Pahina 3~ Ang Kwentuhan

284 0 0
                                    

(Ang bata pa ang unang nag open ng topic) :D

"Ate ganda, 'san ka po umuuwi?" Ang curious na pagtatanong ng bata sa'kin.

"Diyan lang ..." Sabay ngiti ko.

"Saan pong diyan?" Ulit na pagtanong niya.

"Ah ... diyan lang sa may nagtitinda ng yelo katabi ng maliit na talipapa."

"Ahh! alam ko na po! Kapit bahay niyo po sila Aling Josie?"

"Oo! dun nga! Lapit lang noh?"

"Opo! hehe!"

" 'Kaw hija, 'san yung tirahan mo?" Balik ko namang pagtanong sa kanya.

"Taga Lopez street po ako."

"Layo pala! Bakit napapadpad ka dito?"

"Para po maglibang ..."

"Ahhh ... maaga ang uwian niyo ah. Kakainggit naman! hehe!"

(Tatanungin ko sana kung may assignment siya. Willing akong tulungan siya since wala naman akong homework ng biglang ....)

*PLOINK!!*

(Sabay namin tiningnan yung pinanggalingan ng narinig naming parang may bumagsak)

"Hala! anu yun??"

(Inabot niya yung saklay na nahulog sa pagkakatayo sa dingding)

"???" Taka ko siyang tiningnan.

"Sa-sa-iyo 'yan?" 'Di na ako nagdalawang isip pang tanungin siya sa nakita ko.

"Opo ...." Sabay yuko.

(Nakita ko ang bakas ng kalungkutan sa mukha niya. Ang mala-anghel niyang mukha ay naging tinderang nalugi na ang itsura)

"Nakita pa lang kita kahapon na nagpapalipad ng saranggola aahh!"

"At .. at ... nakita ko nakakatakbo ka pa. At walang dalang saklay!" Dagdag ko.

"Opo ate, malaya akong nakakapaglaro kahapon. eeehhh ... "

"Ehhh ano??"

"Kasi po, tulad ninyo ... hindi po ako nakatingin sa dinadaanan ko nung mga oras na nagpapalipad po ako ng saranggola ko."

"Oh, paano nangyari at naging ganyan ang kalagayan mo ngayon?"

"Ayun po! Hindi ko napansin may tribike pong parating sa dinadaanan ko."

"Tapos?"

"Hindi ko na po namalayan na ... yung dinaraanan ko po ay gitna na pala ng daan."

"Then?"

"Ehh ... nagtetxt po yung nagmamaneho ng tribike. Huli na po niya nakita na may tao sa daan niya. Tapos po ...."

"Ayt! 'wag mo ng ituloy .... Alam ko na ang susunod!" Singit ko.

(Bastos ko noh? haha! 'di ko na nagawang patapusin pang magkwento ang bata dahil baka maawa pa'ko 'di ko pa mapigilang umiyak)

"Nagmana ka pala sa'kin eh!" Patawa ko na lang.

"HAHAHAHA!" "Ahahahaha!" Sabay naming pagtawa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

END OF PAHINA 3

Mahal Kong Tatay WASALAK *MAIKLING KWENTO*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon