TEASER!

3.1K 53 7
                                    

It was a very sunny day. At lahat ng mag aaral sa paaralang iyon ay masaya at excited. Ito kasi ang araw ng Field trip nila kaya lahat ay magulo at hindi na makapag hintay.

"Students! Please,huwag magulo at pasaway. Dahil sa hindi kasama ang mga parents nyo ay kami ang naatangang bantayan kayo!" sabi ng isang guro. Nasa field sila at tinipon ang lahat ng Grade six. Ang mga grade one to grade five ay tapos na ang field trip kahapon lamang.

"May isip na kayo,alam nyo na ang tama at mali." sabi ng punong guro.

"Section one and section two sa unang bus kayo. Section three at section four sa ikalawang bus."

Nagmamadali na ang lahat na makasakay ng bus. Swimming kasi ang Field trip na iyon kaya ganon na lamang ang Adrenaline rush ng lahat.

Sa section one ay kabilang si Kyso. Isa sa pinaka mayamang estudyante. Sa section two ay nandun naman si Finn,isa sa pinakatahamik ngunit matalinong bata.

Bumiyahe na ang kanilang bus. Nagkakantahan pa sila,ang bawat isa ay mayroong kakwentuhan.

"Kyso! Bakit kaya hindi natin kaklase si Finn eh ang talino nya?" tanong ng isang estudyante.

"Dahil mahirap sya." ang simpleng sagot ni Kyso. Nadinig ito ni Finn na nasa unahan lamang nila.

Masakit iyon para sa kanya ngunit kailangan nyang balewalain. Pagka graduate naman ng grade six ay hindi na nya makikita pa ang mga ito.

Nasa kasagsagan ng byahe ng biglang may malakas na busina silang narinig. Huli na ang lahat para iiwas ng driver ang bus. Bumagsak ang bus sa isang hindi naman masyadong malalim na bangin.

Mga ungol at iyak ang maririnig sa bawat isa. Mga humihingi ng saklolo.

"Ilabas na natin ang mga bata!" ani ng driver. Mabuti na lamang at walang binawian ng buhay sa kanila. Puro lamang sila sugatan.

Ang mga sakay ng ibang bus ay tumulong na din.

"Ugh! Ang paa ko!" mahinang sabi ni Kyso na naipit pala kaya hindi nakita at naisama sa mga nailigtas.

Nadinig iyon ng papalabas na sana at i-ika ikang si Finn. Bumalik sya sa loob ng bus para tulungan si Kyso.

"Finn! Baka sumabog na ang bus!" sigaw ng teacher ng section two.

Umuusok na nga ang bus na nakatagilid. Ngunit mahalaga kay Finn ang buhay ng kapwa nya estudyante. Kahit mahirap gumalaw sa nakatagilid na bus ay nilapitan nya si Kyso.

"Tutulungan kita. Baka sumabog na ang bus." aniya habang itinutulak ang dumagang upuan kay Kyso.

"Maraming salamat!" ani Kyso ng tuluyan ng matanggal ang pagkakadagan ng upuan sa kanya.

"Kailangan na nating lumabas!" bulalas ni Finn. Nagliyab ang unahan ng bus at nadinig nila ang mga sigawan sa di kalayuan.

"Hindi na tayo makakalabas dito! Ang sakit ng paa ko!" inda ni Kyso. Mabilis na nakapag isip si Finn.

At sa isang iglap ay sumabog na ang bus.

AN/ YAN PO ANG SIMULA NG PAGKAKA KILANLAN NILA. ABANGAN ANG MGA SUSUNOD NA CHAPTER :)

I Fell Inlove With My Bestfriend! (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon