III.

0 0 0
                                    


Sa totoo lang di namin alam kung san kami pupunta or tatambay.

Na uuna siyang naglalakad. Ay no! Sa likod ko pala.

Hindi kami sabay maglakad. Baka raw makita kami ng gf niyo or ng mga kakilala ng gf niya at mag sumbong.

Wala naman dapat ikaselos si shane, bff lang naman kami. Kaso selosa daw ito!

Ako: san tayo pupunta?

Adonis: ewan ko sayo. Ikaw tung sinusundan ko.

Ako: (Nakakainis naman tung taong to)

Nakaramdam ako ng gutom at saktong pagabi na din yun. Kaya nagtungo nalang kami sa night market.

Nilibre ko siya. Tutal ako naman nangisturbo sa mukong nato.

Ako: ano gusto mo?

Adonis: ililibre mo ako?

Ako: oo mayaman ako ih! (Sabay tawa hahaha) charrr! Ngayon lang ha? Nextime ako naman ililibre mo.

Adonis: sige ba.

Nang makabili na kami. Naglakad na naman kami at kung saan kami pupunta ay hindi ko alam.

Hanggang sa, napagod na ako at nagyaya ng umuwi.

Ako: Uwe na ko pangit!

Adonis: bat ngay?

Ako: wala naman tayong mapuntahan. Tsaka baka hinahanap na din ako sa bahay.

Adonis: Sige. Halika hahatid na kita sa sakayan.

Ay! Kinilig ako ng di ko alam kung bakit. Ewan ba ang weird. Haha!

Pagkasakay ko ay umalis na din siya.
Umuwi na din siguro siya.

Pagkauwe ko ng bahay. Nabasa ko yung text message niya sa akin.

Adonis: ingat ka. Salamat sa libre.

Dinedma ko lang yun. At di ko nireplayan pero napangiti ako nung mga oras na binabasa ko yung message niya sakin.

Maya maya ay,
Kringgggggg. Ringgggggggg
Incoming Call, Adonis . . .

Ako: o? Hello. Bakit?

Adonis: di ka nagrereplay

Ako: ah? Wala napagod lang ako. Kaya nagpahinga lang muna ako.

At nagtuloy pa ang usapan namin. Sabay kaming kumain habang kausap ko siya.

Ako: di mo ba kausap si shane?

Adonis: hindi e.

Ako: bakit? Nagaway ba kayo.

Adonis: oo. Maynagsumbong kasi na naglaro ako ng dota nung isang araw.

Ako: magpaalam ka kasi ng maayos. Para di siya nagagalit sayo.

Adonis: ginawa ko na pero ayaw niya. Gusto niya alisin ko yun. Pero di ko kasi magawa. Dun ko lang nailalabas stress ko at wala naman akong ibang ginagawa. Nasasakal na ako sa sobrang oa, at pagbabawal niya sakin.

Ako: hala.

Adonis: wag na natin siyang pagusapan.

Ako: ayusin niyo yan! Ha?!

Adonis: oo aayusin ko. Pero siya ang magsorry. Ako nalang ba lagi ang susuyo.

Ako: basta ayusin niyo.

Di namin namalayan ang oras at alas tres na pala ng umaga.

Buti nalang at wala akong pasok kinaumagahan.

When is it said that a love is wrong or right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon