Peoma 2

33 2 0
                                    

Pinapalaya na kita
ni Mezoey

Sa bawat araw na lumilipas
ang pagmamahal sayo'y walang kupas
ngunit mundo ko'y tumigil ng wala sa oras ng sabihin mong ito na ang wakas

Minahal kita ng higit pa sa sarili
ibinigay ang lahat ng minimithi
nagbulagbulagan at naging pipi
walang reklamong narinig mula sa aking labi

Gustuhin ko mang ipaglaban ka
nagmakaawa sayong subukan pa
ngunit wala na akong magagawa
kung piniputol mo na ang ugnayan nating dalawa

Mahal na mahal kita
pero kasi nakakapagod na
wala ng saysay kung lumaban pa
kaya mahal pinapalaya na kita

Peoma ColeccionesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon