ang daming tanga sa mundo at alam kong nabilang kayo diyan pero ako hindi pa. Single pa kasi ako eh bakit? Abay malay ko maganda naman ako ang problema lang walang nagtatangkang manligaw saakin. Buti pa yung mga panget may mga boyfriend na. Sabi nga ng kanta ni andrew e na " humanap ka ng panget at ibigin mo ng tunay, humanap ka ng panget" kaasar bakit hindi nalang ako naging panget para man lang makakaranas na ako ng boypren. Eh kung ako kaya ang maghahanap? Diba ang ganda ng naisip ko? Pero ang panget naman kung ako mismong babaeng ang maghahanap ng boypren. Kainis.
Magdadasal nalang ako araw-araw baka dinggin ng panginoon ang dasal ko at bigyan na niya ako ng boypren.Tinignan ko ang katabi ko na may hawak na cellphone, nakangiti siyang nakatingin sa screen ng cellphone niya. Psh mukha siyang tangang nakangiting mag.isa. magbebrake lang naman sila kapag yung partner niya ay pagod na sakanya psh. Ang bitter ko na, ito siguro ang trabaho ng mga single ang magpakabitter dahil walang boypren hahay kawawa naman ako.
Napatingin naman ako salabas dahil narinig ko yung bell na tumunog. Naglabasan naman yung mga kaklase kong mga tsismosa at mga maiingay. Flag ceremony ito yung gusto ko sa umaga, lahat ng estudyante ay magtipontipon dahil flag ceremony nga. Makakita ka ng mga maraming gwapo pero nakakadisappoint nakalimotan ko wala palang gwapo dito sa paaralan namin puro mga jeje. Alam niyo naman kung ano yung jejemon? Ayaw ko sa mga ganyang lalake choosy ba ako? Well halata naman diba? Ito siguro ang dahilan kaya wala akong boypren ngayon. Sorry God. Pero sana Papa God may gwapo na ngayon, unang klase, unang allowance at please bagong klasmet na gwapo pleaaasee God. Magpapakabait na talaga ako kapag nakakita ako ng gwapo ngayon. Please. Di na talaga ako magkacutting klases, di na rin ako mangbubully ng kaklase kong mga lalake promise at di ko na rin susulatan ang arm chair ko na "panget ang english teacher namin" promise God. Magbabago na talaga ako.
3rd year high school pa ako at ito ako ngayon nanghihingi na ng lalake ni papa God, di naman masama yan diba? Wala naman akong ginawang masama. Crush lang naman pero pwede ring maging boyfriend diba? Hihi
"Huy! Hindi ka ba lalabas diyan? Gusto mo ipa.principal office kita dahil hindi ka pa lumabas diyan?!"
Nagulat naman ako dahil may sumigaw na dambohala na schoolmate kong tansya ko ay SSG president ng school namin psh. Oa naman niya. Principal office agad? Di pwedeng pag.usapan lang? Di naman siya tantong Oa diba? Kaasar. Padabog akong tumayo sa upoan ko at lumakad patungo sa labas Alangan naman sa loob edi hindi ako makakalabas? Ayyssh.
Andito na ako salabas ng classroom namin, nagtataka kayo kung bakit nasa labas ako ng classroom namin? Ano kasi people ang paaralan namin ay hindi private nasa public school ako. Oppss ayaw mo nang magbasa no dahil cheap ang paaralan ng bida huwag naman ganun basahin niyo nalang to para naman maging masaya si author diba? Anyways nandito na ako sa labas ng classroom namin at ang taas ng linya ha at ang daming estudyante. Ang daming mga bagong mukha pero mga panget pa rin ahuhu bakit ganun? Dumami yata ang mga panget sa school namin? Bakit walang gwapo ahuhuhu. Masuggest nga ni princepal mamaya na bawal papasok sa skwelahan nato kung panget ka. Naman eh.
Nagsisimula ng tumunog ang national anthem pero hindi nakafocus ang aking isipan sa harap dahil naghahanap ng dalawang mata ko ng mga gwapo. Wew huwag kayong ano diyan. Alam ko naman na hindi lang ako ang gumawa nito, alam ko na ginagawa niyo na rin to ang ginawa ko kapag nagfaflag ceremony naghahunting din kayo ng mga gwapo hihi huwag kayong anu diyan. Huwag ako!!
Hanap
Wala
Hanap
Wala
Hanap
wala
Hana---
Ayun!!! May nakita na ako. Pero mukhang masungit eh pero gusto ko ng ganyan! Alam kong hindi lang ako ang nagkagusto ng mga ganyang type na lalake diba?