warning: a very long chapter charot consists of 2947 words. :3
-
"Okay, class, sa lahat ng section A ay doon sa Bus na nasa may kaliwa at lahat naman na nasa section B ay sa may bus na nasa kanan." Pagpapaliwanag ni Mrs. Kim, ginegesture ang bawat bus na naka-assigned sa bawat section for the fieldtrip.
Nakaramdam naman ng kalabit si Baekhyun mula sa likod nya, "Ano ba?" Irita nyang sabi nang makalingon na sya sa taong kumalabit sakanya.
Nag-make face si Kyungsoo at dalawang beses tinuro ang direksyon kung nasaan si Chanyeol. "Baek, nahihirapan yung syota mo buhatin ang limang bags na 'yon. Sigurado ako na saiyong gamit lahat 'yon, ano bang dala dala mo at napakarami naman ata, hah?"
"Ang daldal mo talaga, Soo! Actually," Nilapit ni Baekhyun ang labi nya sa tenga ni Kyungsoo at bumulong ng, "Bag ng semento ang laman ng tatlong bags dyan. You know, gusto ko sya pahirapan."
Nanglaki naman ang dalawang eyeballs ni Kyungsoo at tinulak palayo si Baekhyun. "Kahit kailan talaga demonyo ka!"
"Oo, Soo, Oo." Tinungo-tungo ni Baekhyun ang ulo nya. "Hayop ka naman, che."
Sa kabilang banda ay nandoon si Chanyeol, awkward na awkward sa pagbitbit ng mga bags nila na karamihan ay gamit ni Baekhyun. Nagpapasalamat nga sya kay Kai dahil napakabuting kaibigan 'to, pinagkaloob ng langit sakanya at may butihing kalooban.
Oo, grabe, ang bait ni Jongin kasi wala syang ginawa kundi tawanan ang itsura ni Chanyeol at sabihin na Buti pa Kyungsoo ko~ Gusto na talagang tadyakan ni Chanyeol pagmumukha ni Kai kaso, baka maihaw sya ni Kyungsoo pagnagkataon.
"Kawawa naman tayo." Panimula ni nognog. "We're far away from our boyfriends and our babies." At nag-tsked sya.
Nagkibit balikat si Chanyeol ngunit hindi ito halata dahil napakabigat ng backpack na nasa likod nya. "Alam mo bang mas kawawa ako kapag kasama si Baekhyun. Kaya Kai, please lang, kahit saglit na oras lang.. pagpahingain mo ako?" Nagmamakaawang boses ni Chanyeol at tumawa ng mahina si Kai, tinapik-tapik ang braso nya bago pumasok sa respective bus nila.
Papasok na din sana si Chanyeol ng mapahinto sya dahil sa sigaw ni Mrs. Kim. "Mrs. Kim," Yumuko sya bilang paggalang. "Bakit 'ho?"
"Chanyeol, kailangan ka ni Baekhyun." Hinimas-himas ni Mrs. Kim ang sintido nya. "Susunugin nya daw yung bus kapag hindi ikaw ang katabi nya."
"Sige mam, bus nyo lang naman susunugin nya eh." Ihahakbang na sana ni Chanyeol ang malaki nyang kanan paa sa bus ng hatakin sya papabalik ni Mrs. Kim.
Bumuntong hininga ang matandang hukluban. "Sisiguraduhin daw nya na tatapyasin nya tenga mo pag-hindi ka pumayag sa kondisyon nya."
Inayos ni Chanyeol ang tayo nya at hinawi nya ang bangs na tumatapik sa noo nya. "Sige.. putangina naman, shet."