Natapos na kaming kumain ng mga barkada ko at tapos na rin ang recess. at makikita ko na rin si crushhhhhh awwweeeee.
"Art kanina ko pa napapansin na palagi kang tumitingin sa bagong transfere? May crush ka dyan no?"
Halata ba? Halata ba na may crush ako kay mr.pogi?"Hindi no! Huwag ka ngang ano dyan mae hindi ko siya crush no. Huwag ka ngang anu dyan"
Love ko na siya, di na crush ahihi huwag kayong maingay."We? Di nga? Halata kasi sa mukha mo eh nagsisinungaling ka hahahaha! Crush mo siya!"
Ang ingay niya pansin mo? Kainis to. Ibulgar ba daw.Nandito na kami sa classroom namin at ang ingay. Arrghh ito ang dahilan kaya minsan lang ako papasok kasi ayaw ko sa mga maingay na lugar.
"TAHIMIIIIIIKKKKKKK!!!!!!!!"
Sigaw ko, at ayun tumahimik na."Very Good stupidents, tahimik andito na ang reyna. Huwag kayong aangal kung ayaw niyong kayo ang bibiktimahin ko. Okay?"
Hindi sila kumibo pero alam kung nagagalit sila saakin pero pakealam ko ba?"Ang galing mo talaga art. Takot talaga sila sayo"
Sabi naman ng isa kong barkada. Ako pa. Reyna ata to."Ako pa reyna at--
"Hmm excuse me"
Naputol naman ang sasabihin ko. Walangya sino ba siya. Tumingin ako saliko---
Uwaaaa si crussssssssssshhhhhhhh.
"A-y s-orry, sige pwede ka ng d-umaan"
Sabi ko. Waaaa nakakahiya yung ginawa ko kanina ahuhu. Dumaan naman siya sa tabi ko ng walang pasabi. Tinignan ko naman siya waaaaa ang gwa--"Hindi pala crush ha"
Ayy kabayong walang tuhod. Nagulat naman ako nung may bumulong sa tenga ko. Psh si hanna talaga nakakaasar."Ikaw talaga hanna porket ba nakatingin sakanya crush agad? Di pwede may titignan lang?"
"At ano naman ang tinitignan mo aber? Huwag mong sabihin na yung bag? At kailan ka naman nagkainteresado sa backpack aber?"
Arrghhh bakit ba kasi ang tsismosa niya."Wala! At pwede bang tumahimik ka dyan hanna kung ayaw mong isali kita sa bullylist ko? Gusto mo?"
"Waaa you are so mean. Dyan ka na nga lang"
Pfft hay sa wakas wala ng asungot.Umupo na ako sa upoan ko at tinignan na naman si crush.
Pansin ko lang may pagkasuplado siya hindi namamansin. Bakit ko nasabi? Wala kasi siyang pinapansin kahit sa mga kaklase kong lalake.
"Good morning class. May new transfere ba dito? Kung meron please standup"
Pumasok naman ang piggy TLE teacher namin.Tumayo naman si crush at si trashcan.
"Tell me your name. Mauna ka na babae"
Sabi ni maam. PSH babae ba siya mukha? ngang bakla eh FLAT kasi eh.Sinabi na nilang dalawa kung sino sila at saan sila nag.aaral noon.
"Okay class, please get 1/4 sheet of paper we will have a short quiz"
Laa? Quiz agad?ni wala nga siyang sinabi saamin? Naka.drugs ba siya? Oh ginutom lang? Or na mali lang ng sabi?pwede ba yun? Pwede siguro."But maam, wala ka pang sinasabi saamin quiz agad? Anubenemenyen"
Paglelekramo ng isa kong kaklase. Ako? Chill lang tinatamad kasi akong magsalita."Class quite simple lang naman ang quiz natin. "How's your vacation" yan lang ang tanong ko. Pagkatapos niyong magsagot ay ipass niyo lang saakin okay?"
Ayy ano ba naman yan. Walang kwentang tanong, ang tsismosa naman ni ms.piggy. Bakit ba kasi nauso ang tanong na yan basta bagong klase. Kainis. Makatulog na nga lang. Baka mapaniginipan ko si crush. uy huwag kayong anu diyan. Alam kong ginagawa niyo rin to sa classroom niyo tuwing tinatamad kayong makinig ni teacher.
Hahahaha