2.

8 0 0
                                    


Inilapag na nung isang server ang pagkaing inorder ni Luis para saming dalawa.

Nanatili lang akong pinapanood ang pagbagsak ng ulan. Naramdaman kong inayos na ni Luis ang pagkain namin at maingay na inilapag niya ito sa harap ko.

"Ikain mo na lang yan Mage!" salubong ang kilay na wika niya at tsaka nagsimulang kainin ang pagkain niya.

"Luisito.." hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay nag-angat na siya nang tingin sa'kin. Seryoso na naman siya, nakakapanibago pa din pag ganito ang awra niya.

"Oo Mage, sasamahan kita. Kumain ka na, okay?" Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang sinabi niya, hindi pa man ako tapos magsalita ay alam niya na kung anong gusto ko o anong sasabihin ko.

I was really bless to have him beside me. Really bless na hindi ko alam kung paano ako magiging ganito katatag kundi dahil sa tulong niya.

He knows how broken I am. But I won't let him see how lost I am.

He was one of those people na nag stay sakin. Luisito Miguel is my angel and my best best best friend. Since day one nasa tabi ko na siya.

Alam namin ang bawat sekreto ng isa't-isa, ganon namin pahalagahan ang bond na meron kami. 

He will always be my best best best friend no matter what.

At natatakot akong paglaruan kami ng tadhana. Masyado kasing madaya yang bwisit na tadhanang yan eh. I don't want to be scared pero di ko mapigilan.

Wag naman sana. Kasi alam kong di ako susugal.

Binalik ko ang atensyon ko kay LM na ngayon ay masibang kumakain. Wow. Gutom na gutom na talaga siguro si kupal kaya dire-diretso ang subo ng pagkain.

Sinimulan ko nang kainin din ang pagkain ko, nakalimutan kong gutom na rin nga pala ko.

Nang matapos kaming kumain ay tsaka kami dumiretso sa station ng bus papuntang Tagaytay.

Yun kasi ang haven ko. And everytime I'm not okay isang lugar sa tagaytay ang pinupuntahan ko. Madalas kasama ko si Luisito Miguel pero minsan si Rengel naman.

Rengel is my girl best friend. Actually I treat her as a sister na parehas wala kami. Kaso wala siya ngayon, nagka-emergency kasi sila ng pamilya niya kaya kailangan nilang umalis.

"Damage, kailangan ko palang umuwi agad ha? Uuwi daw si Mama, wala siyang kasama sa bahay if ever kasi. Wala si Pa-"

"BAKIT DI MO AGAD SINABI!? LUISITO MIGUEL-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng takpan na niya ang bibig ko ng kaliwang kamay niya. Kakagatin ko na sana yon pero naalis na niya agad, masama ang tinging tiningnan ko siya na ngayo'y namumula ang magkabilang tenga.

Opps. Ano ginawa ko this time?

Iginala ko ang tingin ko sa loob ng bus at nakitang nakatingin sakin si Nanay na nasa tapat namin na upuan. Natatawa ito habang ang tingin kong apo niya ay tila curious na nakatingin sakin.

Kiming ngitian ko na lang din sila. Nang lingunin ko muli si Luisito Miguel ay kulang na lang ay idikit niya ang mukha niya sa bintana ng bus o kaya'y buksan yon at magpatihulog doon.

Napapitlag ako ng maramdamang may humihila ng t-shirt ko, nang tingnan ko ito ay nakita ko yung batang nakaupo sa tabi ni Nanay sa tapat namin. Nilingon ko si Nanay at binigyan siya ng nagtatanong na tingin.

She just smiled at me. Nang tingnan ko muli yung batang lalaki na nakahawak parin sa shirt ko ay nakangiti na ito sa akin. Sa tanya ko'y nasa tatlong taong gulang palang ito.

"Hi Baby boy! Ano ang kailangan mo?" nag-aalinlangan na tanong ko dito.

Inosente lang itong nakatingin sakin at tsaka maya-maya'y itinuro si Luis na nasa tabi ko, nilingon ko tuloy si Luis na nakatingin din pala sa bata sa harap ko.

"Batit mo tsa tinitigawan Ate?" inosente at puno ng kyuryosidad na tanong nito sakin. Napataas naman ang kilay na tiningnan ko si Luis na hindi napigilang matawa.

"Ako?" itinuro ko ang sarili ko tsaka muling nagsalita. "Kailan kita sinigawan ha, Luisito Miguel?" magkasalubong ang kilay na tanong ko kay LM.

"Ngayon ngayon lang." simpleng sagot lang nito at tsaka matipid na nginitian yung bata.

Nang tila hindi ko parin mahanap sa isip ko yung pagsigaw ko daw 'kuno' sa kaniya ay siya na mismo ang sumagot.

"Malakas ang boses mo kanina nung sinabi kong kailangan kong umuwi ng-"

"OO NGA PALA-"

Napapitlag ako ng maramdamang may mahinang hampas na dumapo sa binti ko.

"Ate wag ka po bad! Wag mo.. Wag mo po tigawan ti kuya!" bulol at pautal-utal na sermon sakin nung cute na bata.

Kung hindi lang 'to cute pinagulong ko na 'to palabas ng bus.

Sinamaan ko lang nang tingin si Luisito Miguel na tatawa-tawa sa tabi ko.

"Baby, mahina kasi yung pandinig ni Kuya kaya medyo malakas ang boses ni Ate." nakangiti kong paliwanag doon sa bata tsaka ko nginisian ang katabi ko na ngayo'y busangot na ang mukha. WHAHAHAHAHA Buti nga.

"Ah ganon po buh?" ibinaling nung cute na bata ang atensyon niya at tsaka muling nagsalita. "Tuya!" tawag nito kay Luis.

"Yes?" sagot ni Luis na giliw na giliw na nakatingin sa bata.

"Mag clean ta po ng ears mo ha? Para po marinig mo ti Ate agad." sensero at inosenteng wika nito kay Luis na siyang ikinatawa ko ng bongga.

Buong duration tuloy ng biyahe ay humahagikhik ako. Di ko talaga kineri si bulilit kanina na Trey pala ang pangalan. Sosyal bagay sa cute at poging face niya.

"Umayos ka diyan Damage ha!" saway sakin noh Luisito Miguel na kanina pa hindi maipinta ang mukha.

Kung pwede niya lang siguro ihagis si Trey sa labas ng bintana nagawa na niya. Haha

Nang silipin ko si Little Trey ay mahimbing na utong nakakandong sa Lola niya.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikgat ni LM na wala namang say, tsaka nagpatianod sa antok pero bago yon.

"Ulaga ka talaga Damage." bulong ni Luis na siyang narinig ko naman.

"Mas ka. Wag ka papatalo!" na siyang ikinatawa ko muli. Nawala tuloy antok ko hays






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost HeartWhere stories live. Discover now