Pusong Bato
ni MezoeyTulala at isip ay tuliro
umiiyak ang puso kong bigo
Minahal kita ng buong puso
ang sinukli mo ay panibughoAko'y umaasa't nasasaktan
subalit 'di mo nararamdaman
ang puso ko'y naguguluhan
bakit ikaw pa ang naibiganPuso mong kasing tigas ng bato
'di tinatablan ng kahit ano
kamanhirang tagos hanggang buto
pati anestisya'y sasaludoNgayon ay hindi na nalilito
tanggap ko na ngayon ang totoo
na 'di nagmamahal ng seryoso
ang tulad mong pusong-bato