JAPERS's POV
"Miss san po yung pasyente sa Room 203?" Tanong ko sa may Nurse na naka assist ngayun para tignan kung may pasyente ba sa Room nayun. Kanina pa ako nasa Rooftop pero walang hally akong nakita kaya pumunta ako sa Room niya pero walang ka tao tao.
"Matagal na pong walang pasyente dun Sir." Sabi ng Nurse. Taka akong napatingin sa Nurse. Bakit wala?
"Sino po yung last na pasyente na nag Room dun?" Tanong ko.
"Si Hally Wilton po. 3 years ago from now." Natulala ako sa sinabi ng Nurse at pa ulit ulit na. na uulit ang mga sinabi ng Nurse.
Si Hally Wilton po. 3 years ago from now.
Si Hally Wilton po. 3 years ago from now.
Si Hally Wilton po. 3 years ago from now.
Si Hally Wilton po. 3 years ago from now.
Si Hally Wilton po. 3 years ago from now.
"Sir?" Bumalik ako sa realidad ng tawagin ako ng Nurse.
"B-buhay pa po ba y-yung s-si hally?" Tanong ko.
"Opo! Sir. Pero sabi ng isang nurse lagi niya daw nakikita si Hally sa ospital nato lalo na kapag gabi sa may rooftop. Nakaka usap niya pa nga po eh." Sabi ng Nurse. Na alarma agad ako sa sinabi niya.
"Sino po yung Nurse na yun?" Tanong ko.
"Day off niya po ngayun eh." Sabi niya.
"May address kaba niya?" Tanong ko. Sana meron...
"Wala po eh! Pero bukas naman po ng umaga meron po siya dito." Sabi niya tumago tango ako.
"Na aksidente ba si Hally?" Tanong ko. At tumingin sa mata ng Nurse.
"Opo! Na dumpar po siya ng Bus." Tumango tango ako. Sino yung Hally na nakaka usap ko?
"Saang Ospital na po siya naka assign ngayun?" Tanong ko. Last na Question na to.
"Ang pag kaka alam ko po eh nilipat po ang pasyente pa puntang Amerika nung madaling araw kagabi para po siguro mabilis siya magising dahil po ilang taon na po siyang comatose." Sabi ng Nurse. Nag pa salamat ako sa Nurse bago umuwi sa bahay.
Posible kayang kaluluwa ni Hallt ang ka usap ko?
Kailangan kong maka usap yung Sinasabi ng Nurse na nakaka kita kay Hally.
~~~KINABUKASAN~~~
Mga tanghali na ako nakarating sa Ospital ngayong araw ay Sabado. At ngayun din ang Uwi ng kapatid ko galing sa Ospital.
"Nasan na po yung Nurse na nakaka kita kay Hally?" Tanong ko sa nurse na naka usap ko kahapon.
"Sundan niyo po ako sir!" Sabi niya sinundan ko lang siya at nakarating kami sa may Rooftop may na aaninag akong isang babae.
"Tuwing Lunch time lagi siya dyan tumatambay,Sige na po Sir! Iwan ko na po kayo." Sabi ng Nurse at umalis na.
"H-hello!" Na uutal na sabi ko at tumabi sa kanya sa pag kaka upo sa may bench.
"Ikaw ba si Japers?" Agad na sabi niya at tumingin sakin unti unti akong tumango.
"Ako si Jessa." Sabi niya at inilahad ang kamay niya para makipag kamay. Kinuha ko naman yun at nag shake hands kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Four Nights(COMPLETED SHORT STORY)
Krótkie OpowiadaniaKung mawala man ako sa tabi mo Wag' kang iiyak tumingin ka lang sa kalangitan at sabihing Mahal mo ako