Poema 7

10 1 0
                                    


Hindi ako nagbago, Umiiwas lang ako

ni Kryzee

Umiwas ako kasi akala ko ikakasaya mo
Umiwas ako kasi unti-unti na akong nahulog sa'yo
Nakatatakot ako
Natatakot ako na baka tuluyan na akong mahulog sa'yo

Alam ko kasi na hindi ako ang tipo mo
At hinding-hindi ako kayang saluhin ng isang katulad mo
Huwag kang mag-alala
Saglit lang 'to
Babalik rin ako

Babalik rin ang dating kaibigan mo
Kaibigan mo na palaging sumusuporta sa'yo
Sana pagbalik ko'y makilala mo pa ako
Sana pagbalik ko'y hindi na ikaw ang tinitibok nitong puso ko

Na sana pagbalik ko'y kaibigan na lang turing ko sa'yo
Tulad nang tingin mo sa'kin na kailanman ay hindi nagbago

At sana pagbalik ko...
Sana pagbalik ko ay wala na 'tong kirot na nararamdaman ng puso ko
Sana maging masaya na ako

Peoma ColeccionesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon