BF wan!

2.8K 57 32
                                    

Nagising ako sa malalakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Pagmulat ko ay agad kong tiningnan ang oras sa phone ko,past 3AM na.

Sino naman kaya itong istorbo na kumakatok?

Agad akong tumayo at binuksan ang pinto para malaman kung sino ito.

Napagbuksan ko ang isa sa mga katulong namin na namumutla na.

"Anong nangyari at namumutla ka?" taka kong tanong kanina.

"Eh kasi Sir,papatayin ko na sana ang lahat ng ilaw ng maalimpungatan ako. Pero,nasa sofa pala nakatulog si sir Finn." agad nitong sabi. Nagsalubong ang mga kilay ko.

Akala ko nakauwi na ang mokong na iyon?

"Oh? Anong problema dun? Alam nyo namang may karapatan sya sa bahay na ito dahil bestfriend ko siya." ang agad ko ding sabi.

"Sir! Binabangungot sya! Ginigising namin pero hindi magising!" ang maiyak iyak nitong sabi.

"Shit!" para akong natuyuan ng dugo sa narinig. Agad akong nanakbo pababa sa living room. Pinapalibutan si Finn ng mga maids namin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,natatakot ako.

Lagi syang nagkakaganyan pag nakatulog ng pagod,binabangungot sya ng nakaraan namin.

"Wui! Finn! Gising!" tapik ko sa pisngi nya pero panay ungol lang sya. Kinabahan na ako ng husto.

"Kukuha akong posporo!" sabi ng boy namin at agad umalis,ng bumalik ito'y binigyan ako ng isang palito ng posporo.

"Hawakan nyo sya," sabi ko. Hinawakan ko ang isang paa ni Finn,inilagay ko sa pagitan ng hinlalaki nya at ikatlong daliri ang palito.

"Aray!!" sigaw nya at napabalikwas ng bangon. Saka nya kami isa-isang tiningnan. "Dito na pala ako nakatulog."

Agad ko syang tinabihan at binatukan. "Sa susunod,kung hindi mo kayang umuwi at inaantok ka,tumabi ka na lang sa akin ulit,paano kung bangungutin ka na naman? Buti na lang naalimpungatan si Mary."

"Pasensya na. Inantok na talaga ako. Hindi ko naman alam na dadalawin na naman ako ng panaginip na yon." sagot nya. Bumuntong hininga ako at sumenyas sa mga kasambahay na matulog na sila.

"Haay! Lagi mo akong tinatakot at pinapakaba. Tara na sa kwarto." ani ko at tumayo na,tumayo na din sya,inakbayan at hinalikan ako sa pisngi. Kung iba makakita iisiping bakla kami,pero normal na iyon sa aming dalawa,we do things na hindi normal sa iba.

"Mahal mo talaga ako Kyso! Ang swerte ko sayo." aniya.

"Lul! Nambobromance ka na naman. Tara na,antok pa ako."

Nang makahiga na kami sa kama ko ay agad nakatulog si Finn. Ako naman ay gising na gising at binabantayan sya.

Mula ng mailigtas ako ni Finn dati sa pagsabog ng bus,naging malapit na kami. Malaki ang naging puwang nya sa puso ko habang lumalaki kami. Don't get me wrong,ang ibig kong sabihin ay attached na ako sa kanya,mahal ko sya not in a romantic way,he's my hero. Mahal sya ng parents ko at ganon din ang parents nya sa akin.

Hindi ko nga akalain na pwede kang ma attached ng ganung katindi sa pareho mong kasarian. Pero ganon talaga,malalim ang pinagsamahan namin,kaya nga kami bestfriend eh.

Naalala ko pa kung paano nya ako itulak nun sa bintana ng bus kahit may pilay ako,tas tumalon din sya at hinila ako palayo ng biglang sumabog ang bus nun. Nadulas sya at pareho kaming nagpagulong gulong sa isang pang bangin.

Nawalan kami ng malay,at ng magising kami ay gabi na. Pareho kaming nalungkot dahil walang nakakita sa amin,inakala siguro nila na kasama kami sa sumabog na bus. Pero sadyang matapang si Finn at malakas ang loob. Naghanap kami ng maayos na daan para maka alis sa bangin. Tinalunton namin ang ilog kahit ika ika akong maglakad. Hanggang sa nakarating kami sa gilid ng kalsada,swerteng may dumaang truck,naawa sila sa amin at dinala kami sa ospital,dun na namin pinatawagan ang mga magulang namin.

I Fell Inlove With My Bestfriend! (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon