P A R T 3 --
After the morning classes, nag punta na si Claire at si Eleanor sa canteen to meet Ranz and his bestfriend Tim. Napag usapan nila habang kumakaen ang kung ano ang paniniwala nila sa LOVE. Dinidiin ni Claire na maraming man lololokong tao mapababae o mapalalaki man.
"Alam mo, wala ng babaeng seryoso sa lalaking hindi kuntento." - Claire
"Everyone deserve a second chance, but third chance is abused, kaya kung nagawa kang lokohin ng ex boyfriend mo nuon, at totoo naman ang sorry nya, bakit hindi mo subukan bigyan ng second chance." - Eleanor
"Bes? ano ba? nag second chance nako, nag third, nag fourth, pero ano? wala paren nag bago. Pakinggan mo ko, kung nagawa na sayo nang una, hindi na mahirap sa kanya na gawin ulit sa pangalawa." - Claire
"haha. Hindi naman lahat Claire ng lalaki, man loloko may ilan paren samin na maayos at kayang makuntento, sige sabihin na naten marame, pero hindi lahat." - Ranz
"Ang mundo ay isang malaking manukan, maraming chicks, kaya ikaw 'te? paka ostrich ka." - Eleanor
"Walang mag lalande kung walang nag papalande, ganun lang yun pare." - Tim
"Hiyang hiya naman ako Tim, kaya pala dalawa girlfriend mo, pinag mamalaki mo pa, kung hindi ka ba naman abnormal." - Claire
"Ganun talaga pag pogi." - nakangiting sabi ni Tim.
"Oo, pag pogi kase, walang ibang ginawa kundi mag pa-pogi." - Claire
"ang hilig nyo mag bulyawan. haha." - Eleanor
Halos nakalimutan nalang sabihin ni Eleanor na nalaglag ni Ranz ang panyo nya, hanggang sa natapos nalang ang recess at natapos na ang klase, kaya naman tinawagan nya si Claire para sabihin na nakuha nya ang panyo ni Ranz.
"oh talaga?! nasayo panyo nya? ano naman sakin?" - Claire
"Ang sungit nito, nahulog kase nya, ibabalik ko sana, pero naisip ko din na wag nalang, ingatan ko nalang 'tong panyo nya." - Eleanor
"Oo bes, maganda nga kung sayo nalang yan. haha. oh pano? bukas nalang ulit ah." - Claire
Kinabukasan sa school: Niyaya ni Ranz si Eleanor at si Claire na sumama sa party this night. Pumayag naman sila dahil nahihirapan tumanggi si Eleanor kay Ranz at mahilig sa outing si Claire. Nag party sila sa isang bar, may mga lasing na, at may sintunado na sa pag kanta. Hanggang sa napagtripan sila ng matatanda sa loob ng Bar, tinutukso sila at aambahan ng suntok si Ranz, pinipigilan naman ni Tim ang matanda at ganun din naman si Eleanor pinipigilan nya si Ranz. Nakainum na kase si Ranz at Tim ng oras na yon, habang nakaalalay si Eleanor kay Ranz ay narinig ni Eleanor kung ano ang mga pinag sasabi ni Ranz. Nalaman nya na may ibang boyfriend ang girlfriend nya na si Lily, kaya naisip na mag yaya na mag karuon ng party.
Sa iskwelahan dalawang recess time na nilang hindi kakasabay kumain si Ranz, tinanung nila Eleanor ang mga Prof ni Ranz kung pumasok ba sya ng dalawang araw matapos yung party. Nalaman nga nila na two consecutive days ng hindi pumapasok si Ranz, naisipan ni Claire na bumisita kila Ranz para malaman kung ano nang yare.
Pag dating nila sa bahay ni Ranz, nag door bell sila at walang sumagot, inulit nila ang pag door bell at walang sumagot, sa pangatlong pag kakataon sinubukan ulit nila ng bigla silang nakarinig ng pag-ubo. Napag disisyonan nilang dalawa na dumeretso nalang sa loob ng bahay. Binuksan nila ang pinto at dumeretso sa kwarto ni Ranz, nakita nila si Ranz na may sakit, mataas ang lagnat.
"Ranz? sino kasama mo?" - Eleanor
"Wala akung kasama, bumalik na kase sila Mommy sa states bago tayo pumunta nang party" - Ranz
"Dalawang araw ka na kase hindi pumapasok nag aalala na kame." - Eleanor
"Pasensya na kayo sakin, nilagnat kase ako." - Ranz
"Walang naiwan sayo dito? sino umaasikaso sayo?" - Eleanor
"Ako lang, kaya ko naman kumilos kahit papaano" - Ranz
"Ranz, yung tshirt mo, yan pa yung suot mo nung nasa party pa tayo, sigurado ka ba na naalagaan mo talaga sarili mo?" - Claire
"Oo, kaya ko sarili ko." - Ranz
"Hindi, hindi mo kaya! ako na bahala sayo, kailangan mo lang gumaling agad, para makapasok ka na din." - Eleanor
"Hindi mo na kaylangan gawin yun sakin, kaya ko naman." - Ranz
"Hindi mo nga kaya, hayaan mo na tulungan kita, yaan mo na alagaan kita. Alam ko masakit na may iba syang boyfriend bukod sayo, pero sana wag mong patayin yung sarili mo, may mag mamahal pa sayo hindi lang sya tao sa mundo, kung hindi mo kayang alagan sarili mo, yaan mo ako, ginagawa ko naman lahat ng kaya ko makatulong sayo eh, kaya sana bigyan mo ko ng pag kakataon, kahit ngayon lang." - naiiyak na sabi ni Eleanor
"Osige, ikaw bahala." - Ranz.
Gabi na nang naubutan nilang nilalagnat si Ranz, kaya naman naiwan na si Eleanor sa bahay ni Ranz para alagaan sya. Pinunasan ni Eleanor ang katawan ni Ranz para luminis, pinalitan ng damit, pinag luto ng noddles at pinakain.
"Ayan, mainit na sabaw, para mas mabilis ka pag pawisan, tapos patayin mo 'tong elektipan mo ng mas lalong mabilis ka pag pawisan, tapos itong tubig na 'to ubusin mo ah, effective yan para gumaling ka kaagad, pag tapos mo kumain, pwede mo ng inumin 'tong gamot mo." - Eleanor
Habang kumakaen si Ranz, napansin ni Eleanor na naluluha ang mata ni Ranz, kaya naman tinanung nya si Ranz kung ano ang problema, ayaw sumagot ni Ranz at matuloy paden sa pag hipan sa sabaw ng noddles, kaya naman hinayaan muna ni Eleanor si Ranz mag isa.
"Uhmm.. Ranz, lalabas lang muna ako. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka anjan lang ako sa labas ng pinto." - Eleanor
Tumango lang si Ranz at lumabas na si Eleanor, maya maya, narinig nya ang hagulgol ng iyak ni Ranz. Wala syang nagawa kundi ang mag hintay lang at pabayaan muna si Ranz.
"Mahal na mahal ni Ranz si Lily, pero niloko sya, sana may karapatan din akong sabihin na sobrang sakit din sakin na sasaktan sya. Kaya lang kaibigan lang kase ako. Masakit sakin kaya lang walang wala akong magawa. Kung paanong nasasaktan ang taong mahal mo, doble ang sakit sayo na nag mamahal duon sa taong mahal mong nasasaktan." - Eleanor
-- Ipag papatuloy --