1. Archlight

43 2 0
                                    

Paano masusubok kung hanggang saan at kung ano ang kayang gawin ng isang tao upang makuha ang kanyang gusto? Paano?

Paano maabot ang mga bituin? Kung wala na sila para abutin. Parang bula, kung kelan malapit nang mahawakan ay biglang maglalaho.


                                                                         January 20, 2080

Nag iisa ako at nabibingi sa katahimikan ng paligid. Nakatitig sa kisame at napapaligiran ng apat na puting pader. May mga nakasulat sa maliit na screen mga numerong "01-20-2080". Kung hindi ako nagkakamali ito ang petsa ngayon. Marami ang nabago sa panahong ito, matataas na gusali, mga lumilipad na sasakyan. Hindi ako makapaniwala sa pinagbago ng Archlight.

Biglang bumukas ang pinto. Saan kaya ako dadalhin ng mga gwardya? Mukhang sila ang nagsisilbing tagapag patupad ng kapayapaan sa panahong ito. Kapayapaan nga ba? Kakaiba ang pananamit nila, black armor suit at helmet. May mga hawak silang lazer blaster. Alam ko kasi nabaril ako ng isa sa kanila. Bago pa man nila ako ipasok sa makabagong kulungan ay dinala nila ako sa clinic. May pinahid na ointment ang nurse sa tama ko sa kaliwang balikat at ang malaking sugat ay gumaling nang wala pang isang minuto.

Dinala nila ako sa pantry. Kinakabahan ako pero pilit kong pinapakita na kalmado ako. Bakit ba ako napunta sa sitwasyong ito?

Dahil ilang oras narin akong hindi kumakain ay kumuha na ako ng pagkain sa vendo. Hinihingi ng vendo ang thumb print ko, inilapat ko ito sa screen. "User does not exist" ang lumalabas sa screen. Kelangan ng thumb print ko upang makapagbayad. Buti nalang may lalakeng lumapit sakin at sya nagbayad ng 'peso credits' para sa pagkain ko. Ang thumb print ang nagsisilbing identification at credit card sa panahong ito. Nakalagay sa national database ang lahat ng impormasyon ng bawat tao na matutukoy lamang gamit ang kanilang thumb print.

"Ako nga pala si Jason. Mukhang bago ka dito ah." sabi nya habang punong puno ng pagkain ang bunganga. "Tulungan mo akong makalabas dito, at makabalik sa 2020" nagmamakaawa kong hiling sakanya. "Hahah nagbibiro ka ba?" "Mamatay ka muna bago ka makalabas dito. Nakita mo ba ang mga Oathkeeper na yan?" Oo yang mga gwardya na yan. Di sila magdadalawang isip na pumatay. Katulad ng ginawa nila sa mga kasamahan ko." Nakita ko ang lungkot at galit sa mata nya pagkasambit niya nang huling pangungusap.

Si Jason ay may katangkaran at may kayumanging balat, medyo kulot ang buhok, katamtaman ang pangangatawan at may peklat sa kaliwang bahagi ng mukha na mukhang galing sa sugat dulot ng espada o kutsilyo. Siya ay miyembro ng Night Prowl, grupo ng rebelde na timataliwas sa pamamahala ng Imperial Government ng Pilipinas. Hindi makatao ang mga gawain nila. Isa na rito ang pagkidnap at pag-brainwash sa mga taong di sang ayon sakanila. Ang iba naman ay ginawang Humanite o cyborg, kalahating tao at kalahating makina. Karamihan sa mga Oathkeeper ay Humanite at wala silang ibang ginawa kundi sumunod sa nakakataas sa kanila. At lahat ng ito ay naging posible dahil sa kompanyang Archlight, ang kumpanya na kung saan ako na ang CEO sa 2020.

Nagulat ako sa mga sinabi ni Jason. Naputol ang paguusap namin dahil may gulo sa kabilang mesa. Nung napasulyap ako, namasdan ko ang isang babae, maganda at maamo ang kanyang mukha, mahaba ang buhok. Bigla silang nagsuntukan ng isa pang babae na di hamak na mas malaki kesa sa kanya dahil kinuha nito ang pagkain nya. Sinuntok siya nito ng malakas. Tumilapon siya sa kabilang mesa. Pinagtawanan siya. Bumangon siya at biglang naging bakal ang kamay. May lumabas na mahabang patalim sa gilid ng kamay niya. Tumakbo sya ng mabilis palapit sa malaking babae at pinutulan nya ito ng braso. Bago pa niya muling gamitin ang patalim ay kinuryente sila ng mga nagbabantay na Oathkeeper at inilabas sa pantry. Sino kaya ang babaeng iyon? Nagtatago sa maamo nyang mukha ang isang mabagsik na pwersa siguro dahil isa siyang Humanite.

Tinuloy namin ni Jason ang aming pag-uusap. "Teka ano nga ulit ang pangalan mo? at nasabi mo galing ka sa 2020." nagtatakang tanong ni Jason. "Ako si Andrew, CEO ng Archlight sa taong 2020." sagot ko.

"Totoo pala talaga ang mga sabi sabi tungkol sa Silver Shell, isang capsule na kayang dalhin ang isang tao sa nakaraan o sa hinaharap. Maswerte ka at isa ka sa mga nakagamit noon" namamanghang pagsasaad ni Jason.

"Kung ma swerte ako, wala sana ako dito" naiinis na sagot ko. "Paano ba pinapagana yon? at paano ko magagawang bawiin yon sa mga Oathkeeper.

"Sandali, paano ka ba napadpad sayo ang Silver Shell, ikwento mo nga" nagtatakang tanong ni Jason habang nakataas ang kaliwang kilay.


                                                                           January 20, 2020

Nagising ako sa aking higaan, nakatingin sa kisame. Bumangon ako para maghanda dahil papasok ako sa opisina. Masayang masaya ako dahil ito ang araw na i po-promote ako as CEO ng Archlight. Naghirap ako, nandaya kung kinakaylangan. Lahat handa kong gawin para lang maabot ang posisyon na iyon. Wala akong pakialam kung may matatapakan akong ibang tao.

"Salamat Jerome, naging loyal kang assitant saken at dahil jan tataasan ko ang sahod mo" pagmamayabang ko sa assistant ko. "Maraming salamat Sir Andrew, handa akong gawin lahat ng iuutos nyo, Congratualations sir!" masayang tugon ni Jerome.

Habang nakaupo ako sa office ay biglang tumunog ang telepono. Sinagot ko ito. Sa pagbigkas nya ng unang salita ay alam na alam ko na kung sino, walang iba kundi ang aking ama. Binagsakan ko siya ng telepono. Ayoko siyang makausap. Galit parin ako sakanya dahil pinabayaan niya kami ni Mama maliit palang ako. Siya ang sinisisi ko kung bakit wala na si Mama. At ngayong mataas na ang narating ko magpaparamdam siya. Hindi na, patay na siya para saken.

Na promote na ako, nagpapalakpakan silang lahat sa opisina, maraming ang nakipag kamay pero ramdam ko na ang iba sa kanila ay naiingit. Hindi ko na pinapansin iyon.

Nagtungo ako sa bahay ni Joanne, ang aking kasintahan. Anim na taon na kaming magkasintahan at balak ko nang mag-propose sakanya. Kaya nagtungo ako sa bahay niya upang suspresahin siya. Ngunit ako ang na surpresa. Kayakap niya ang isang lalake, si Richard na katrabaho ko. Bigla siyang hinalikan nito. Sinugod ko sila sa sobrang galit. Sinuntok ko sa mukha si Richard, napaupo siya at agad na dumugo ang ilong nito. "Pa'no niyo nagawa sakin to?!" nanginginig ako sa galit. "Jo, sinayang mo lang ang anim na taon natin at sa katrabaho ko pa?!"
"Babe, its not what you think? tugon ni Joanne. Naiyak siya at pilit na niyayakap ako pero tinataboy ko siya.
"Drew, sorry kasalanan ko ito. Walang kasalanan si Joanne" nagmamakaawang nagsalita si Richard. "Ako talaga ang may gusto sa kanya, thats why I kissed her. Pero ikaw lang talaga ang mahal niya." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Bigla kong naalala ang mga panahong magkakasama kami. Nakita ko na close sila at naghinala ako pero di ko pinansin ang mga hinala na yon. Iba ang tinginan nilang dalawa sa mga pagkakataong iyon. At ngayon nakita ng dalawang mata ko. Bigla akong namanhid. Tinignan ko sa mata si Joanne, dama ko ang sincerity sa mata at luha niya. Pero namanhid ako sa sakit, di na ako nag salita. Bigla akong umalis at pinaharurot ko ang sasakyan.

Nasa highway na ako papunta sa malapit na bar. Mabilis ang pagmamaneho ko. Walang masyadong sasakyan at palubog na ang araw. Unti unting tumulo ang luha sa aking mga mata. Kumikirot ang puso ko sa galit. Nasa bulsa ko pa ang engagement ring. Walang ano-ano, may lumitaw sa aking harapan na isang capsule na may laman na isang tao. Makinang ito at kulay pilak. Pumreno agad ako ngunit ayaw kumagat ng brakes ng aking motor. Alam kong mayabang ako at arogante pero di ko sukat akalain na magagawa nilang sirain ang brakes ko. Di na ako naka iwas sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko at bumangga ako sa malaking pilak na kapsula.

Nakita ko ang isang lalake tumalsik papabas ng malaking kapsula. May katandaan na sya. Nawalan sya ng malay. Bumagsak din ako. Gumapang ako papalapit sa singsing na tumalsik malpit sa kapsula. Kahit hirap at maraming gasgas sa katawan ay pinilit ko hangang sa maabot ko ang singsing. Walang ano ano ay napunta ako sa kakaibang demensyon hanggang sa napunta ako sa isang kwarto at maraming Oathkeeper kasama ang lider nila. Nabaril ako ng lazer blaster ng isa sa Oathkeeper at doon ako nawalan ng malay hanggang sa nagising ako sa clinic.

Pilit nila akong tinatanong kung nasaan si Clemente.

"Sino si Clemente?!"

Silver ShellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon