2. Pagtakas

19 3 0
                                    

                            January 21, 2080

Hindi ko alam ang sinasabi nyo! Pakawalan niyo ako!"
pagmamakaawang sigaw ko habang nakagapos at nakaupo sa puting upuan.

"Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari, Mr. Buenavista. Ako nga pala si Tamil, ang direktor ng Archlight. Pwede ka naming isama sa aming hanay para sa pagpapalaganap ng teknolohiya sa aming facility." nakangiti at payabang na alok ni Tamil.
Si Tamil ay nasa edad sa pagitan ng 55-60. Matipuno ang katawan at may manipis na bigote, matangkad siya at may tuwid ang buhok. Lagi syang nagsosoot ng mahabang puting uniporme.

Nasa loob kami nang pabilog at malaking silid. May isang pinto at sa labas ng silid ay may nagbabantay na Oathkeeper. May malaking screen sa harap ko.

Paikot-ikot si Tamil habang kinakausap ako.

"Alam ko kung sino ka, sabihin mo lang sa akin kung nasaan si Clemente at tutulungan kitang makabalik sa panahon mo upang maituloy mo ang pagiging CEO ng Archlight sa panahong 2020." pagpupumilit ni Tamil. Nakakunot noo ko lang siyang tinitigan.

Pinindot ni Tamil ang pulang pindutan sa hawak niyang maliit na remote at kumalas ang kable na nakagapos saken. Tumayo ako at tinitigan lang ng masama si Ramil.

"Alam mo ang na diskubreng time machine na ginawa ni Clemente ang sagot sa suliranin sa panahong ito. Nagbabadya ang papalapit na digmaan sa mga bansa. At hindi pa sapat ang ating mga sandata. Gusto kong iwasan ang nalalapit na digmaan. At mangyayari lamang iyon kung babaguhin ko ang nakaraan, ako ang mamumuno sa lahat, lilipunin ko ang lahat ng bansa para sumunod sakin. Uunahan ko sila bago pa sila makagawa ng aksyon. Gagawa ako ng maraming Humanite at buburahin ko ang mga alala nila." pagpapatuloy ni Ramil at habang hawak ang balikat ko.

"Napakasama mo!" Pasigaw na tugon ko. Bigla kong naalala ang matandang tumalsik sa pilak na kapsula, si Clemente; imbentor ng Silver Shell.

Biglang may pumasok sa silid. Namukhaan ko siya. Siya si Gareth nakasuoot ng black suit, matangkad, mahaba ang buhok na abot leeg. Isa siya sa pinuno ng mga Oathkeeper na humuli sa'kin, masama ang tingin niya sa akin habang papasok. May binulong siya kay Tamil at pagkatapos ay lumabas din agad.

"Nakahanap kami ng impormasyon may anak pala si Clemente, si Chloe. Baka may alam siya upang maayos ang Silver Shell." sabi ni Tamil.

I-kwinento pa ni Ramil sa akin na alam nya ang lahat kahit magsinungaling pa ako. Alam niya na nasa 2020 si Clemente dahil na scan nila ang alala ko gamit ang M.R.D o Mind Reading Device. Ginagamit din nila ito sa mga tao bago nila gawing Humanite at itatago nila ang mga alalang nito sa secret database ng pasilidad. Ginagamit din ito na pang bura ng alala at higit sa lahat kaya din nitong maglagay ng fake memories. Nagkunwari lang si Tamil na wala siyang alam upang subukin ako.

Biglang nagbago ang isip ko. Kinumbinsi ko si Tamil na aanib na ako sakanila. Kapalit ay ibabalik ako sa tama kong timeline.

Pumayag naman si Tamil. Nagtungo kami, kasama ang iilang Oathkeepers sa isa pang malaking kuwarto. Nag-oobserba ako sa paligid at sa kung paano sila gumalaw. Ipinakita sa akin ni Tamil ang M.R.D., isa din pala itong kapsula na kulay dilaw at kasya ang isang tao, mayroong helmet at kable na ilalagay sa ulo ng taong ipapsok don upang maisagawa ang pagbura, pagbasa o paglagay ng memorya.

Namangha ako sa mga nakita ko. Ipinakita din sa'kin ang ibat ibang mga makabagong sandata. Espada na nagkakaron ng kuryente pag-inihampas o ipansasaksak sa kalaban. Malaki hanggang sa pinakamaliit na blaster. X-Spray o spray na may kakayahang patulugin, lasunin ang isang tao/hayop o kaya naman ay sunugin ang parte ng katawan ng tao/bagay.

May mga scientist at imbentor na sinusubukan ang mga ito. Lumapit ako sa glass container kung saan nakalagay ang mga X-spray. Nakita ko sa baba nito na may isang spray na nahulog. Nagmasid muna ako kung may nakapansin dito ngunit walang nakapansin dahil patuloy sa pagsasalita si Tamil at ang atensyon ng mga Oathkeeper ay wala sa akin. Dali dali kong nilagay ang X-spray sa aking bulsa.

Silver ShellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon