P A R T 4 --
Nakatulog nalang si Eleanor sa tabi ng pinto ng nakaupo, nang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata nya, nagising sya nagulat na may pasok sya, nang bigla nyang naalala na may ninaalagaan sya. Pumasok na si Eleanor sa kwarto at nakita nya natulog pa si Ranz, nainom naman ni Ranz ang gamot at nabawasan naman ng marami ang pag kain nya, katulad ng sabi ni Eleanor sinikap na maubos ni Ranz ang isang malaking bote ng tubig, dahil dito napangiti at natuwa si Eleanor, nang biglang gumising si Ranz at nag tanong.
"Eleanor? pumasok ka na, okay na pakiramdam ko." - sabi ni Ranz
"hindi okay lang na makaAbsent ako ngayon wala naman quiz, babawiin ko nalang sa ibang araw yung pag papasa ng assignment. Maniwala ka, okay lang talaga, ang gusto ko, gumaling ka na uli." - Eleanor
"haha okay na ako." - Ranz
"Sige, last na talaga 'to pag tapos mo kumaen inumin mo na 'tong gamot mo, mag tubig ka paren ah." - Eleanor
"Oo sige, salmat sa pag aalaga, bukas papasok nako." - Ranz
"Sige, sigurado ka ah, text ka lang sakin kung kailangan mo ng tulong, ako na bahala sa load mo, dyan ka nalang at mag pahinga." - malumanay na sabi ni Eleanor
"Salamat Eleanor" - Ranz
Makalipas ang isang araw na wala parin si Ranz, nakita nila Eleanor at Claire si Tim, nilapitan nila at tinawag, humiram ulit si Tim ng phone at nakitext ulit kay Eleanor.
"Pa-text nga ako tropa, isa lang." - Tim
"Oh ayan, tetext mo nanaman mga girlfriend mo, take note.. MGA GIRLFRIEND." - Eleanor
"haha hindi ah. Tropa lang 'to Eleanor" - Tim
"Weee? utot mo kulay blue." - Claire
"Ano nanaman bayon Claire? kontra bida talaga 'to masyado kang napopogian sakin, hindi tayo pwede Claire, muka kaseng bangus na may bangs. hahaha. biro lang ah, baka magalit ka." - Tim
"Hoy! mag dahan dahan ka nga sa mga jokes mo, hindi lahat ng joke nakakatawa, minsan nakakasakit na, pag mag bibiro ka, pag isipan mo munang maige, because words can change things" - Eleanor
"Sorry na nga eh." - Tim
"Nakakaasar ka talaga eh 'no? sana kainin ka ng lupa." - Claire
Pag tapos ng dalawang araw sa school, nakasabay na ulit nila si Ranz sa pag kain sa canteen, masigla na at malakas.
"Pre! napanuod ko, ang lupit talaga ni Idol mag shoot ng bola." - Ranz
"Ano ka ba? tsamba lang nya yun, mas magaling parin ang idol ko sa idol mo." - Tim
"Oo nga pala, thankyou sa pag aalaga mo sakin Eleanor." - nakangiting sabi Ranz
"haha wala yon, natural yun." - Eleanor
"Oo nga pala mga tropa! nag kaayos na kami ulit ni Lily, sobrang saya ko talaga ngayon, di ba nga? everyone deserve a second chance?" - Ranz
Nang sinabi ni Ranz ang tukol sa bagay nayun, tinignan ni Claire ang mata ni Eleanor, nakangiti si Eleanor pero kita nya sa mata nito na nasasaktan ang kaibigan nya.
"Oh? sana hindi nya lang talaga ulitin yan sayo." - pahabol ni Tim
"Uy! guys.. wait lang ah punta lang ako sa CR." - Eleanor
"Sige, ako din." - Claire
Nag punta na si Eleanor at Claire sa CR. hindi naman talaga sumonod si Claire para mag CR talaga, nararamdaman kase nya na hindi maganda pakiramdam ng kaibigan nya.
Nakaharap lang si Eleanor sa salamin at tulala, hinawakan ni Claire sa balikad si Eleanor at nag simulang umiyak, niyakap sya ni Claire para guminha ulit ang pakiramdam ni Eleanor.
"Bes, isang pinaka magandang gamot ang pag iyak." - Claire
Pinigil ni Eleanor ang pag iyak at dumukot sa bulsa, kinuha ang panyo at ipinunas sa muka nya.
"Panyo ni Ranz yan di ba bes?" - Claire
"Ahm.. ito? oo, panyo nya 'to, kada luha nalalabas sa mata ko, dito ko iipunin." - Eleanor
"Sige bes. oh paano? tara na ulit sa labas?" - Claire
Muli ng bumalik si Eleanor at si Claire sa upuan nila. Napansin ni Ranz na namula ang mata ni Eleanor, tinanung nya kung umiyak ba si Eleanor, umiling lang sya at nag sabi ng okay lang sya.
"Okay lang daw sya? weeee di nga? inaway ka ng boyfriend mo? asan? aawayin ko din." - Ranz
"Ogag! wala akong boyfriend" - Eleanor
"Okay lang yan, mahahanap mo din sya, wag ka lang mawalan ng pag asa, hindi mo kailngan mag madali, dadating din sya." - Ranz
"Ano ba iniyak iyak mo Eleanor?" - Tim
"Wala ngeee po, hindi nga ako umiyak." - Eleanor
"Mapilit ka Tim? sundutin ko kaya ng stick yang mata mo." - Claire
Natapos na ang araw at umuwi na sila sa kanikanilang bahay. Nang gabi, biglang may number na nag text kay Eleanor na hindi pamilyar sa kanya.
Text mssg:
pre' ok n kme uli ni lily ako tlg gsto nia .
At may pahabol na
Text mssg:
X send
Malalim na naisip ni Eleanor na si Ranz ang nag text sa kanya kaya sinubukan nya mag reply kung sino ang nag tetext sa kanya, subalit hindi na 'to nag reply sa mga text ni Eleanor.
Tinawagan ni Eleanor si Ranz, pero walang sumasagot sa phone nya. Sinubukan din nya tawagan si Tim para tanungin kung nag palit na si Ranz ng number o may ibang number.
Riiingggg Riingggg.. Riinngggg Riiinnggg..
"Uy Eleanor, napatawag ka. Sorry ah, pero hindi tayo magkakarinigan maingay dito, sige na bbye na, ako nalang tatawag sayo ulit." - Tim
"Uy! teka!" - Eleanor
Naibaba na ni Tim ang phone nya kaya huli na ng nasabi ni Eleanor ang gusto nya itanong.
Sinubukan naman nya tawagan si Claire subalit bussy ang number. Binitawan nalang ni Eleanor ang phone nya at nag pahinga nalang.
Sa kabilang banda mag kausap ang mag pinsan sa cellphone.
"Claire? nakita ko si Ranz." - Joyce
"Saan? saan mo sya nakita?" - Claire
"Nakita ko sya sa waiting shed near at the bar sa bayan." - Joyce
"What?! nag inom nanaman sya?" - gulat ni Claire
"I guess oo, kase intensyon nya mag pasagasa, pinigilan lang sya ng mga nakakakita sa kanya, ganun ba talaga yun pag nalalaseng?" - Joyce
"Parang alam ko na! sige pinsan i'll call you back later, may aasikasuhin lang ako." - Claire
-- Ipag papatuloy --