Peoma 1

49 2 0
                                    

Pusong Bato
ni Mezoey

Tulala at isip ay tuliro
umiiyak ang puso kong bigo
Minahal kita ng buong puso
ang sinukli mo ay panibugho

Ako'y umaasa't nasasaktan
subalit 'di mo nararamdaman
ang puso ko'y naguguluhan
bakit ikaw pa ang naibigan

Puso mong kasing tigas ng bato
'di tinatablan ng kahit ano
kamanhirang tagos hanggang buto
pati anestisya'y sasaludo

Ngayon ay hindi na nalilito
tanggap ko na ngayon ang totoo
na 'di nagmamahal ng seryoso
ang tulad mong pusong-bato

Peoma ColeccionesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon