPLETED)
De TodoThe couples that are meant to be, are the ones who go through everything that is meant to tear them apart, and come out even stronger. "Blake...Cindy..."