Part6

17 0 0
                                    

P A R T 6 --

Lumipas nalang ang ilang araw at natanggap at marami narin ang nakatanggap sa pag kamatay ni Lily. Kasabay ng pag lipas ng panahon naganap na ang kaarawan ni Claire, handaan, katuwaan at selebrasyon.

"Ano nagustuhan mo ba?" - Eleanor

"Oo naman bes! alam mo naman na paburito ko talaga 'tong sapatos na 'to, kaya nga gustong gusto ko na iregalo mo sakin 'to eh. ThankYou talaga. Iingatan ko talaga 'to." - Claire

"Yan yung dahilan kung bakit maaga akung umuwi nung nakaraan, para mabili yan, syempre hindi na kita sinama, maaga ka din kase umuwi nung araw na yun di ba? tsaka panget kung bibili ako ng gift na alam mo na kung ano ireregalo ko.'' - Eleanor

"Eh alam ko naman talaga eh, nirequest ko kase sayo." - Claire

"haha. Oo nga 'no? Uhmm.. itatanong ko lang sana sayo Claire kung bakit inimbita mo  pa si Tim sa Birthday mo?" - Eleanor

"Ah! sya ba? eh kase, hoping ako na mag kausap sila ni Ranz, pero mukang malabo, mag kalayo kase sila oh." - Claire

"Pabayaan mo na, andyan na sya." - Eleanor

Sa sobrang saya, nag kuruon ng trip ang mga barkada ni Claire na mag punasan ng icing sa muka, humantong sa batuhan dumating sa puntong may tulakan na. Nag katamaan si Tim at Ranz, nag katulakan at nag kapikunan dahilan para sila'y mag away. Pinangunahan ng suntok sa muka si Ranz at gumanti naman sya, napansin ng mga kaibigan nila na hindi na lumalaban si Ranz kay Tim, dahilan para sya ay mabugbog. Agad na inawat ng mga kalalakihan ang dalawa.

"Wala akong paki-alam kung may sama ka ng loob sakin, dahil nakisama ako sayo, pero hinayaan mo ko, hindi ka kaibigan Ranz." - Tim

Tinapos na ni Claire ang party, kaya naman umuwi na mga kaibigan nila. Lumapit si Eleanor kay Ranz para itayo, at inuupo sa upuan nila Claire, nakatingin lang si Eleanor kay Ranz ng malungkot.

"Ayos lang ako Eleanor." - Ranz

"Ilang beses ka na nag sabi ng okay ka lang kahit hindi? minsan, hindi mo na kaylangan pang itago ang sakit sa taong alam mong maiitindihan ka, sinabi ko naman sayo na handa ako tumulong di ba?" - Eleanor

Walang naging sagot si Ranz kay Eleanor, kundi tumango lang ng mahinhin. Nag disisyon si Eleanor na umuwi na sila ni Ranz, si Eleanor na mag hahatid kay Ranz, ayaw sana pumayag ni Claire, pero mukang kailangan nga na mag hiwahiwalay muna
sila. 
Bago umuwi si Tim sa bahay nya, nag inum muna sya sa bar, nag inum ng nag inum hanggang malasing sya ng sobra sobra. Sa pag uwi nya, habang nag lalakad sa kalsada, malabong malabo na ang paningin nya sa daan at halos hindi na nya marinig ang paligid, at pansin nya na umaagas ang dugo nya sa ulo papuntang leeg, napaluhod at tumumba. sa huling mag kakataon sa pag kakalabo ng mata nya, napag tanto nya sa harapan nya ang isang tubo at isang tao sa harapan nya, kung saan hinila ang paa nya at dinala sya sa hindi nya malamang lugar.

Kinabukasan ng umaga, hirap na hirap bumangon si Eleanor sa higaan nya, tamad na tamad kumilos at ayaw pang kumaen. Nang may nag text sa kanya at agad na agad nag madali sa pag kuha ng phone at nag babakasakaling si Ranz ang nag text. 

Text Mssg:
"sn k dw sb ni cler . bkt d k dw pmsok ng frst sub nyo" - Ranz
 

Matutuwa na sana si Eleanor nung si Ranz ang nag text, kaya lang request pala. Agad na syang tumayo at nakita ang oras na late na late na sya, naligo, nag sipilyo, namalantsa, kumaen, umalis, nag hintay ng jeep at nakasakay na. 

"Waaaaa! MyGoodness! umabot ba 'ko?"  - tanong ni Eleanor

"Yup! and guess waht bes! first time to the history ko na naisuot ang paburito kung shoes! thankyou talaga!" - Claire

"Napag usapan na naten yan di ba? sabi ko wag mo papalitan yung sintas nyan?" - Eleanor

"Ay? hindi ba maganda? bagung gawa lang yung sintas nito 'no! nakasulat yung name mo dito tsaka name ko." - Claire

"talaga?! sige bes! ang ganda ganda na!"  - Eleanor

"o di ba?" - Claire

"Oy guys? alam nyo na ba?"  - Ranz 

Ibinalita ni Ranz na mag kakaruon daw ng meeting ang mga magulang. At naisip nya kung sino sa pamilya ni Ranz ang pupunta sa kadahilanan na nasa state na mga magulang nya.

"Edi nganga ka! ako may pupunta naman magulang sakin, kahit naHighblood sya sakin dahil sa ayaw nyo kagabe ni Tim." - Claire

"Ako din si Mama, ang pupunta sakin" - Eleanor

"Kayo na! haha. ako sa bahay lang ako." - Ranz 

Matapos ang ilang klase ganon din sa lunch time nila, napag disisyonan nila na pumunta ng mall. Agad naman sila pumunta at nag kabonding, ng hindi sina sadya ni Eleanor na nasabi  nya na MAHAL na MAHAL nya si Ranz, napatingin lang si Ranz sa kanya at natawa lang, patuloy na nag ikot at nag saya.

"Hmm.. mag kakaruon pala kame ng laro sa susunod na araw nila Tim. Hihingi nako ng tawad sa kanya, mali man ako o tama, gusto ko lang na mag kaayos na pag kakaibigan namen." - Ranz

"Good idea, pag nakita naten sya mamaya, samahan ka namen." - Claire

"Tsak! mag kakaayos din kayo ni Tim, hindi ka din non matitiis." - Eleanor

"Salamat sa pag papalakas ng loob, pero mukang kailangan ko ng umuwe. Paano? mauuna na ko sa inyo ah." - Ranz

"Sige, mag iingat ka ah." - Eleanor. 

Umalis na si Ranz, at si Eleanor at claire nalang naiwan.

"Claire bes, bigyan mo ko ng lakas ng loob." - Eleanor

"Na ano bes?" - Claire

"Bigyan mo lang ako ng lakas ng loob na masabi sakanyan kung gaano ko sya ka mahal." - Eleanor

"Aaminin mo na?!" - Claire

"Uhmm.. ganun na nga. Bahala na kung ano mang yare, matagal na kaseng nasa dibdib ko ang bagay na 'to, panahon na siguro para pakawalan 'to." - Eleanor

"Osige, pero.. hanapin muna naten si Tim para maayos na sila." - Claire

                                                                                       -- IPAG PAPATULOY --

The Red Ribbon.Where stories live. Discover now