Pahina 4~ Ang Kwentuhan Part II (Ang Pagsisiwalat)

273 0 0
                                    

"Ilan taon ka na ba?"

"7 years old po ate ..."

(Curious lang. Hindi naman pagi-interrogate ang ginawa ko. Para patas kami. Nagtatanong siya, tatanungin ko din siya. ehehe!)

"Ilan kayong magkakapatid?" Tanong ko sa kanya.

"Nag-iisa lang po akong anak. "

"Ahhh ... parehas pala tayo. hehe!"

"Talaga po?"

"Oo, :)"

(Tumingin ako sa wrist watch ko)

"5:30 na pala..."

('di ko pa nga pala natatanong pangalan niya)

"Ano nga pala pangalan mo pateh?"

"Aleah po. Kayo po ate ganda?"

"Ako naman si Ate Joy."

"Ahh, sige Aleah, baka kasi hinahanap ka na ng magulang mo. Baka mapagalitan ka."

(Kalungkutan ang bumakas sa mukha niya)

"Oh, bakit Aleah? May problema ba?"

"Si tatay po kasi ...."

"Ano? Napano tatay mo?"

 "Kapag po kasi uuwi ako, naaalala ko si tatay, naiinis po ako eh."

"Bakit naman?"

"Kasi po WASALAK siya eh!"

"Ha?? WASALAK?!"

"Ano 'yung ibig sabihin non??" dagdag na tanong ko sakanya.

(Naguluhan ako dun ah!)

"WASALAK po?"

"Oo, Ano ba yun?"

"WAlang SAwa sa aLAK"

"Ahhhhh ...."

(Akala ko mura na ng mga modernong bata eh xD)

"Kuha niyo na po ibig kong sabihin ate Joy?"

"Medyo ..."

"Ganito po kasi yun ate ..."

(Gagabihin na kami ng uwi nito, hindi ko lang ma-interrupt si Aleah) >.<

"Ang tatay ko po kasi halos araw- araw umiinom ng alak. Hindi ko po alam bakit ginagawa niya 'yun. Samantalang kinuwento niya na po sa akin na pinaalalahanan siya ni lolo na 'wag na sana siyang tularan para hindi siya matulad sa sinapit niya."

"Bakit? Ano bang nangyari sa lolo mo?"

"Nagkasakit po siya. Malubhang sakit po sa atay. At ikinamatay niya 'yun."

"Ahh ... kawawa naman sinapit ng lolo mo. :("

"Ang dami-dami pong makukuhang sakit sa pag-inom ng alak, 'di po ba ate?"

"Oo! tama ka diyan!"

"Lam niyo po, minsan nagwawala pa siya. Nakakahiya po siyempre sa mga kapit-bahay. At ayaw ko pong nag-aaway at nag-sisigawan sila ni nanay."

" :(( "

"Etoh pa po, kung madalas pong naiinis ako kay tatay dahil sa mga ginagawa niya ... kapag  po nakakauwi siya, kung hindi po magsusuka, makikita ko na lang po na nasa sahig na nakatulog si tatay... at dahil po doon, mas nananaig po sakin na kaawaan ko po si papa. :(("

"Nakakainis talaga yung dinudulot ng alak sa lipunan! Perwisyo sila!!!" Nasigaw ko.

*TOINKSS!*

"Aray!!"

(May bumato sa akin ng kapirasong tinapay)

"Sinabi ng 'wag kang maingay eeehh!" Sabi ng lolo na nagkakape.

(Nanaman? Kainis oh! Moment ko 'yun eh! kainis!)

"Ayyy .... pasensiya na po lolo ..." Paghingi ko na lang ng pasensiya.

"Ate,..."

"oy? sorry ... anu ulit yun?"

"Kaya...... Kaya po ate tinatamad akong umuwi lagi eh. Nakakainis po kasing isipin na sa tuwing iinom si papa ng alak... hindi po siya nagtitira ng pang-uwi niya. Gusto niya ata laging gumagapang na halos hindi na magkanda gulapay."

"Bakit nga ba nahuhumaling ang halos mga kalalakihan sa alcoholic beverages? hmmm ...." Curious kong tanong.

"Kaya nga po eh! Samantalang ang baho-baho sa hininga non at ang pait pa! '"

"Hoy! teka! Aleah! nakatikim ka na ng alak????"

"AHAHAHAHAHA!"

"Bakit tinawanan mo pa ko?? pwera biro?"

"Hindi po ate :)"

"Weh?"

"Nalaman ko lang po dahil sa amoy niya. At naobserbahan ko lang sa mga nakakainuman ni papa, na nagiging panget ang itsura nila sa tuwing iinumin na nila ang alak. hehe!"

"Jusko! akala ko, sa kamusmusan mong 'yan namana mo agad yung asal ng tatay mo eh!"

"Kung naging lalake nga lang po ako? Malamang sa lasenggero na din po ako. Malamang sa magiging basagulero na din ako non!"

"Hoy! Aleah hop na! 'wag mong isipin ang mga 'yan. 'Di bagay sayo, ganda mong bata eh! Pag-aaral ang atupagin mo okay?  kabata bata mo pa eh! Ang matured mo ng mag-isip "

"Ate Joy, Kayo po... kung kayo ang nasa kalagayan ko, anong gagawin niyo?"

(Na-speechless ako. 'Di ko akalaing tatanungin niya ako ng ganun ka seryoso) 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

END OF PAHINA 4

Author's Note: Napasubo si Joy sa 7 year old. Nadaig siya sa pagharap sa realidad ng buhay. Ano nga ba ang gagawin ni Joy kung siya ang nasa lugar ni Aleah?

(Keep reading ....) ^_^

Mahal Kong Tatay WASALAK *MAIKLING KWENTO*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon