Okay lang naman sigurong hindi maging Okay di ba?Kasi darating talaga tayo sa punto ng buhay natin na di na natin makuhang maging sigurado.
Lalo na sa mga taong katulad ko. I can't never be sure in everything since then. Bilang lang yata sa daliri yung mga pagkakataong isang daang porsyente ng pagka sigurado ang meron ako.
It's not easy. Hindi talaga madali as in, yung tipong mangangamba ka na lang kasi hindi ka sigurado. Nakakatakot.
Nakakatakot yung pakiramdam na feeling mo hindi ka kompleto. Yung pakiramdam na you are lost in a wide forest na no hint or trace where the exit is.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatingala sa langit. Tila nagbabadya na naman ang malakas na ulan.
May dala kaya akong payong ngayon?
I sigh. May dahilan na naman ako kung sakali kung bakit di agad ako makakauwi sa bahay.
Sounds weird pero I find peace in the melody and gloominess of the rain.
Nare-relax ako everytime I hear the sounds coming from the drop of rains falling on the roof of my room.
Parang ang laya-laya nila. They have the so called freedom na hindi ko mahanap sa sarili ko.
Naramdaman kong may tao sa likod ko.I have a hint kung sino.
"Mage!"
"Huy Mage! Ano na naman bang pinag-iisip mo! Huy Damage!"
Nasapo ko ang ulo ko ng maramdamang may matigas na bagay ang humampas doon. Hindi ko pa man nakikita pero alam kong makapal na libro na naman yon.
Nilingon ko si Luis na aamba na naman ng hampas sakin ng dala niyang libro. Namilog ang mata ko ng makita ang hawak niyang librong ipinanghampas niya sakin kani-kanina lang.
Ang lakas din talaga nang loob ng isang 'to na hampas-hampasin ako ah.
Yung Algebra book na makapal na matigas ang pinaka front pa talaga.
Kahapon lang hinampas niya din ako nito ah! Nawiwili na ang bakla!
"Grabe kang bekibells ka! Kaya pala ang sakit ng impact! Grabe you wala ka talagang awa!" singkit ang matang lintaya ko kay Luis habang sapo-sapo ko ang ulong hinimpas niya ng makapal niyang Algebra book.
"Atleast pinansin mo na din ako. Ang kapal ng peslak mo na ignorahin ang presence ko!"
Here we go again sa mga alien words niya. Ewan ko ba dito at trip na trip ang beki words.
Honestly. Naririnig ko naman talaga ang pagtawag niya sakin kanina sino ba namang hindi maririndi sa boses niyang ang arte na naman pakinggan.
Nasa "hey, aym Luis the beki word fetish" mode na naman kasi siya.
"Bakit ba kasi ngayon ka lang ha?" tiningnan ko si Luis na naka-peace sign na sa akin ngayon. Akala naman ng bakulaw na 'to madadala niya ko sa paganyan-ganyan niya. Hmm!
Teka nga! Sinilip ko ang relong pambisig ko at tsaka napapadyak ng makita ang oras na naka-indika doon.
"Ala una ang usapan natin ah! Alas dos na Luisito Miguel!" nakita ko ang pagkurba ng ngiwi sa labi niya ng puno ng diing banggitin ko ang pangalan niya.
Kung may worst nightmare nga, ayan na yata yon para sa kaniya HAHAHAHAHAHAHA
Buti nga ganon ang pangalan niya. Hiya naman ang unique name ko.
"Tigil-tigilan mo 'ko dahil pati wrecking ball hindi mo pinaatras!"
"Ha? Kinalaman naman nang wrecking ball friend?" napapantastikuhan kong tanong sa kaniya.